"Ganito kasi 'yon. Papasok na sana ako sa shop no'n tapos may biglang yumakap sa'kin. Nung tinanong ko s'ya...." I pointed Sid. "...'wag daw akong maingay kasi nga ang daming humahabol sa kanya." Paliwang ko sa kanila.
"Ganoon nga 'yung nagyari." Pag sang ayon sa'kin ni Sid.
"Why did you hug my sister? Ang daming babae sa mall at kapatid ko pa talaga ang niyakap mo." Saad ni Kuya kay Sid.
"Malay ko bang kapatid mo pala ang mayayakap ko no'n. Hindi ko nga alam na s'ya 'yon." Paliwanag ni Sid kay Kuya.
I sighed, "Kuya, don't worry wala naman nangyari atsaka umalis naman na s'ya pagkatapos no'n." Sabi ko kay kuya.
"Fine pero next time magsama ka naman kapag pupunta ka ng mall hindi 'yung ikaw lang mag isa." Payo nito sa akin kaya ngumiti ako.
"Kuya, don't worry kasama ko naman si Zen nung pumunta ako ng mall." Sabi ko at tumango ito.
Pansin ko namang tahimik si Red na nakatingin sa'kin. Ano kayang iniisip ng isang 'to.
"Past is past na, ang seryoso n'yo naman." Sabat ni Luther.
"Hoy pareng Weston, bakit hindi ka na nagsasalita d'yan. Sino bang makakalaban n'yo sa semi?" Tanong ni Sid. Napalingon naman sa kanya si Red.
"'Di ko pa alam, but I will make sure na kami ang mananalo sa semi." Seryosong sagot ni Red.
"Ikaw na kambal ni Dustin. Bakit dineny mo ako kanina na hindi mo ako kilala ha?" Tanong ni Sid sa akin kaya napalunok ako. Nagtago naman ako sa likod ni Red.
"Hoy Pula, tulungan mo naman ako. Mukhang naka drugs yata 'yang si Sid." Bulong ko sa kanya kaya napatawa ito.
"Anong binubulong bulong mo kay Weston?" Tanong ulit ni Sid.
"Sabi n'ya mukha ka raw naka drugs." Sabi ni Red kay Sid kaya naman napahalakhak si Kuya at Luther.
Kinurot ko naman sa tagiliran si Red. Traydor, binulong ko na nga lang para hindi na marinig ni Sid pero sinabi n'ya pa.
"Aba naman, 'yang kapatid mo Dustin ba't ganyan. Sa gwapo kong 'to mukha akong nag da-drugs?." Turo ni Sid sa mukha n'ya. Nagkibit balikat na lang si Kuya dahil sa sinabi nito.
"Hoy wala akong sinabi 'no. Diba Pula?" Pinanlakihan ko naman ng mata si Red pero nginisian n'ya lang ako.
"Sabi n'ya baka isa ka ring drug lord." Sabi ni Red kay Sid.
Isa kang malaking Traydor, Red!
"Hoy! Captain ng Westview! Wala akong sinabi na ganon. Siya!" Turo ko kay Red. "Ang sabi ko lang mukha kang naka drugs pero wala akong sinabi na drug lord ka." Napangisi naman sila dahil sa sinabi ko. Patay, nasabi ko 'yung binulong ko kay Red.
"Tsk. Pareho kayo ni Dustin, ang judgmental n'yo. Hindi nga kayo mag kamukha pero mag kaugali naman kayo." Iiling iling na sabi ni Sid.
"Sid Fuentes nga pala." Pagpapakilala ni Sid at nilahad ang kamay n'ya.
"Vivial Villamero." Ngumiti ako at nakipag kamay sa kaniya.
"Anong balak n'yo, Weston?" Tanong ni Sid kay Red.
Nakikinig lang ako ng usapan nila. Mag isa na naman ako. Bakit ganito na lang ang role ko rito. Pati doon sa EMU, ganito rin ako sa field.
"Ba't ko sasabihin sa inyo. Makakalaban namin kayo sa finals." Sabi ni Red. Napatawa naman ako kaya napatingin sila sa'kin.
"Hehehe, 'wag n'yo na 'kong pansinin. Sige mag usap lang kayo. Ang dami rin kasing kwento nitong d**o sa'kin kaya napatawa ako." Sabi ko sa kanila.
"Mukhang ikaw 'yung naka drugs, Vivial." Natatawang sabi sa'kin ni Sid kaya inirapan ko s'ya.
"Dane, 'yung totoo takas mental ka ba?" Tanong din ni kuya kaya inismiran ko sila.
"Hindi ako makakarelate sa inyo dahil puro baseball ang pag uusapan n'yo. Kaya itong mga d**o na lang ang kakausapin ko." Sabi ko sa kanila.
Napahalakhak naman sila sa sinabi ko at nagsimula na silang mag usap about baseball again and again. Nakikinig na lang ako sa kanila. Ngayon ko lang napansin na mas malawak ang field nila kaysa sa field ng EMU. Ang theme ng uniform nila ay Red pero 'yung sa pants ng boy ay black at sa skirt naman ng mga babae ay Red.
"Kailan ba ang semi?" Tanong ni Luther.
"September." Sagot ni Red.
"Malapit lapit na rin pala." Si Kuya.
"Hindi na ako makapag hintay na makalaban ka, Weston." Si Sid.
"Sa pagkakataong 'yon, sisiguraduhin kong matatalo na kita." Si Red.
"Tingnan na lang natin hahaha." Si Sid.
Hindi na rin ako makapag hintay sa finals. Feeling ko kasi, magandang game ang kakalabasan nito. Captain ng EMU vs. Captain ng WU. Nice, parehong catcher at clean up. Wala talagang magpapatalo sa kanila.
Dahil wala akong magawa, kinuha ko ang phone ko sa bag ko. Tawagan ko kaya si Dahlia? Kaso baka may klase pa s'ya. Ano kayang magandang gawin dito. Pwede kayang maglibot libot? Feel ko ang ganda ng makikita ko sa school na 'to.
"Practice match tayo." Yaya ni Sid kay Red.
"Kailan?" Tanong ni Red.
"Monday." Si Sid.
"Sure, sa EMU na lang tayo. Nagtitipid ako ng gas ngayon. Ang mahal ng diesel." Si Red.
"Ulol, ang yamang tao pero ang kuripot." Si Kuya.
"Nice, magandang practice match 'yon." Si Luther.
"Sana all." Sabat ko.
"Kumusta 'yung d**o Miss. EMU. Masaya ba silang kausap?" Inirapan ko naman si Sid dahil sa tanong n'ya.
"Oo, mas masaya silang kausap 'di tulad n'yo puro baseball." Sagot ko kaya naman napatawa sila.
"Mauuna na kami tol." Paalam ni Red kaya tumango sila.
"Kuya, dalaw ako sa bahay sa linggo ah." Sabi ko kay kuya at ngumiti naman ito at niyakap ako.
"Ingat ka, Dane. I missed you. Ang laki mo na hahaha." Ngumiti ako at hinalikan s'ya sa pisngi.
"Balik ka minsan Miss. EMU!" Sigaw ni Sid.
"Ayoko ng makita ka." Sagot ko.
Masaya ako para kay kuya. Ang dami n'yang kaibigan na nakapaligid sa kanya at alam kong lahat sila, ay totoong kaibigan.
Kinuha naman agad ni Red ang I.D naming dalawa at nagpaalam na kami kay manong guard.
Nang makalabas kami ni Red ay agad akong sumakay sa kotse n'ya. Masaya rin pala sa Westview. Sana dito na lang pala ako nag aral pero ano pang magagawa ko. EMU siguro ang nakatadhana para sa akin.
"Gutom ka ba?" Tanong sa'kin ni Red habang nag dadrive s'ya. Tumango naman ako bilang tugon. Kanina pa talaga ako gutom, alas tres na rin kasi.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong n'ya ulit at biglang sumagi sa isip ko ang L'Amour.
"L'Amour." Sagot ko kaya ngumiti ito.
"Italian food pala ang gusto mo." Sabi n'ya kaya naman napailing ako.
"Hindi 'no, curious lang ako sa L'Amour. Ang dami kasing kumakain doon kaya for sure masasarap ang mga pagkain nila." Sabi ko at napailing iling naman s'ya.
"Ofcourse it is." Sagot naman n'ya sa'kin.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nakita ko si kuya at marami rin akong nakilala ngayong araw. Si Sid Fuentes, nung una akala ko may sira ang ulo n'ya 'yun pala wala naman.
"We're here." Sabi ni Red kaya naman agad akong bumaba.
"Wow, is this L'Amour?" I asked Red and he nodded.
Wow grabe, seriously ang ganda. Italian restaurant pala 'to tapos ang aesthetic ng datingan. Kakaiba ang may-ari ng restaurant na 'to, halatang galante.
Pumasok na kami ni Red, umupo kami malapit sa mini garden nitong restaurant. Ang ganda talaga, gaganahan akong kumain kung ganito naman ang makikita ko.
"What's your order ma'am and what the hell? Red?" Takang tanong nung waiter kaya naman tumingin ako kay Red.
"Hoy? Kilala ka nung waiter?" Tanong ko kay Red at tumango naman ito.
"Pres, alam mo na kung ano 'yung order ko. Ganoon na rin sa kanya." Sabi naman ni Red do'n sa waiter kaya nag okay sign ito.
Taka pa rin akong tumingin kay Red, pero nakangiti lang ito. Weird. Kakilala n'ya ang waiter dito.
"Lagi ka ba rito sa L'Amour?" Tanong ko.
"Ofcourse." Sagot n'ya kaya naman tumango tango ako.
"Kaya pala e, barkada mo na 'yung waiter 'no." Sabi ko at napahalakhak naman s'ya.
After 5 minutes dumating na rin 'yung order namin. Pansin ko rin na iba ang kinikilos nung waiter at nitong si Red. Ang weird nilang dalawa as in.
Habang kumakain kami hindi ko mapigilang mapangiti. Ang sarap ng pagkain, sino kaya 'yung chef nila. Sana ganito rin ako kagaling mag luto para sa future namin ng magiging asawa ko.
"Here." Taka naman akong tumingin sa cellphone n'ya na inaabot n'ya sa'kin.
"Anong gagawin ko d'yan?" I asked at uminom ako ng tubig.
"Kainin mo." Inis na sabi n'ya sa akin kaya naman inirapan ko s'ya at kinuha ko ang cellphone n'ya na inaabot n'ya sa akin.
"Type your number." Sabi n'ya pa kaya naman tumango ako.
Mabilis kong tinype ang number ko sa cellphone n'ya pagkatapos ay ibinalik ko rin kaagad ito. Nang matapos kaming kumain ay napagpas'yahan muna naming mamahinga.
"Oo nga pala, wala ka pa ring idea kung sino ang makakalaban n'yo sa semi?" Tanong ko kaya napatingin s'ya sa akin.
Umiling siya, "Sa Tuesday ko pa makukuha 'yung report." Sagot nito kaya tumango ako.
"So? Edi todo practice na kayo no'n?" I asked again and he nodded.
"Ofcourse, kailangan naming manalo para makalaban namin sina Sid." Sabi n'ya.
I sighed, "Kung kayo nga ang mananalo sa game pwede bang sa Westview ako pumunta. I mean, support ko naman ang team n'yo pero suportado ko rin ang kuya ko. Kung pahihintulutan mo, do'n ako sa area ng WU." Sabi ko kaya naman napakunot ang noo n'ya.
"No, sa area ka namin. You're our manager, Mushroom." Sagot n'ya.
Talagang tinawag n'ya pa akong Mushroom!
"Okay, sabi mo e pero please stop calling me Mushroom. Hindi ako mukhang kabute, Red." Sabi ko sa kanya kaya napangisi ito.
"Why? Pwede naman kitang tawagin na kahit ano ah. Ako naman ang tatawag sa'yo no'n hindi naman ikaw. Baka gusto mong tawagin kitang, Love, Honey, Babe, Mine, Bhie or else my baby." He said while smirking.
"Iwww, mandiri ka nga sa sinasabi mo Red. Vivial is okay, kaya 'wag mo na akong tawaging ng kung ano ano." I rolled my eyes at him.
"Sorry but I preferred, Mushroom." Sagot n'ya kaya naman inismiran ko ito.
"Susunduin ka ba ng boyfriend mo?" Tanong n'ya.
At kailan pa ako nagkaroon ng boyfriend?!
"Huh? Boyfriend? Wala ako no'n." Sagot ko kaya naman sumeryoso ang tingin n'ya sa'kin.
"Zen." Sabi n'ya sa pangalan ni Zen.
"Ah, he's my bestfriend. Hindi ko 'yon magiging boyfriend 'no. Para ko ng kapatid ang lalaking 'yon." Sabi ko kaya tumango ito.
"Pero susunduin ka nga n'ya?" Tanong n'ya ulit kaya umiling ako.
"Kumuha 'yung ticket. Uuwi na rin kasi s'yang japan." Sagot ko.
"Ah, hatid na kita." Ngumiti ako bilang tugon.
Hindi na ako umangal dahil nagtitipid din naman ako. Mabuti na lang may mga driver ako. Una si Zen at ngayon naman ay si Red.
It's already 5:00 Pm. Buti nakatagal ako kay Red. Hindi rin naman pala s'ya tahimik na tao tulad ng nababasa ko sa mga story. Masasabi kong mabait si Red. 'Yung blonde hair bagay na bagay sa kanya pero I think mas bagay sa kanya ang ash gray na kulay. Ang gwapo n'ya siguro kapag gano'n, makalaglag panty na ang kagwapuhan n'ya.
Naalala ko 'yung sinabi ni manong guard. 'Yung ito na ba 'yung girlfriend n'ya. I'm just curious, sino kaya ang tinutukoy na babae nung guard. Well, bakit ko ba iniisip pa 'yon. Dapat hindi na ako nag iisip ng mga ganoong bagay, labas na ko ron. Pero sabi ni Veronica, walang time si Red sa mga babae. Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko.
"Nandito na tayo." Sabi n'ya kaya ngumiti ako at bumaba.
"Thank you sa paghatid, Red." Saad ko at ngumiti naman ito sa akin.
"No problem, mauuna na ako. Pumasok ka na." Sabi n'ya kaya naman tumango ako.
Nang makapasok ako sa apartment namin hindi ko mapigilang mapangiti. What the hell is wrong with me? Hindi ko naman siguro gusto si Red?
Nilapag ko ang bag ko sa study table ko at nag bihis agad ako. Pansin ko namang wala pa si Dahlia, siguro dahil may klase pa s'ya o may project na naman s'yang ginagawa.
Kumuha ako ng chocolate sa ref. Pagkatapos ay kinuha ko ang remote at binuksan ang T.V. Umupo ako sa couch at nanood ng Anime.
Habang nanonood ako, naisip ko yung gc na sinabi ni Dahlia. Si Veronica ang nag add sa amin do'n kaya naman nag online ako. s**t, ba't ang daming messages.
"Magagandang Lahi lang"
Bakit ganito 'yung pangalan ng gc? Nababaliw na ba sila?
Sid Fuentes: Gago si Dustin, bakla!
Volt Villamero: Referring to yourself, bro.
Red Costales: @Vesper Alante, gago tol 'yung bola ibalik mo!!
Vesper Alante: Ayoko nga bleh :)
Veronica Alante: Boys, ang ingay n'yo!
Sid Costales: @Veronica Alante, uso ang mute.
Volt Villamero: @Red Costales, 'yung kapatid ko ba naiuwi mo ng maayos?
Jeymour Prenger: Magkasama sila kanina Dustin?
Sid Fuentes: Hoy, @Vivial Villamero mababaog daw seener.
Napatawa naman ako sa sinabi ni Sid. Siraulo talaga, akala n'ya ba naniniwala ako sa mga gan'yan.
Volt Villamero: Dane, naiuwi ka ba ni Red?
Red Costales: Naiuwi ko 'yan ng maayos @Volt Villamero.
Sid Fuentes: Ang papanget ng mga seener. Lalo na 'yung si @Vivial Villamero!
Jeymour Prenger: Okay, I'm talking to the air.
Sid Fuentes: Selos na baby ko hehe
Jeymour Prenger: @Sid Fuentes, kadiri ka tol!
Axis Madrigal! Anong ganap?
Vesper Alante: Kagwapuhan ko raw.
Nag offline na lang ako at pinagpatuloy ag panonood ko. Naramdaman ko namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dahlia.
"Ba't ngayon ka lang?" Tanong ko rito.
"May dinaanan lang ako. Oo nga pala, kumusta ang date n'yong dalawa ni Red? Awit, mapapa sana all na lang talaga ako. Biruin mo, captain ng baseball ang naka date mo tapos baka mamaya jowa mo na pala 'yon. Wala na akong masasabi sa'yo, ikaw na!" Sabi nito habang nakangisi.
I just rolled my eyes, "Kung ano ano na naman ang iniisip mo. Sinama lang ako do'n ni Pula para sa game okay? At anong date date 'yang sinasabi mo? Asa ka namang papatol ako doon 'no." Sagot ko kaya tumawa na lang s'ya.
"Sus, alam mo kung isa lang akong match maker kayong dalawa na ni Red ang imamatch ko. Isipin mo ah, maganda ka tapos gwapo si Red. 'Pag talaga kayo ang nagkatuluyan, I swear Vivial ako na ang sasagot sa binyag ng anak n'yo. Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Anong sinasabi nito? Masyado nang malawak ang imahinasyon n'ya. Anak? Asa naman s'ya.
"Alam mo, pareho kayo ni Sid e. Nag da-drugs siguro kayo." Sabi ko kaya naman nanlaki ang mata n'ya.
"Omy! Nakita mo si Sid? Ano? Gwapo talaga sa personal? How about his personality? Sa tingin mo pasok ako sa taste n'ya sa mga babae?!" Sunod sunod na tanong n'ya kaya napailing na lang ako.
"Isa lang ang masasabi ko. Match kayo ni Sid, pareho kayong may sapak sa ulo." Sabi ko kaya todo ang ngiti n'ya.
Picture pa lang ang nakikita n'ya pero ang lakas na ng tama n'ya kay Sid. Ibang klase, paano kaya 'yon.
"Pwera biro na, ito seryosong tanong na. Do you like him?" Tanong n'ya kaya naman napataas ang kaliwa kong kilay.
"Sinong him ang tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya kaya tumawa ito.
"Sino pa ba edi si Red hahaha." Natatawa pang sambit n'ya kaya naman kinurot ko s'ya.
"Asa ka namang magugustuhan ko 'yon. Alam mo namang s'ya ang kinaiinisan ko." Sagot ko kaya naman napatawa na naman s'ya.
Inirapan ko lang s'ya atsaka naman ay tumungo s'ya sa kusina upang kumuha ng tubig. Hindi ko na s'ya pinansin at nanood na lamang ulit ako.
"Ano? Nakita mo si Kuya?" Tanong n'ya nang makalapit s'ya sa'kin.
"Oo, ang galing ni Kuya mag baseball. Ang laki nang pinagbago n'ya." Sagot ko kaya naman tumango ito.
"Sus, bakit nga ba nakiki kuya ako sa'yo 'no. Kung tutuusin mas matanda ako ng buwan sa inyo." Sabi n'ya kaya napatawa ako.
"'Yung Kuya mo ba nasaan?" Tanong ko.
"Ewan ko doon sa lalaking 'yon. Kung saan saan nagpupupunta." Sagot n'ya.
May kapatid rin kasi si Dahlia at ito ay si Dave. Balita ko isang doctor na ito. Ang suwerte nga ni Dahlia dahil may kapatid s'yang doctor.
"Pero miss mo kuya mo?" Tanong ko ulit kaya naman tumawa ito nang malakas.
"Never kong mamimiss 'yon." Natatawa n'ya pang sambit.
"Oo nga pala, dumaan kami kanina ni Red sa L'Amour. Masasabi kong ang sarap ng pagkain nila at ang aesthetic ng restaurant na 'yon. Isipin mo may mini garden sila." Kwento ko kaya naman ngumisi ito.
Mang aasar na naman 'to.
"Ayieeeee, akala ko ba sa Westview kayo nag punta bakit may pa restaurant restaurant pa kayo ah. Wow, may improvement naman pala kayo ni Red. Kinikilig ako hihihi." Saad n'ya habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.
"Alam mo ikaw, napaka issue mo na babae ka. Sa sobrang lawak ng imahinasyon mo pwede ka nang maka imbento ng kung ano ano d'yan." Inis na sagot ko pero tinawanan n'ya lang ako.
"Oo, dahil sa sobrang lawak nga nitong imahinasyon ko. Nakikita ko na kayong dalawa ni Red ang magkakatuluyan at may kambal kayong anak. Naks, ang ganda talaga ng imahinasyon ko." Sabi niya pa kaya napailing na lang ako.
"Tsk. Ang dami mo sigurong tinira ngayon. Ikaw naman alam mo, nakikita ko sa'yo hindi si Sid ang makakatuluyan mo kundi si Axis." Sabi ko sa kanya pero nagkibit balikat lang s'ya.
"No problem kung si Axis 'yan. Magandang lahi naman." Sagot n'ya.
Napabuntong hininga naman ako dahil sa mga sinasabi nito. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa babaeng 'to pagdating sa asaran. Kung sina kuya kinakaya kaya ko pero itong kaibigan ko hindi. Ang lakas ng topak.
Nakinood na lang din s'ya sa'kin. Mamaya na ako magluluto kapag natapos ko na 'tong pinapanood ko.
Habang tutok ako sa panonood ko, bigla namang nag vibrate ang phone ko. Pagtingin ko unregistered number. Pero may text galing dito.
From: 09551******
Give me back my Umbrella.
What the hell? Si umbrella boy kaya ito?
----
Don't forget to vote and follow me. Labyahhhhh!