CHAPTER 7

3096 Words
"Anong sinasabi mo d'yan? Bakit ikaw ba si Cupid at ikaw ang bahala sa lovelife ko?" Tanong ko sa kanya at ngumiti ito. "Paano kung sinabi kong kupido ako? Maniniwala ka ba?" Nakangising tanong n'ya kaya umiling ako. "Hindi bagay sa'yo maging isang kupido 'no." Sagot ko kaya humalakhak s'ya. Tumayo na s'ya at nagsimula nang maglakad patungo sa batting area. Ano kayang problema no'n? Nangangarap ba s'yang maging isang kupido. Pero kung magiging kupido nga s'ya, ang gwapo n'ya sa posisyong 'yon. Nang matapos ko na ang pinagawa sa akin ni Red, nagtungo ako sa kinaroroonan nila. Ang boring din pala rito, wala man lang akong makausap. Bakit kasi pinagpaalam n'ya pa ako sa prof ko. Napairap na lamang ako at tumingala. Ang ganda ng mga ulap. "I have a question for you." It was Red again. "Ano?" Tanong ko sa kanya. "Naniniwala ka ba sa fantasy?" Tanong n'ya kaya tumango ako. Ang weird niya ngayon, kung ano ano ang mga tinatanong. "So, do you believe in Cupid?" Tanong n'ya ulit kaya umiling naman ako. "Hindi ako naniniwala kay kupido." Sagot ko kaya naman napahawak s'ya sa kanyang baba na tila ba'y napakalalim ng kanyang iniisip. He sighed, "Bakit?" Tanong n'ya. "Dahil hindi s'ya totoo, 'yon ang paniniwala ko. Kung totoo man si Cupid, bakit ang daming taong umiiyak dahil sa pag-ibig. Alam mo ba naniniwala akong si Cupid ang pinaka malupit na god sa lahat. Dahil minsan kung pumana s'ya, sa ibang tao pa. Sa maling tao kaya alam ko sa sarili na si Cupid ay hindi totoo, dahil kung totoo nga s'ya, dapat hindi n'ya hayaang may masaktang tao. Hindi n'ya hahayaang may magdusa at mamatay dahil lang sa pag-ibig." Sabi ko sa kanya at seryoso itong tumingin sa akin. "Learn to accept the fact that pain is twin of love." Sabi n'ya. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon laging masaya lang, kailan mo ring masaktan para malaman ang pagkakamali mo. Dito kasi napapatunayan kung gaano katatag ang isang relasyon. Sa isang relasyon hindi naman kailangan masaya lang. Kailangan lang balanse ang galaw n'yong dalawa." Dagdag n'ya pa kaya napaisip naman ako sa sinabi n'ya. He's right. "Tama ka naman, pero if cupid does really exist at nasa harap ko s'ya ngayon sasabihin ko sa kanya na, kung ako na ang target n'ya sana panain n'ya ako sa tamang tao dahil ayokong masaktan tulad ng nga taong nasa paligid ko." Sabi ko at ngumiti ito. "Makakarating 'yan kay Cupid." Saad n'ya habang nakangiti. Ang gwapo nga talaga nito. Hindi na ako magtataka na isang araw, nahulog na ang loob ko rito. Teka, ano bang iniisip ko? "Hoy ang seryoso n'yong dalawa?" Napalingon naman kami kay Axis. He's smirking. "Captain, taksil 'yang kinuha mong manager mas gusto n'yang mag cheer sa Westview kaysa sa atin." Sumbong ni Axis kay Red at talaga tinuro ako. Inirapan ko lang s'ya samantalang si Red naman ay takang tumingin sa akin. "Oh? Ano na naman? Ba't ganyan ka makatingin?" Tanong ko. "EMU or WU." Seryosong nakatingin sa akin si Red samantalang si Axis naman ay nakangisi. Kahit papiliin n'yo pa ako, doon ako sa kuya ko 'no. Hmp. "WU." Nakangiting sagot ko. Napatawa naman ako sa itsura ni Axis, nakasimangot na naman. "Taksil." Bulong ni Axis pero narinig ko naman. "Syempre suportado ko naman kayo pero mas support ko naman si Kuya Volt. Minsan lang kami magkita no'n e. Kaya, goodluck na lang sa finals hehe." Sabi ko sa kanilang dalawa kaya tumango sila. "Balita ko mas lalong gumaling si Dustin. " Sabi ni Axis kay Red. "Mahihirapan tayo sa kanya, matalino 'yon sa laro." Sagot naman ni Red. "Syempre lahing Villamero 'yon e." Sabat ko kaya naman napangisi silang dalawa. "I didn't know that you are Dustin twin sister. Bakit mukha kang mas matanda sa kanya?" Inismiran ko naman si Red sa sinabi niya at si Axis naman ay humalakhak. "Atleast maganda." Confident na sabi ko. "Inaasar n'yo ba si, Vivial?" Tanong ni Jeymour. Hindi ko alam, nasa tabi ko na pala 'tong lalaking 'to. "Pagtanggol mo nga ako." Sabi ko kay Jeymour at ngumiti ito sa akin. "Nyayy, Knight in shining armor ang peg mo tol hahaha." Si Axis. "Gago, 'wag n'yong asarin 'to. Taekwondo player 'to." Sagot ni Jeymour and he pointed me. Napangisi naman ako dahil sa sinabi ni Jeymour. When I was 6 years old tinuruan kami ni Dad na mag taekwondo. Nung una ayaw ko, pero sabi ni Dad para naman daw sa kapakanan namin ni Kuya. "Ano namang kung taekwondo player 'yan." Ani Axis kay Jeymour. Ang babaw naman ng isang 'to. Porket WU lang ang su-suportahan ko. Tsk. "Alam mo, para kang bata kung umasta, Axis. Don't worry bibilhan kita ng maraming candies mamaya para hindi ka na ngumawa. Baka gusto mo dog food? Tahol ka nang tahol." Ani ko rito. Napatawa naman si Jeymour at Red. "Hindi mo kaya 'tong si Vivial, tol. Lakas nitong mamilosopo e. Hahaha." Sabi ni Jeymour kay Axis. "Mag practice na tayo." Sabi ni Red sa kanilang dalawa. Nag practice lang sila nang nag practice habang ako naman ay pinapanood sila. Kapag break naman nila, kumukuha ako ng mineral water para ibigay sa kanila. Habang pinapanood ko sila, hindi ko mapigilang mamangha sa galing nila. Para silang professional baseball player. Si Axis, ang galing ng pitch n'ya at kakaiba ang pitching style n'ya. Si Kojic naman ang bilis tumakbo kaya laging home run. Si Arziel naman, ang galing maging batter. S'ya lang yata ang nakakatama sa ibang mahihirap na pitch ni Axis. Si Vesper, sobrang galing as in. Hindi na ako magtataka kung sila ang mananalo sa semi finals. Si Red naman, ang kanilang clean up at catcher. Bakit kaya ang gwapo ng isang 'to? It's already 11:30 Am. Tapos na rin sila mag practice. Nagpaalam na ako sa ibang members nila dahil sa cafeteria na lang ako kakain. Sakto namang pagkarating ko roon ay nandoon na sina Veronica at Dahlia. "Inorderan na kita. Kumusta ang first day mo bilang manager?" Tanong ni Dahlia sa akin. "'Yung totoo, hindi manager ang kailangan nila kundi katulong." Sagot ko kaya napahalakhak silang dalawa ni Veronica. "Hayaan mo na, buti ka nga araw araw kang makakakita nang gwapo hahaha." Saad ni Dahlia. Napailing naman ako dahil sa sinabi n'ya. Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa ulo 'yung mga player na 'yon. "Edi sana ikaw na lang 'yung naging manager diba." Saad ko kay Dahlia at tinawanan n'ya naman ako. "Hep hep! Tama na 'yan. Kumain na lang tayo." Awat sa amin ni Veronica. Kumain na lang kami nang kumain. Maganda rin pala maging manager, isipin mo 'yon araw-araw libre ang pagkain ko. Hindi ko na kailangan pang pumila dahil mga kaibigan ko na ang bibili ng pagkain para sa akin. "Oo nga pala. Grabe 'yung prof namin kanina. Tourism ang kinuha ko tapos kung ano-ano 'yung mga tinatanong. Anong connect ng what is love sa Tourism. Grabe, nakakaloko kanina." Sambit ni Dahlia. "Bakit? Ikaw ba tinanong?" Tanong ni Veronica kay Dahlia at tumango naman ito. "Oh?Anong sinagot mo?" Tanong ko rin. "Love is a game that two can play and both win." Napatango naman ako dahil sa sinabi nito. "Layo nga. " Saad ko. "Kakaiba nga 'yang tinuro sa inyo. Bakit sa amin wala 'yan. Mabuti naman at wala kaming ganyan haha." Si Veronica. "Meron nga akong nagustuhan na sagot kanina. About sa relationship." Si Dahlia. Hindi ko na sila pinansin at inubos ko na lamang ang natitirang ulam at kanin sa pinggan ko. Grabe, ginutom talaga ako sa field kanina. "Anong sagot nung classmate mo?" Tanong ni Veronica. "Wait isipin ko muna english e... Ah ganito, Relationship is like a rose, how long it lasts no one knows; Love can erase an awful past. Love can be yours, you'll see at last; To feel that love, it makes you sigh; To have it leave, you'd rather die; You hope you've found that special rose., Cause you love and care for the one you. 'Yun 'yung sinabi n'ya. O diba? Hindi n'yo gets. Hindi ko rin na gets e. Hahaha pwera biro, feeling ko sa google n'ya lang kinuha 'yon. Grabe, wala akong naintindihan." Si Dahlia. "Sus, puro love ang topic." Sabat ko naman kaya napahalakhak si Dahlia. "Makakarelate ka rin minsan kapag ikaw na mismo ang nainlove." Sabi sa akin ni Veronica. "Mahirap bang ma inlove?" Curious na tanong ko. Sa tanang buhay ko, hindi ko pa naranasang mag mahal o mag boyfriend. Mas nag focus kasi ako sa pag-aaral. "Hmmm. Madali lang naman mainlove, pero ang mahirap sa part na 'yon. Kung handa ka bang salohin ng lalaking 'yon. Sabi nga diba. It's easy to fall inlove, the hard part is finding someone to catch you. Tinagalog ko lang haha." Sambit ni Dahlia. Napatawa naman ako sa sinabi nito. Sana dumating na 'yung araw na may mamahalin na ako. "Ang pag-ibig hindi minamadali. May tamang panahon para d'yan." Si Veronica. Habang nag ke-kwentuhan naman si Dahlia at Veronica about sa tourism. Napatingin naman ako sa pinto at nakita kong papasok na si Red. s**t naman, tinatamad akong pumunta sa Westview. Kung hindi lang dahil sa kuya ko, hindi ako sasama e. Papalapit naman na si Red sa kinaroroonan namin at ngumiti ito. Hindi ako marupok, hindi talaga ako marupok sa lalaking may dimples! "Tara." Yaya sa akin ni Red. "Ay may date kayo?" Nakangising saad ni Dahlia at inirapan ko naman s'ya. "Gaga hindi 'no. Sasamahan ko s'ya sa Westview." Sagot ko. "Hindi ngaaa?! Sa Westview talaga punta n'yo. Sama ako." Sabi ni Dahlia at talagang tumatalon talon pa s'ya. Hindi ka ba nahihiya sa pinapakita mo ngayon prenny. Para kang bata. "No, si Villamero ang isasama ko. Mauuna na kami." Nagpaalam na ako kina Dahlia at pansin kong kanina pa ito nakangisi. Paniguradong aasarin ako nito pagkauwi ko. Nang makasakay na kami sa kotse. Hindi ko maiwasang mailang. Hindi ko kakayanin ang katahimikan dito sa loob ng kotse m'ya. Mas mabuti pa sana kung si Axis o di kaya'y si Vesper ang kasama ko. Pero 'tong isang 'to. Mapapanisan ako ng laway sa kanya. "Talk." Biglang sambit ni Red. He sighed, "Talk, Villamero." "Pwede ba, 'wag ngang Villamero ang itawag mo sa'kin. I have name at 'yon ay Vivial, okay!" Inis na sabi ko sa kanya kaya napangisi ito. "Maraming tumatawag sa'yo na Vivial, ayoko ng humati pa. May second name ka ba?" Tanong n'ya kaya naman tumango ako. "Dane." Sagot ko sa kanya. "Hmmm. Mushroom." Sabi n'ya kaya naman taka akong tumingin rito. "Anong sabi mo? Mushroom? Excuse me? Mukha ba akong kabute?!" Singhal ko rito at humalakhak naman s'ya. "I'll call you, Mushroom. Pasulpot sulpot ka kasi kung nasaan ako." Sagot n'ya kaya naman inismiran ko s'ya. Kung ako kabute, s'ya naman mukhang palong ng manok. "Ikaw pula ka hindi ako natutuwa sa'yo!" Nakangisi itong tumingin sa'kin. "Edi mainlove ka na lang sa'kin. Hindi ka pala natutuwa." Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman kinurot ko s'ya sa kanyang tagiliran at nakita ko namang napangiwi s'ya sa ginawa ko. "Tsk. Sadista ka rin 'no?" Kunot noong sabi n'ya sa'kin kaya naman inirapan ko s'ya. "Buti hindi sumasakit 'yang mata mo. Kanina ka pa umiirap." Sabi n'ya pa. "Ano bang pake mo." Sagot ko sa kanya. "Ang init na naman ng ulo mo, Mushroom." Talagang tinawag n'ya pa akong mushroom! "Oo dahil sa'yo 'yon pula ka!" Singhal ko sa kanya pero ngisi lang ang tinugon n'ya sa'kin. Inis akong tumingin sa kanya. Hindi ko na lang s'ya pinansin at maya maya pa'y nandito na kami sa Westview. Namangha na lang ako sa laki ng University na 'to. 'Yung totoo? Bakit mas malaki 'tong Westview kaysa sa EMU. Doble yata ang laki nito. Baka naman hindi ito 'yung Westview, oo tama. Baka nagkamali lang si Red. "Hoy pula, Westview ba 'to? Baka mamaya nililigaw mo lang ako." Sabi ko sa kanya kaya humalakhak ito. "Kita mo nang may pangalan nagtatanong ka pa. Halika na, 'wag ka ng tumungaga d'yan." Hinayaan ko na lang s'yang hilahin ako patungo sa gate. Baka mamaya maligaw pa ako, yari na naman ako. "I.D mo nasaan?" Tanong sa'kin ni Red at kinuha ko naman 'to sa bag ko. "O, ito." Abot ko sa kanya. "Buti napadalaw po kayo Sir. Red." Bati sa kanya ni manong guard. Hanga rin ako sa isang 'to. Sikat pala sa school na 'to. Kinuha nung guard ang I.D namin ni Red. Anong gagawin n'ya do'n? Ah basta, si Red ang sisisihin ko kapag nawala 'yung I.D ko. "Kumusta po kayo?" Tanong naman ni Red kay manong guard. "Ayos lang po Sir. Red. Sino ho itong kasama n'yo? Ito na ba 'yung girlfriend mo?" Tanong naman ni manong guard. Pilit akong ngumiti kay manong guard. Tumingin naman ako kay Red at nakangiti ito. "Hindi po, she's our manager." Sagot naman ni Red kay ngumiti ako. "Hello po." Bati ko kay manong guard. "Ang ganda mo naman iha." Puri sa akin ni manong guard kaya nginitian ko ito ng pagkatamis tamis. Hehe maganda raw ako. "Mauna na po kami, ingat po kayo." Paalam ni Red. Kumaway na lamang ako kay manong guard at sinundan ko na lang si Red kung saan s'ya tumungo. "Gooooo gooooo Westview!" "Sid for the winnnn" "Dustin babessss!" "Go Ravenwood!" "Ravenwoodddd!Go!" "Westview! Westview! Westview!" "Omg! Si Sid na ang magbabat!" "Go Sidddd!" "Ravenwood lang malakas!" "Go Luther!" "Go Siddddd! Umupo kami ni Red sa gilid. Ang daming students na nandito. Sa palagay ko ang red skirt na suot ng mga babae ay mga tiga Westview at 'yung green na skirt naman ay Ravenwood. Nice, magandang practice game 'to. "Go Westview!" Sigaw ko kaya naman napatingin sa akin si Red at sinimangutan ako. "Tsk. H'wag ka ngang mag cheer sa kanila." Saad nito kaya naman tumango na lang ako. Gusto ko lang i-support si kuya. Sungit ng pula na 'to. "'Yun ba 'yung Sid?" Tanong ko kay Red. "Yeah." Sagot naman n'ya kaya napahawa ako sa baba ko. "Infairnes, gwapo nga." Sabi ko kaya naman tumingin na naman s'ya sa akin. "Ang sabi ko, manood kang mabuti. Hindi 'yung sa mga lalaki ka titingin. Tsk." Sabi n'ya pa. "Bakit kasi ako 'yung sinama wala naman akong alam sa baseball." Bulong ko. Nag focus na lang ako sa panonood. Nakita ko naman si kuya. Ang gwapo ng kuya ko. Kahit hindi kami ganoong mag kamukha halata namang Villamero dahil sa ganda ng lahi. "s**t ang lupet nung Knuckleball!" "Volt lang malakas!" "Strike out 'yung batter!" "Ang lupet mo Volt!" "Woahhh! Lupet ni Dustin!" Napangiti naman ako dahil sa mga papuri kay kuya. Ang laki nga talaga ng pinagbago mo kuya. Sobrang proud ako, dahil ang layo na ng narating mo. Napatingin naman ako sa katabi ko at seryoso s'yang nanonood. Nagkibit balikat ako at nanood na lang ulit. Hindi ko inaasahang ang galing pala mag laro ng Westview kumpara sa EMU. Lamang lang naman siguro sila ng isang paligo sa baseball team ng EMU. Kung ikukumpara ko nga ang galing nila, siguro matatalo ang EMU hehe. Bad brain. Natapos ang practice game at Westview ang nanalo. Nakangiti ako habang pumapalakpak samantalang ito naman katabi ko ay nakakunot na naman ang noo habang nakatingin sa akin. Ano na naman kayang ginawa ko sa isang 'to. "Oh? Bakit na naman?" Tanong ko rito. He sighed, "Wala halika na." Hinila na naman n'ya ako kung saan. Sandali, bakit nandito kami sa mga players ng Westview. "Aba naman, may naligaw yata rito sa school." Sabi nung kulay brown 'yung buhok na ang jersey number ay 5. "Tsk. Nice game, Luther." Sabi ni Red do'n sa Luther. Bakit wala na 'yung Sid? Nasaan naman si Kuya? "Napadalaw ka pare." Kilala ko kung kaninong boses 'yon. Napalingon naman ako sa likod namin at nakita ko si Kuya at kasama n'ya 'yung Sid. "Dane?" Takang tawag sa akin ni Kuya at ngumiti naman ako rito. "Hi hehe." Bati ko rito at bigla naman akong niyakap ni Kuya. Wahhh namiss ko s'yaaaaa. "Girlfriend ba 'yan ni Red o ni Dustin." Takang tanong nung Luther. Binatukan naman s'ya ni Kuya dahil sa sinabi nito. "Ulol! She's my twin sister, Vivial Villamero." Pakilala sa'kin ni kuya kaya nginitian ko na lang sila. Napatingin naman ako kay Sid at seryoso 'tong nakatingin sa akin. Ano namang ginawa ko sa isang 'to? "Weh? Kayo kambal? Hindi kayo magkamukha. Si Vivial maganda tapos ikaw Volt, mukha kang tae." Sabi nung Luther kaya naman napatawa ako. "Oo nga pala, anong ginagawa mo rito at kasama mo si Weston?" Tanong sa'kin ni Kuya. "Sina-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang si Red ang sumagot. "Sinama ko s'ya rito para makita ang game n'yo. She's our manager, kaya kailangan n'yang malaman ang detalye ng bawat isa sa inyo." Sagot ni Red. "Ang akala ko ba ayaw mo sa sports, Dane? Paano ka naging manager." Tanong ulit ni Kuya. Kasalanan mo 'to Red, hot seat tuloy ako kay kuya bwiset ka! "Ahh kasi..Ahmmm...'Yung ano...hehe....Sabi kasi sa aki-" "You look familiar." Sabat naman ni Sid. Oh God, bakit nangyayari sa akin ang ganito. "Huh? Ako? Familiar sa'yo. Ngayon nga lang kita nakita." Sagot ko. Kinalabit ko naman si Red at taka naman itong tumingin sa akin. "Hindi maganda ang pakiramdam ko." Bulong ko sa kanya. "Share naman! Nagbubulungan ehh!" Si Luther. "Dane, hindi mo pa ako sinasagot. Paano ka naging manager nila." Seryosong tanong sa akin ni Kuya at tinuro pa si Red. "Kuya, alam mo hehe. Si Red kasi ano ahmmm. Oo tama, siya kasi 'yung tumulong sa akin nung naliligaw ako. Sinuklian ko lang 'yung kabaitan n'ya kaya naging manager nila ako hehe." Sagot ko. Napatawa naman si Red. Nice one, ang ganda ng sinabi ko. Hindi kapani paniwala. "She's right." Sabat ni Red. "Ah ganoon ba, mabuti naman at si Weston ang tumulong sa'yo. Kung ibang lalaki 'yon baka napagsamantalahan ka na." Sabi sa akin ni kuya. "Hehe, kaya nga kuya." Saad ko. Kung alam mo lang kuya kung gaano ko kinaiinisan si Red. "Aha ikaw 'yon!" Sigaw ni Sid habang nakaturo sa akin. "Anong sinasabi mo d'yan?" Tanong ni kuya. "Tsk. Naka drugs ka ba tol?" Si Red. "A-Ano bang ibig mong sabihin." Kabadong tanong ko. "Diba ikaw 'yung babaeng kayakap ko sa mall." Sabi niya. Napatingin naman sa akin si Red at kuya. Mukhang patay ako sa kanilang dalawa. "Ikaw si Miss. EMU." Dagdag n'ya pa. ----- Don't forget to vote and follow me
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD