CHAPTER 6

3023 Words
Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kakaisip ko sa second name ni Red. Hindi kaya s'ya 'yung lalaking nagbigay sa akin nung payong? Pero bakit hindi ko nabosesan? Arghh! Napailing iling na lang ako at hinilot ang sintido ko. Kulang ang tulog ko. "Hoy, ayos ka lang?" Dahlia asked. "Oo, ayos lang ako. Nakapag luto ka na ba?". I asked. Tumango s'ya at sumunod na lamang ako sa sala. Habang naghahain s'ya hindi ko mapigilang maisip kung si Red ba talaga ang lalaking nagbigay sa'kin nung payong. Siguro naman maraming Weston sa mundo, hindi lang s'ya nag iisa. Bakit ko ba kasi iniisip ang ganoong mga bagay. "Unang araw mo ngayon bilang manager, pupunta ka ba sa field?" Dahlia asked. I sighed, "I don't know, pero hindi ko naman alam ang gagawin ko kay Red." I said. Kumuha ako nang bread at isinawsaw 'yon sa kape. Kumuha rin ako ng hotdog at inilagay 'yon sa plato ko. Tahimik kaming kumakain dahil kapag nag daldalan pa kaming dalawa ay mahuli pa kami sa klase. 7:00 Am pa ako susunduin ni Zen, samantalang si Dahlia naman ay hindi na sasabay sa amin. Ewan ko ba sa babaeng 'yan, solo flight lagi ang nais. Pagkatapos naming kumain ay nauna na s'ya sa aking pumasok. Maya maya rin ay dumating na si Zen. I smiled at him and he waved his hand. "Good morning, hapon." Bati ko sa kanya at pinisil naman n'ya ang tungki ng ilong ko. "Hop in." Sumakay naman na ako. Habang nasa byahe kami, hindi pa rin maalis sa isipin ko ang second name ni Red. Siya ba talaga ang Weston na may ari ng payong. Pero ang labo ring mangyari, hindi ko man lang nakilala ang boses n'ya. "Is there something wrong?" Zen asked. Umiling ako sa kanya, "Wala naman, oo nga pala. Free ka ba this Saturday?" I asked. He nodded, "Why?" "Tutal sa linggo naman na yung flight mo, last bonding na natin 'yon nila Dahlia. Kain tayo sa L'Amour. Bestfriends date ba." Sagot ko kaya napangiti ito. "Sure." After 20 minutes nakarating na rin kami sa EMU. I waved my hand at him at ngiti lamang ang tinugon nito. Tumungo ako sa field at nakita ko ang Baseball team. Sabi kasi ni Red, ngayon ako magsisimula. "Good morning, manager!" Masiglang bati sa'kin ng isang miyembro . I smiled at him, "Good morning." Bati ko rin sa kanya. "By the way, I am Arziel." Ngumiti s'ya sa akin at nilahad ang kamay n'ya. "Vivial." Sagot ko at nakipag kamay sa kaniya. "Your name really suits to you." Sabi n'ya pa kaya naman napatawa ako. Sumunod ako sa kanya habang ang ibang miyembro ay nag pa-practice ng batting. May mga reserve pitcher din pala sila at isa do'n si Azriel. "Wala pa si Captain for sure busy pa 'yon kaya dito ka muna maghintay." Ngumiti ako sa kanya at nagtungo na rin s'ya sa batting area. It's already 7:30 Am at 10:00 pa ang simula nang class ko. Tatlong subjects lang ngayong araw kaya marami akong time. Wala rin naman akong mapupuntahan kaya naman nagtungo ako sa batting area. Ang boring naman kasi lalo na kung wala akong kausap. "Pwede mag tanong?" I asked one of the baseball team. "You're asking now, manager." Sagot naman nito. Pilosopo hmp! "Sabi ko nga hindi na ako magtatanong." Akmang aalis na sana ako nang bigla itong humalakhak. "Oaidekite ureshi desu." I am very gald to meet you. Sambit n'ya. Napanganga naman ako dahil sa sinabi nito, hindi ako marunong mag japanese kahit kasama ko si Zen. "I can't speak japanese." Humalakhak na naman ito dahil sa sinabi ko. "I'm sorry, I thought you know how to speak japanese because you're one of Zen's bestfriend." Sagot n'ya. "Kilala mo si Zen?" Takang tanong ko sa kanya at tumango naman ito."How?" He smirked, "He's my bestfriend." Naalala ko na, may naikwento sa akin si Zen na may matalik s'yang kaibigan at sa japan n'ya ito nakilala. Pero hindi ko matandaan ang pangalan nito. "Kojic." Saad n'ya. Kojic? Yung sabon na pampaputi ba 'yung tinutukoy nito. Taka pa rin akong tumingin sa kanya at nakangiti na ito. Matangkad s'ya pero hindi s'ya singkit tulad ni Zen. Maputi, pointed nose, brown eyes, at kissable lips. "Ha? Kojic? Gumagamit ka ng kojic?" Takang tanong ko ulit kaya naman tumawa ito ng malakas at hawak pa ang kanyang t'yan. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "My name is Kojic." Napangiwi naman ako dahil hindi ko kaagad na gets ang sinabi n'ya kaninag Kojic. s**t! Nakakahiya 'yon. Kaso, ang weird naman ng pangalan n'ya. Bakit Kojic? Pansin ko lang, bakit ang gagwapo ng mga baseball team. Required ba na kailangan may itsura ang mga manlalaro. "Tomodachi?" Friends. "Ha? Anong sabi mo? Wala akong maintindihan. P'wede bang magsalita ka na lang ng tagalog." Saad ko sa kanya at tumango naman ito. "Friends?" Tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya at nakipag shake hands, "Friends." "Wait, ano nga palang itatanong mo?" Kojic asked. "About baseball, pero mas gusto kong malaman yung iba't ibang klaseng pitch. Yung mga mahihirap tamaan na pitch. Since isa kang batter, syempre may karanasan ka naman do'n diba." Sabi ko sa kanya. "Lahat naman mahirap tamaan. Tulad na lang ng inside pitch na binabato ng pitcher. Maaari rin kasing mataaman ka no'n lalo na kung nagkamali ang pitcher. Una yung sa fastball, ang 2 seam, cutter, sinker at splitter." Kwento n'ya at nakinig lang ako sa kanyang mabuti. "Sa tingin mo, ano ang mahirap tamaan na pitch?" Tanong ko at ngumiti naman s'ya. Hinawakan n'ya ang kanyang baba, at sa tingin ko nag iisip s'ya kung ano nga ba ang pitch na mahirap tamaan. "Forkball and Knuckleball." Sagot n'ya. Hindi na ako nagtanong pa, maya maya pa'y nag paalam na s'ya sa akin dahil kailangan n'ya nang mag practice. Pansin ko ring wala pa sina Red dito. Saan kaya nagtungo ang wonder pets in short, Red, Axis at Vesper. Nag search ako about hardest pitches to throw in baseball. Anong pitch ba ang ginagawa ni Axis? Slurve kaya? Change up? How about Slider? Shocks, maloloka ako. Wala talaga akong alam about baseball. Tapos nalaman ko pang isa pa lang player ng baseball si Kuya Volt. "Vivial!" Axis shouted. "I mean manager pala." Pagtatama n'ya at patungo na s'ya sa kinaroroonan ko. "Hi good morning, Axis and Vesper." Bati ko sa kanila at ngumiti naman sila sa akin. "Akala ko magkakaroon ng world war 3 kahapon." Natatawang saad ni Vesper. Muntik na nga. "Ang aga mo naman?" Tanong ni Axis. "Sabi kasi nung Captain n'yo ngayon ako magsisimula." Sagot ko naman. "Ah, hintayin mo na lang 'yon paparating na rin naman s'ya. May dinaanan lang sa L'Amour." Sambit ni Axis. He mentioned L'Amour. Tama, si Axis nga ang nagsabi noon ng L'Amour. Narinig kong pinag uusapan nila, kaya pala familiar ang pangalan ng restaurant na 'yon. "Axis, anong pitch ang binabato mo?" Tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin. "Screwball and slider. The rest puro fast ball na. Pinag aaralan ko pa lang ngayon ang forkball." Sagot n'ya kaya napatango ako. "Diba Villamero ang surname mo?" Tanong n'ya naman. "Oo." Sagot ko. "Kaano ano mo si Volt?" Tanong naman n'ya. Napansin ko namang nakatingin na rin sa akin si Vesper. Akala ko naman alam na nila kaya hindi sila nagtatanong. "Twin." Sagot ko naman. "Hindi nga?! Kambal kayo? Bakit hindi kayo mag kamukha?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Axis. Napatawa naman ako dahil sa mukha nito, halatang gulat na gulat. "Akalain mong may kambal pala si Dustin." Sabat naman ni Vesper. Teka? Tinawag n'yang Dustin ang kapatid ko? So?Close nga ba talaga sila kay Kuya? "Eh kayo? Kaano ano niyo si Kuya Volt?" Tanong ko naman. "Kaibigan." Sagot ni Vesper. Marami rin pala akong hindi alam kay kuya Volt. Nakakainis! "So sinong ichi-cheer mo sa finals? Ang Westview o EMU?" Nakangising tanong ni Axis kaya naman ngumiti ako. "Syempre walang iba kundi..." "Sabi na nga ba e, kahit kapatid n'ya si Volt EMU pa rin ang support n'ya." Saad ni Axis. "...Westview, nandoon kapatid ko e." Nanlaki naman ang mata ni Axis at maya maya pa'y napasimangot ito. "Alam mo, taksil ka." Nakasimangot na sagot n'ya at binatukan naman ito ni Vesper. "Sira, malamang kapatid n'ya si Volt." Sabi naman ni Vesper kay Axis. Napatawa naman ako dahil nag babangayan na ang dalawa. Ang kukulit talaga. Napailing iling na lang ako. Makakaya ko kaya ang kaingayan nila? "Hoy Kojic!" Sigaw ni Axis. Napatingin naman sa kinaroroonan namin si Kojic. Ngumiti ito at lumapit. "Bakit tol?" Kojic asked Axis. "S'ya." Axis pointed me. Problema ng isang 'to? Nakahithit din ba 'to ng katol tulad ni Red. Hmmm. "Anong meron sa kanya?" Takang tanong ni Kojic habang nakatingin sa akin. Napatawa naman si Vesper na nasa gilid ko. Ano bang problema nitong si Axis. Tsk. "Taksil s'ya!" Sigaw ni Axis kaya naman binatukan na naman s'ya ni Vesper. I couldn't help but smile. Natutuwa ako sa kinikilos ni Axis. Mukha s'yang bata na inagawan ng candy. Hahaha. "Anong taksil?" I asked. "Diba mas ichi-cheer mo ang Westview kaysa sa amin. Manager ka pa naman namin tapos iba pala ang panig mo. Isa kang taksil. Dapat sa'yo pinaparusahan e." Sabi ni Axis sa akin. Tinaasan ko s'ya ng kilay, "Tapos ka na?" Pag aasar ko pa sa kanya at inismiran n'ya na lang ako. "'Yon ba ang problema mo tol? Wala namang kwenta." Sagot ni Kojic at umalis na ulit ito. Hindi ba mag pa-practice ang dalawang 'to? Kanina pa sila sa tabi ko. "Hoy Kojic! Bumalik ka nga!" Sigaw ni Axis kay Kojic pero hindi na ito pinansin ni Kojic. "Ikaw naman Villamero tsk. Taksil hmp!" Eh? Parang bakla ang impakto. "You look gay, Axis." Sabi ko sa kanya kaya naman pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Hoy mas-mashakit a-ano b-ba!" Sigaw ko sa kanya. Takte, ang sakit nang pisngi ko. Inis akong tumingin rito at nakangisi na ito. Inirapan ko s'ya at tumawa naman si Vesper na nasa tabi ko. "Alam mo Vivial, maganda ka pala 'no. Kapag ba niligawan kita sasagutin mo ako?" Napangisi ako sa sinabi ni Axis, playboy nga naman kahit kailan hindi na magbabago. "Syempre sasagutin kita." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Talaga? Edi pwede na kitang ligawan?" Tanong n'ya pa ulit. Tumango tango ako bago nag salita, "Sige ligawan mo 'ko tapos ang isasagot ko sa'yo hindi." Napatawa naman si Vesper sa sinabi ko samantalang si Axis naman ay tiningnan ako ng masama. Inasar ko na lang s'ya at pinanlakihan ng mata. Pagkatapos naming magdaldalang tatlo ay nagtungo na sila sa batting area. Sabi sa akin ni Axis, Forkball ang pinapractice n'ya ngayon. Ano ano kaya ang mga pitches ni Kuya Volt? Habang nag pa-practice sila, inayos ko naman sa gilid ang mga bat na natira. Iniligay ko 'yon sa kahon. At ang mga bolang nag nagkalat naman sa damuhan ay pinulot ko at nilagay sa isang kahon na malapit sa akin. Sana dumalaw si Kuya Volt sa apartment namin. "Anong ginagawa mo rito?" Jeymour asked. Teka? Bakit naka sports attire ito? Ibinalik na ba s'ya ni Red sa baseball team. Ang alam ko sinabi ni Vesper na dati nilang ka team mates ito. "Manager ako rito, aba naman ayos ng pormahan natin ah. Maglalaro ka ngayon?" Tanong ko at kumuha s'ya ng bat. "Yeah." Sagot naman n'ya. "Ahmmm. Hindi ka talaga bakla?" Paninigurdo ko kaya naman napahalakhak ito. "Bakit nung nagkita tayo sa canteen umakto ka pang bakla?" Curious na tanong ko kaya naman napangisi ito. "Ang cute mo lang pag tripan. Sino bang nagsabing bakla ako? Wala naman diba. You're the one who called me gay pero si Dahila hindi naman." Sagot n'ya. "Eh kasi akala ko talaga bakla ka. Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Elementary days, nakita kita you're playing barbie tapos sinusuklayan mo pa. Akala ko talaga bakla ka na no'n." Paliwanag ko sa kanya. He smiled, "Wala akong choice no'n. Syempre maglalaro ako no'n, crush ko 'yung kalaro ko e. Talagang mapipilitan ako." Sagot naman n'ya. Landi na, elementary palang 'yon ah. "What crush mo si-" "Don't mention her name. Matagal na 'yon." Sagot naman n'ya. So, pinagtitripan n'ya lang pala ako no'n. Akala ko talaga bakla s'ya dahil sa t'wing magkasama kami, he act like a gay. Tapos si Dahlia, hindi man lang sinabi sa akin na straight pala si Jeymour. Nakakahiya and worst sinabi ko pa ditong jowain ako. Omyghad! I can't believe it. "Tumutunganga ka lang ba rito habang wala ako?" Okay, dumating na 'yung haring sisira ng araw ko na walang iba kundi si RED WESTON COSTALES! "Pake ko sayo." Sagot ko naman. "Look, Villamero. Wala akong oras makipagbangayan sa'yo." Sagot n'ya kaya naman inirapan ko s'ya. Wala rin akong oras makipag usap sa'yo. "Okay, sige 'wag na lang tayong mag usap." Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na s'ya. Kapal ng mukha, tsk. "Tsk. Villamero!" Sigaw n'ya kaya inis anong humarap sa kan'ya. "Oh? Ano na naman kailangan mo? Pwede ba wala rin akong oras makipag bangayan sa'yo at mas lalong wala akong oras makipag usap sa'yo!" Singhal ko sa kanya. Napakunot naman ang noo n'ya sa sinabi ko. "Hindi ka papasok ngayon. Pinagpaalam na kita sa mga prof mo at pwede, don't talk to me like that. I'm the captain." Sabi n'ya. "Ano naman kung Captain ka? Bakit isa ba ako sa mga players ng baseball team para igalang ka?" Napatawa naman ako sa sinabi n'ya. Ano ngayon kung Captain siya. "Ang daldal mo." Saad n'ya. "At ang epal mo." Sagot ko rito. "Tutal nandito ka na rin lang, nakikita mo ba 'yung puno na 'yon?" Tumingin naman ako sa tinuro n'yang puno at tumango sa kanya. "Oh ano ngayon?" Inis na sambit ko. He smirked, "Dalhin mo lahat ng bat at bola do'n. Bilisan mo ah. Ayoko ng babagal bagal. Tsk." Kung pwede lang talaga pumatay ng tao, napatay ko na ang isang 'to. Lahat ng bat dadalhin ko do'n. Nauulol na ba s'ya. Inis kong kinuha ang mga box at nagtungo sa punong tinuro ni Red. Pabalik balik la gang ginagawa ko at napansin ko namang nakangisi ang impakto. Humanda ka talaga sa akin makakaganti rin ako sa'yo. Hindi yata ako manager dito, isa akong katulong bwiset! "Sumama ka sa'kin mamaya." "At bakit naman ako sasama sa'yo? Umalis ka nga sa harapan ko Red. Naiinis ako sa'yo." Sagot ko at napatawa naman ito. "Manonood tayo ng practice match." Sabi n'ya pero nilalagpasan ko lang s'ya. Bahala ka sa buhay mo, abala ako ngayon dahil sa inutos mong bwiset ko. "Ba't ako pa ang isasama mo. Wala akong alam sa baseball okay. Si Axis ang isama mo. Pwede namang si Vesper o di kaya'y si Jeymour, Kojic, Arziel o lahat na lang ng members mo isama mo." Sagot ko sa kan'ya. "Ayaw mo talagang sumama sa'kin?" Tanong n'ya ulit at umiling ako. "Ayaw mo talaga? Sayang naman, sa Westview ang punta ko. Balita ko pa naman kapatid mo si Dustin." Saad n'ya. Inismiran ko naman s'ya. Sasama ba ako? Teka, si Kuya. Makikita ko na ulit si Kuya Volt. Mapapanood ko pa s'yang maglaro. "Oo na, sasama na po ako WESTON!" Diniinan ko talaga yung second name n'ya at nabigla naman s'ya. Halata ang gulat sa muka n'ya. "How did you know my second name?" Tanong n'ya. "Sa profiles mo." Sagot ko kaya naman napangisi ito. Wtf? I don't like his smile. Mang aasar 'to for sure at sasabihin n'yang iniistalk ko s'ya. Myghad, iba talaga ang kaisipan ng mga lalakeng mayabang. "First, hindi kita ini-stalk dahil hindi ko gawain 'yon 'no. Si Dahlia ang nag stalk sa inyo at hindi ako. Wala akong pakialam sa inyo kaya tigil tigilan mo 'yang pag ngisi ngisi mo dahil hindi ako natutuwa baka mahampas ko sa'yo 'tong mga bat mo at wala rin akong pake kung Captain ka pa." Napahalakhak naman s'ya. "Wala naman akong sinasabi. Ang defensive mo naman. Napaghahalataan ka tuloy." Inirapan ko lang s'ya ng inirapan. Gosh, ang sakit na ng mata ko kakairap sa kanya samatalang s'ya naman ay patuloy akong iniinis. Argh! Ang sarap n'yang balatan ng buhay at ipakain sa mga tikbalang, shokoy, tiyanak, kapre at iba pang engkanto. "Anong oras tayo aalis ha?" Tanong ko. "1:00 Pm. Sumabay ka na sa'king mag lunch." Umiling ako sa kanya, "Ayoko nga, mamaya lagyan mo pa ng love potion 'yung pagkain ko tapos ano magiging isa na ako sa mga fan girls mo? Hell no, kadiri." "Alam mo, masyado nang malawak ang imahinasyon mo." Pinisil n'ya naman ang tungki ng ilong ko. Okay, may germs na nakakapit sa katawan ko. "Ewan ko sa'yo." Ngumiti lang ito sa akin. Mga members niya nag pa-practice samantalang s'ya paupo upo lang. Wow, ang tamad na captain buti hindi nag mana mga members. "Oo nga pala, 'yung payong na binigay mo, I mean 'yung pinahiram mo sa'kin nung umuulan nung nasa 7/11 tayo. Ibabalik ko na lang sa'yo bukas tutal nakalimutan ko namang dalhin." Saad ko sa kanya at napakunot naman ang noo n'ya. "What are you talking about?" Takang tanong n'ya. Hindi ba't s'ya naman ang may ari nung payong? "'Yung payong na pinahiram mo sa'kin nung umu-" "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo pero wala akong ibinigay na payong sa'yo. Hindi rin ako pumunta sa 7/11 na tinutukoy mo." Sagot n'ya. Hindi ba siya 'yung Weston na 'yon? Akala ko s'ya. Pero sinong Weston naman kaya 'yon? "May nakalagay kasi na name at Weston ang nakalagay do'n so akala ko ikaw yung nagbigay." I bite my lower lip. Shit! Nakakahiya. "Baka Brand name lang 'yon. 'Yung Weston." Tae, ang corny ng joke n'ya promise. "Tungeks, Watson 'yon hindi Weston!" Sigaw ko sa kanya kaya naman napatawa ito. "Pero Villamero, hindi lang ako ang Weston sa mundo. Pero isa lang ang masisiguro ko. Itong Weston na katabi mo, ito lang ang nag iisang kayang makapag ligtas sa lovelife mo." Sabi n'ya pa. Anong sinasabi nito? ----- Don't a forget to vote and follow me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD