"Hello, manager!" Bati sa 'kin ng mga miyembro ng baseball team.
Hindi pa rin nag sisink in sa utak ko yung sinabi ni Red. Kailan ba ako pumayag na maging manager nila. s**t! Pinaglalaruan yata ako nito.
"Hoy Vivial, akala ko ba ayaw mo?" Tanong sa'kin ni Veronica.
"Ayoko nga, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng lalaking 'yan!" Sigaw ko at tinuro ko pa si Red.
"Pwede bang iwan n'yo muna kami. Kakausapin ko lang s'ya." Umalis naman sila at kaming dalawa na lang ni Red ang natira. Anong natira ng lalaking 'to.
Inis akong tumingin kay Red pero ang impakto nakangisi pa. Isa kang hampas lupa Red! Ang sarap mong ilibing ng buhay, bwiset ka!
"Anong tinira mo kanina ha?!" Singhal ko sa kanya.
"Matatalim na tingin mula sa 'yo." Sagot nito kaya naman mas lalo akong nainis.
"P'wede ba, ayokong maging manager n'yo!" Sigaw ko sa kanya.
"Okay."
Tinalikuran ko na s'ya. Ayokong mas lalong mainis sa lalaking 'to. Ano bang trip nito sa buhay? Ako pa talaga ang pagdidiskitahan. Nanahimik ako tapos guguluhin n'ya ako. Seriously? Ako manager nila? Asa s'ya. Akala n'ya ba lahat makukuha n'ya. Pwes! Ibahin n'ya ako, hindi ako tulad ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.
"Wait Vivial!" Sigaw n'ya.
"Ayokong maging manager! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Period! No erase kaya tigilan mo na 'ko!" Sigaw ko pero humalakhak lang 'to.
Damn you Red!
"Ano namang hinahalakhak mo d'yan?" Inis na turan ko sa kanya.
"Ayaw mo talaga?" Nakangisi pang tanong n'ya.
"Mukha bang gustong gusto ko ha?" Turo ko pa sa mukha ko.
"Kung ayaw mo, edi maging girlfriend na lang kita, tutal ayaw mo naman maging manager namin." Nakangisi pang sabi n'ya.
What the hell? Ako magiging girlfriend n'ya? No way! Gosh! Ano ba talagang tinira nito at ganito ang pag-iisip n'ya ngayon. Nababaliw na talaga s'ya!
"Excuse me, mukhang tumira ka yata ng rugby! Ako? Magiging girlfriend mo? Asa ka pa!" Singhal ko.
"Mamili ka, magiging girlfriend kita o magiging manager ka namin? You choose." Pinandilatan ko s'ya ng mata ngunit ngumiti lang ito.
Shock! Marupok ako sa lalaking may dimples!
"Wala! Wala akong pipiliin!" Sigaw ko sa kan'ya.
"So, girlfriend na kita ngayon?"
Oh God, tulungan n'yo ako. Baka masapak ko ang lalakeng 'to.
"What?! Wala nga akong pinili diba!" Inis pa rin akong tumingin kay Red. Ano bang nakain nito?
"Okay, girlfriend na kita." Sabi n'ya pa kaya naman hinampas ko s'ya sa braso nito.
"Ang sweet mo naman pala sa boyfriend mo." Saad n'ya pa.
I sighed, "Bwiset ka alam mo 'yon! Nakakainis ka!"
He tapped my head, "Just choose, magiging manager ka namin o magiging girlfriend kita?"
Ano ako? Tutang susunod sa kanya?!
"Alam mo! Feeling ko talaga binablackmail mo ako! 'Pag 'di ko ako pumayag na maging manager mo, gagawin mo 'kong girlfriend mo tapos sasabihin mo sa lahat hindi ba?" I couldn't help but glare. Nakakainis!
"Just choose o baka naman talagang gusto mong maging girlfriend ko? Pwede rin naman. You're not even lose. Gwapo ako, mayaman. Tibang tiba ka sa 'kin." Sagot n'ya.
Wow, nag uumapaw ang kayabangan n'ya.
"Okay fine! May choice pa ba ako!" I rolled my eyes. Mas lalo namang ngumisi 'tong impakto na 'to. Geez, dukutin ko mata mo e!
"You still have a choice, Vivial." He smiled.
"Sige ano nga? Ano pang choice ko ha?" Iritadong tanong ko rito.
"Choice me." Sagot n'ya.
Joke ba 'yon? Try ko kaya sa crush ko baka sakaling epektibo kaso naalala ko, wala nga pala akong crush.
"Ha ha ha! Nice one, grabe sakit ng t'yan ko. Ang taba ng utak mo, hindi ba't choose me 'yon?" I tsked.
"Payag ka na ba?" Paniniguradong tanong n'ya. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya ngunit taka itong tumitig sa kamay ko.
"Shake hands tayo bago ako pumayag." Sabi ko kaya naman inilahad n'ya rin ang kamay n'ya.
Nakipag kamay ako sa kanya atsaka nakaisip ako ng paraan kung paano s'ya gantihan. Napangiwi naman s'ya dahil sa ginawa ko.
"What the- bitawan mo ang kamay ko." Napatawa naman ako dahil inis s'yang tumingin sa 'kin.
Mas lalo ko pang hinigpitan ang pakikipagkamay ko sa kanya. Pisatin ko kaya kamay nito? Kaso sayang naman, player pala 'to ng baseball at clean up pa. Baka ma injured hehe.
Binitawan ko naman ang kamay n'ya at ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis. He rolled his eyes. Bakla ba 'to? Nang iirap naman pala.
"Oh paano ba 'yan, okay na? Magiging MANAGER n'yo na ako at TAOS PUSO ko 'yung tinatanggap." Sarkastikong sabi ko sa kanya.
He smirked, "Magsimula ka na bukas." Tinalikuran n'ya ako matapos n'yang sabihin sa 'kin 'yon.
Hindi na ako bumalik sa kinaroroonan ng baseball team. Bukas pa naman ako magsisimula. Oh s**t! Nakalimutan ko si Veronica. Siguro, bukas na lang ako mag papaliwanag sa kanya.
Kinuha ko sa pocket ko ang cellphone ko at agad kong tinext si Zen.
To: Zen
Daanan mo na lang ako sa mall mga bandang 6:00 Pm. May bibilhan lang ako. Ingat sa byahe, hapon.
Nag commute na lang ako papuntang mall, kailangan ko kasing bumili ng bagong Laptop, kinuha kasi ni Dahlia 'yung laptop ko so wala akong choice kung hindi ibigay na lang sa kanya. Napaka kuripot kasi ng babaeng 'yon. May kotse pero walang pambili ng laptop.
Mabilis lang ang naging byahe ko, isang sakay lang din naman kasi ako. Malapit lapit lang ang mall sa EMU.
Habang papasok ako ng mall, biglang nag vibrate ang phone.
From: Zen
I'll be there in just 15 minutes, take care of yourself Dane.
Ang sweet talaga ng hapon na 'to. Sabi kong 6:00 Pm n'ya na lang ako sunduin, pupunta agad dito. Tsk.
Nang matapos kong mabasa ang text nito ay agad akong nagtungo sa bilihan ng mga gadgets. Papasok na sana ako nang may biglang yumakap sa 'kin.
Bakit ang daming ganap sa buhay ko ngayon?!
"Hoy kuya kung sino ka man pwede bang 'wag mo kong yakapin!" Inis na saad ko sa kanya.
"Shh, 'wag kang maingay." Bulong n'ya sa 'kin.
"Nasaan na si Siddddd?"
"Fafa Sid!"
"Sid! Where are you?"
.
"Sid my loves!"
"Sidddddd!"
"Sid please! Papicture naman!"
"Hanapin n'yo si Sid!"
Nagsialisan naman na ang mga kababaihang may hinahanap na Sid. Anong ganap? Bumitaw na rin sa pagkakayakap sa akin ang lalaki.
"Thanks god, I almost die." He said.
Napatingin naman ako sa kanya at bumubuntong hininga ito. Ang gwapo naman nito.
"Sino ka ba? Ba't bigla ka na lang nangyayakap?" Tanong ko rito.
He sighed, "Ahm, secret. By the way, thanks to you. Kung hindi dahil sa 'yo baka kanina pa ako pinagkumpulan ng mga babae kanina."
"So ikaw yung hinahanap nila?" Tanong ko ulit at tumango naman ito.
"Sige mauuna na ako! Bye Miss. EMU!" Mabilis s'yang umalis sa harap ko. Ano raw? Miss. EMU? Paano n'ya nalamang tiga Emu ako? Oo nga pala, dahil sa uniform ko.
I just shrugged my shoulder and then I saw Zen. Ang bilis naman nito? Parang kakatext n'ya palang sa akin kanina tapos nandito na s'ya? Nakita kaya n'ya? Umiling ako at sinalubong na lamang s'ya.
"Ang bilis mo naman." Sabi ko sa kanya at pumasok na kami sa isang store dito.
"Walang traffic." Sagot naman n'ya.
Nagtingin tingin kami ng mga magagandang laptop. Pinili ko ang black na cover, 'coz I love black. Pagkatapos naming bumili ng laptop bumili naman si Zen ng gamit n'ya. Sinamahan ko na rin tutal wala na rin naman akong gagawin at ayokong mabagot sa loob ng kotse n'ya.
"Gutom na 'ko." Bigla sambit ko.
"Last, may jewelry shop akong nakita."
Nagtungo naman kami sa isang jewelry shop. Nauna s'yang pumasok samantalang ako naman ay nag paiwan na lang sa labas.
"Para kanino 'yan?" Tanong ko sa kanya. Ang ganda nung necklace na binili n'ya.
"Mom." Sagot naman n'ya kaya.
"Oo nga pala, malapit na pala birthday ni tita 'no. Pakibati na lang ako para sa kanya." Tumango naman s'ya at ngumiti.
Nakalabas na kami ng mall at ngayon naman ay ramdam ko na talaga ang gutom. Medyo ma traffic na pala kapag ganitong oras. Napansin ko namang may isang restaurant dito sa Freedom Park. Kailan pa ba nagkaroon ng restaurant dito?
L'Amour
Parang narinig ko na 'yan? Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yan. Umiling na lang ako at sinundot ang tagiliran ng katabi ko.
"Gutom na talaga ako."
Narinig ko naman na napabuntong hininga si Zen. Sana pumayag naman 'to.
"Malapit na tayo, baka naghanda ng makakain si Dahlia." Sagot n'ya kaya naman inirapan ko s'ya. Nagugutom na talaga ako kainis naman.
Hindi ko na pinilit si Zen. Sayang lang kasi, ang daming tao sa restaurant na 'yon. L'Amour restaurant, para talagang narinig ko na kung saan ang restaurant na 'yon. Bakit hindi ko man lang maalala?
Nang makauwi na kami sa apartment, inilapag ko sa desk ang laptop na binili ko. Wala pa rin pala hanggang ngayon si Dahlia. Umalis na rin si Zen dahil do'n na lang daw s'ya sa bahay nila mag di-dinner. Nagmadali akong magbihis at bumaba para makapagluto. Adobong baboy na lang ang niluto ko.
Pagkatapos kong magluto, nagtungo ako sa sala para manood ng T.V. Kumuha ako ng snacks sa Ref. Mamaya na ako kakain dahil wala pa naman si Dahlia. Habang nanonood ako, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.
From: Dahlia
Vi, sorry mamaya pa ako makakauwi. Nandito kasi ako sa bahay nila Veronica! By the way, congrats ikaw pala yung bagong manager ah. Hahahaha, mwah mwah!
Napailing na lang ako nang mabasa ko ang text n'ya.
Bakit kaya hindi bumisita si kuya Volt? Busy ba s'ya? Hindi man lang ako nagawang itext or tawagan. Hindi man lang nag abalang kamustahin ako. Nakakamiss din pala sina mom and dad. Kung umuwi kaya ako sa bahay sa linggo? Well, bibisitahin ko lang naman sila.
Pagkatapos kong manood ay kumain na ako. Maya maya pa'y dumating na rin si Dahlia. Bakit ang daming dala ng babaeng 'to? Don't tell me nagnakaw 'to sa bahay nila Veronica.
"Ano 'yan? Nakaw mo?" Tanong ko sa kanya habang kumakain.
She rolled her eyes, "Gaga, binili ko 'to. May paggagamitan ako."
Tumango na lamang ako.
"Oo nga pala, 'di ko sinasabi na ikaw pala yung manager ah. Ikaw ah, yieee." Pang aasar n'ya habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.
Kumakain ako tsk.
"Eh hindi ko rin naman alam na ako yung manager." Sagot ko sa kanya.
"Asa naman, paanong 'di mo alam?" Tanong n'ya pa.
Pagkatapos kong kumain ay naghugas muna ako nang kamay. Hindi ko sinagot pa ang tanong n'ya dahil wala rin naman akong pake na ako ang naging manager.
"Oy, sabihin mo na kasi!" Pangungulit n'ya pa.
"Ano ngang sasabihin ko?" Napakunot naman ang noo n'ya. Napansin n'ya sigurong umiiwas ako na ayaw kong pag usapan ang nagyari kanina.
"Alam mo, ang arte mo 'no. Mag ke-kwento ka lang naman. " I smirked and shrugged my shoulder.
Tumabi s'ya sa 'kin at may dala na s'yang biscuit. Binuksan n'ya ito at inalok n'ya ako. Hindi na rin ako tumanggi dahil hindi rin naman ganoon karami ang kinain ko.
"Mag kwento ka na kasi." Pangungulit n'ya pa rin.
"Tsk, as far as I know alam mo naman na, nagpapakwento ka pa." Sagot ko sa kanya at kumuha na rin ako ng biscuit.
She sighed, "Ang alam ko lang naman 'yung sinabi ni Red na ikaw 'yung manager pero wala na akong alam." Sabi n'ya pa.
"Basta, wala na rin naman akong magagawa kahit tumanggi ako bilang manager gagawin n'ya naman akong girlfriend." Sabi ko pa at nanlaki ang mata n'ya.
"What?!" She shouted.
Takte, ang sakit ng tenga ko.
"Ikaw?! Gagawing girlfriend ni Red?!Hindi nga Vivial? Are you kidding me?!" Sigaw n'ya pa.
"Bakit ba sumisigaw ka pa riyan?! Ang lapit lapit ko!" I shouted too and pointed myself.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala hehe." Sabi niya pa.
Kinain ko ang natitirang biscuit na nakapatong sa table. Napansin ko namang kanina pa nakangisi itong katabi ko. What the hell? Nababaliw na siguro 'to.
"Bakit ka nakangisi?" Iritadong tanong ko.
"Wala lang, 'wag ka na kayang maging manager. Salohin ko na lang pwesto mo." Saad n'ya. Napataas naman ang kanang kilay ko at napameywang ako.
"Sabihin mo nga? Type mo si Red 'no?" Panunukso ko sa kanya pero napahalakhak ito.
"Gaga hindi, ako magiging manager tapos ikaw naman girlfriend ni Red. O diba, ang ganda ng naisip ko." Sagot niya habang pumapalakpak pa.
I just rolled my eyes and went upstairs. Iniwan ko s'ya dahil may nakalimutan akong gawin. Binuksan ko ang laptop na bagong bili ko at gumawa ako ng report para sa financial accounting. Habang abala ako sa paggawa naramdaman ko namang may tumabi sa 'kin. Pagtingin ko si Dahlia lang pala, ano na namang ginagawa nito sa kwarto ko.
"Busy ka?" Tanong n'ya at tumango naman ako.
"Bakit?" Tanong ko habang abala naman ako sa pagtitipa.
"Wala, sige sa kwarto na 'ko ah."
Weird naman no'n.
Tinanguan ko na lang ulit s'ya at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Pasado alas nuebe na rin pala kaya nakararamdam ako nang antok. Bumaba ako para mag timpla ng gatas at nakita ko naman si Dahlia na nanonood pala.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko.
Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Mabuti na lamang at may mainit na tubig pa.
"Sa sabado, kain tayo sa L'Amour." Anyaya n'ya sa 'kin.
"Oh? Alam mo 'yung L'Amour?" Tanong ko at ininom ko ang gatas na tinimpla ko.
"Nadaanan ko lang 'yun nung isang araw. Ang dami ngang kumakain do'n. Sakto naman na malapit lapit lang ang freedom park so why not diba. Ang tagal ko na ring hindi nakakakain ng Italian foods." Sagot n'ya.
"Sure, tayong dalawa lang ba?" Tanong ko ulit at umiling ito.
"Sama natin si Zen, last bonding na natin 'yon dahil for sure uuwi na 'yon sa linggo." Tumango tango ako sa kanya at inubos ko na ang gatas na tinimpla ko.
Nagtungo ako sa kusina para ilagay sa lababo ang basong pinag inuman ko. Pagkatapos ay tumabi ako kay Dahlia na abalang nanonood ng anime hanggang ngayon. Tapos ko na rin naman ang report ko kaya naman nakinood na rin ako.
"Naibigay mo na 'yung payong?" Biglang tanong n'ya habang tutok pa rin sa T.V.
"Hindi, 'di ko naman alam kung ano mukha no'n. Hindi ko rin alam kung saan 'yon nakatira so baka hindi ko na maibigay sa kanya." Sagot ko.
"Bakit kasi hindi mo tinanong 'yung name." Dagdag n'ya pa kaya naman inismiran ko s'ya.
"Matatanong ko pa ba 'yon bigla ngang umalis." Sagot ko.
Umalis siya sa kinauupuan n'ya at kinuha ang laptop na nasa gilid nung T.V. Ano naman kayang gagawin nito?
"Anong gagawin mo?" Tanong ko at umupo na ulit s'ya sa tabi ko.
"Facebook." Sagot n'ya kaya tumango na lang ako.
Sa kalagitnaan nang panonood ko ay bigla n'ya akong hinampas. Potek? Anong problem ng babaeng 'to at bigla bigla na lang nanghahamapas.
Inis akong tumingin sa kanya at naka peace sign na s'ya. I rolled my eyes at her at nanood na lang ulit ako.
"Ang famous pala ni Axis." Saad n'ya.
Hindi ko na lang s'ya pinansin dahil tutok ako sa panonood. Maganda rin palang manood ng anime paminsan minsan lalo na kung fantasy.
"Halaaa! Grabe oh! Mas famous pala si Red sa social media!" Sigaw n'ya.
Bakit kailangan pang isigaw!
"Hoy inadd tayo ni Veronica sa group chat nila. Marami rami din palang members, si Red, Axis, Veronica, Vesper, Jeymour, Sid, Volt. Bakit kasama rito si Volt?" Saad n'ya pa.
Na curious na rin ako kaya naman napatingin ako sa laptop n'ya.
"Hindi naman nabanggit nila Veronica si kuya Volt hindi ba?" Tanong ko.
"Baka ibang Volt naman siguro 'to." Sagot n'ya.
Umiling ako, "Si Kuya 'yan kita nang Villamero ang surname."
"Wala naman na kwento sa 'kin si Kuya na may kaibigan pala s'yang tiga EMU. Teka sino naman 'yang Sid na 'yan?" Tanong ko naman.
"Wait stalk ko lang." Sagot naman n'ya at nagsimula na s'yang mag stalk.
"Omyyy! Ang gwapo tingnan mo!" Tiningan ko naman ang profile nung Sid, gwapo nga pero parang familiar yung mukha at 'yung pangalan.
"Ayy bet ko 'to, baseball player din pala." Sambit n'ya pa.
"Tungeks, tiga Westview 'yan. Tingan mo 'yung uniform." Saad ko naman sa kanya at inirapan n'ya ako.
"Kahit na basta type ko s'ya." She said.
"Dami rin palang gwapo sa Westview." Biglang sambit ko.
"Bisita kaya tayo minsan." Suggest n'ya kaya napatawa ako.
"Akala ko ba ayaw kong pumunta do'n." Sagot ko at sinimangutan n'ya naman ako.
Tinawanan ko na lang s'ya dahil sa itsura n'ya. Hindi pa rin s'ya tumigil kaka stalk do'n sa Sid na 'yon. Tiningnan kong mabuti ang profile ni Sid, kaya pala familiar dahil s'ya 'yung lalaking yumakap kanina sa 'kin sa mall. Sa Westview pala s'ya at sila ang makakalaban nila Red sa Finals kung mananalo ang EMU sa semi.
Mukhang magandang laban ang mangyayari.
"Sid Fuentes, from Westview University and a baseball captain. He is 20 years old blood type AB. He is the most handsome man in Westview." Basa n'ya sa information ni Sid.
"Nakatadhana sigurong magkajowa tayo ng isang baseball Captain. Sayo si Red tapos sa akin naman si Sid." Dagdag n'ya pa at napangiwi naman ako.
"Akala ko ba study first ka?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Walang study first sa'kin kung ganito naman kagwapo yung nakatadhana para sa akin hahaha." Tumawa pa s'ya nang pagkalakas lakas at napailing na lamang ako.
Nababaliw ka na prenny.
"Nakatadhana agad, nauulol ka na." Sabi ko sa kanya ngunit tinawanan n'ya lang ako.
"Wait ito pa pala, gaga! Isa rin palang baseball player si Volt!" Sigaw n'ya pa.
What the? Baseball player si Kuya? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?
"Gaga yung kuya mo 'yung pitcher ng Westview!" Sigaw n'ya ulit.
Hindi ako makapaniwalang isa pa lang baseball player si Kuya Volt. Ang akala ko isa s'yang basketball player o 'di kaya'y isang soccer player. Ang tagal na rin pala simula nung nakita ko s'ya.
"Wait ito naman, balik tayo sa EMU. Ang full name pala ni Axis ay, Axis Dewey Madrigal. Si Vesper naman ay, Vesper Livvy Alante. Si Red naman ay, Red Weston Costales."
Sandali tama ba yung narinig ko? Weston?
"Ano ulit full name ni Red?" Tanong ko kaya naman napangisi ito.
"Red Weston Costales." Sagot n'ya.
Weston.
-----
Don't forget to vote and follow me!