Katatapos ko lamang magluto ngayon. Mabuti na lamang at maaga akong nagising kung hindi baka malate kaming dalawa ni Dahlia. Habang naghahain ako, nakita kong patungo na rito si Dahlia. Katatapos lang siguro n'yang maligo.
"Good morning, Vivial." Bati n'ya sa 'kin.
"Morning." Nginitian ko s'ya at umupo na s'ya malapit sa akin.
"Gisingin mo na kaya si Zen." Saad n'ya kaya naman agad akong umakyat.
Pagpasok ko sa kwarto ko, mahimbing pa rin s'yang natutulog. Wala bang tulog 'to kaya hanggang ngayon tulog pa rin? Oh well, maaga pa naman talaga.
"Zen, gising na."
I tapped his shoulder and pinched his nose.
Tulog mantika talaga.
"Zen! Yuhoooo! 'Pag ako talaga nalate, sasapakin kita." Pananakot ko kahit alam kong tulog pa s'ya.
Tsk. Ayaw talaga gumising.
Tumalikod na ako para bumaba nang biglang may humila sa 'kin kaya naman napaupo ako sa kama.
"Good morning, Dane." Bati sa akin ni Zen.
"Bwiset ka! Gising ka na pala, nag tulog tulugan ka pa!" Napahalakhak naman s'ya dahil sa sinabi ko.
I rolled my eyes at him pero ang impakto, nginitian lang ako. Gosh, bakit ba lagi akong napapalibutan ng mga gwapo. Mabuti na lamang at hindi ako marupok sa mga ganitong gwapong nilalang.
"Hey, what's the matter?" Tanong n'ya.
"Wala, bumangon ka na nga d'yan. May class pa 'ko. Ayokong ma late, Zen." Tinanguan n'ya naman ako at bumaba na kaming pareho.
"Akala ko mamaya pa kayo bababa. Ready na akong maging ninang guys." Pinanlakihan ko naman ng mata si Dahlia dahil sa sinabi nito pero si Zen, humalakhak lang.
Mga loko loko talaga.
"So, hindi ka ba uuwi sa bahay n'yo, Zen?" Tanong ko kay Zen habang nagsasandok ako ng kanin.
"Later, hahatid ko muna kayo sa school." Sagot naman nito kaya naman napatango kaming dalawa ni Dahlia.
"Kaming dalawa hahatid mo? Are you sure? Baka mamaya si Vivial lang gusto mong ihatid e." Singit naman ni Dahlia kaya napatawa naman ako.
"Ofcourse not, Myles." Sagot ni Zen at inirapan lang s'ya ni Dahlia.
Masaya kaming nag ke-kwentuhan habang kumakain. Matagal na rin pala simula no'ng nagkasama sama kaming tatlo. We were happy that time, yung tipong wala kaming problemang iniisip. Ang bilis pala ng panahon, parang kailan lang mga paslit pa lamang kami pero ngayon, heto kami at may kanya kanya nang mga prinsipyo sa buhay.
"What time is it?" Tanong ni Zen, kaya naman napatingin ako sa relo ko.
Kinuha ko muna ang bag ko bago ako sumagot. "6:50 Am."
Tinanguan n'ya naman ako at sumakay na kami sa kotse n'ya. Hindi na sumabay sa amin si Dahlia dahil may dadaanan pa raw s'ya.
"How's school?" Tanong sa 'kin ni Zen habang nagda drive s'ya.
"Hmm. Okay lang naman. How about you? Sa Hoshiro Academy ka pa rin ba nag aaral?" Tanong ko sa kanya at tinanguan n'ya naman ako.
Mabilis lang ang naging byahe namin dahil hindi rin naman ganoong ka traffic ngayong araw.
"Be a good girl, Dane." Nginitian ko naman s'ya atsaka pinisil n'ya ang tungki ng ilong ko.
"Ingat sa byahe!" Sigaw ko at nginitian n'ya rin ako.
Pagpasok ko pa lamang ay ang daming nagkukumpulan na estudyante malapit sa field. Bakit kaya? Anong meron?
Dahil gusto ko rin naman malaman ay nagtungo ako sa kinaroroonan ng mga estudyanteng nagkukumpulan.
"Omyghadddd! 6 pack abs sila!" Sigaw ng mga karamihang babae rito.
"Shittt! Ang hottt nilaaa!"
"Araw-araw akong inspired!"
"Sana yayain ako ni Axis sa kama kahit isang gabi lang!"
"Gosh! Kapag talaga sila nag hanap ng manager, hindi na ako magpapa tumpik tumpik paaaa!"
"Paisa naman kuyaaa Vesper!"
"Red! s**t, ang abs mo nakakalaglag panty!"
"Kahit isa lang sa inyo!"
"kahit si Mandawe langggg!"
"Si Madrigal lang! Goshhh!"
Napangiwi naman ako sa mga sigawan ng mga babae rito. Seriously? Paisa raw tapos nakakalaglag panty? Hindi ba sila nandidiri sa mga pinagsasabi nila, wala na talagang maria clara sa panahon ngayon. Napailing na lamang ako dahil sa nangyayari ngayon.
"Oh, holy motherfucker." Wala sa sarili kong sambit.
Bakit wala silang pang itaas na damit? Kaya naman pala ang daming students dito dahil bungad agad ang mga naggagandahan nilang katawan na sinamahan pa ng abs. s**t na malagkit, my virgin eyes.
"Enjoying the view, Vivial?"
Napatingin naman ako sa gilid ko. It was Jeymour. Siguro nandito rin s'ya para pagnasaan ang mga katawan nung mga baseball team.
"Hindi 'no." Sagot ko.
"I see, what are you doing here?" Tanong n'ya naman ulit.
"Ang dami kasing students, so na curious ako kaya pumunta ako rito." Sagot ko naman kaya napatango s'ya.
"Si Haruto ba yung naghatid sa 'yo kanina?" Tanong n'ya ulit.
I smiled at him, "Yeah."
Napahawak naman s'ya sa kanyang baba atsaka tumingin sa 'kin. "Lilipat ba s'ya rito?"
Umiling ako sa kanya, "No, he's having 1 week vacation here. Babalik din s'ya agad sa Japan."
Tumango naman s'ya atsaka umalis na kaming dalawa sa field. Nauna na s'yang pumunta sa building n'ya samantalang ako nandito naman sa cafeteria. Hindi kasi ako masyadong kumain kanina, medyo busog pa 'ko.
"Ate, M1 po." Saad ko.
"100 po ma'am." Sagot naman ng cashier.
Kinuha ko na ang order ko at umupo ako malapit sa bintana. Mas masarap kasi ang sariwang hangin t'wing umaga.
"Hey, ba't mag isa ka lang? Where's Dahlia?"
Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko si Veronica. She was smiling at me. A genuine smile.
"May dinaanan pa s'ya, ngayon ka lang mag be-breakfast?" I asked.
Tumango s'ya at umupo sa harap ko.
"Hays, I was busy these past few days. Naghahanap ako ng bagong manager for baseball team." Biglang sambit ni Veronica kaya naman napatingin ako rito.
"Need pa ba talaga nila ng manager, how about you? Hindi ka ba qualified?" Tanong ko.
Umiling naman ito, "Ayoko maging manager nila, pinakiusapan lang ako ni Vesper na maghanap ng manager."
"I see." Sagot ko naman.
"Ikaw? Gusto mo ba? I think, qualified ka naman." Nakangiti n'yang turan sa 'kin.
Umiling ako sa kanya tanda ng pag ayaw ko sa alok n'ya. Ayoko ngang makakita araw-araw ng impakto.
"Sayang naman, si Dahlia kaya?" Tanong n'ya naman sa 'kin.
I shrugged my shoulder, "Tanungin mo na lang mamaya."
"Hays, nakakapagod talaga. P'wede bang samahan mo akong 4:00 pm sa field?"
"Sure." I smiled at her.
"Great, buti wala kang class no'n?" Takang tanong n'ya.
"6 subjects lang yung akin ngayon." Sagot ko.
"Nagka boyfriend ka na ba?" Tanong n'ya ulit.
Umiling ako sa kanya kaya naman napatawa ito.
"You sure? Mukhang dalawa na nga ex mo." Dagdag n'ya pa.
"Well, I'm not interested in relationship. Sagabal lang 'yon sa pag-aaral." Sagot ko kaya naman napatango ito.
"Hindi naman siguro, I think magiging inspired ka kung gano'n." Sagot naman n'ya.
May point naman s'ya, pero hindi pa sumasagi sa isip ko na magkaroon ng boyfriend. I enjoy my life bilang single. Hindi ko naman siguro kailangan ng taong makakasama ko dahil kaya ko namang sumaya nang mag isa lang ako.
"Ako kasi isang beses lang nagkaroon." Dagdag n'ya.
"Going strong pa rin kayo?" Tanong ko naman.
"No, nag cheat s'ya. Pero kahit na gano'n hindi ako tumigil na habulin s'ya noon. Kahit na harap harapan na n'ya akong niloloko binalewala ko 'yon kasi nga mahal ko s'ya. Ibang klase rin kasi kapag tinamaan ka ng pag ibig, wala kang magagawa." Kwento n'ya.
"Baka ma offend ka ah, tanga ka siguro nung mga panahon na 'yon. Nag cheat na hinabol mo pa. Harap harapan ka na ngang niloko, binalewala mo pa. Oh well, love really sucks." Sagot ko naman kaya naman napahalakhak ito.
Kumuha muna s'ya nang bread at kinagat ito. "Marami ngang nagsabi na tanga ako no'n. Pero wala e, mahal ko. Atsaka gusto ko kasi s'yang ipaglaban. Ginawa ko lahat, kahit na pinagtabuyan n'ya ako. Pinahiya sa lahat, wala akong pakialam. I did my best. I did my part as a girlfriend. Atleast alam ko sa sarili kong lumaban ako. Pinaglaban ko s'ya, kaya wala akong pinagsisihan sa huli. He became part of my life. Ginawa ko yung best ko na bumalik s'ya sa 'kin pero nung makita ko s'yang masaya sa iba, nasabi ko na lamang sa sarili ko. Tama na, ito na 'yon. I-let go mo na." Napansin ko namang masaya na s'yang habang nagke-kwento. Naka move on na talaga s'ya.
"Makakanap ka rin ng mas better, 'yung hindi ka lolokohin at iiwan. 'Yung kayang makuntento kung ano at sino ka. At alam kong darating din ang panahong 'yon, magiging masaya ka sa piling n'ya." Sabi ko at ngumiti 'to sa 'kin.
Matapos n'yang mag kwento ay nagtungo na kami sa kanya kanya naming building. 'Yung naisip ko yung sinabi ni Veronica kanina, nasaktan ako para sa kanya as well as humanga rin ako sa tatag n'ya.
Bakit ba na imbento pa ang love?
"Good morning." Bati sa amin ni ma'am Shin.
Marketing pala ang subject ko ngayong araw.
"Good morning, miss Shin." Bati naming lahat.
Nasaan naman si Red ngayon? Ano? Puro practice lang s'ya. Wala nang balak mag aral ganoon? Aba edi, ang ganda rin pala maging player na lang. Teka nga? Bakit ko ba iniisip 'yon. Ano naman kung hindi s'ya pumasok. Tsk.
Discuss lang nang discuss si ma'am about sa marketing. Pagkatapos nang subject n'ya ay si ma'am Guada naman ang sumunod. Bali, 3 hours na ang nagugol ko. May 4 subjects pa akong natitira. 1 and half hour kada isang subject.
"Hey."
It was Jeymour again.
I smiled, "Anong ginagawa mo rito?" I asked.
"May dinaanan lang, ikaw? Where are you going?" Tanong naman n'ya.
"Do'n sa 4th floor." Sagot ko kaya naman napatango ito.
"Ah, mauna na ako sa 'yo." Kumaway ako sa kanya at ganoon din s'ya sa 'kin.
Pang tatlong subjects ko na pala ngayong araw, wala man lang break time kainis.
Si ma'am Jyssaka pala ulit ang teacher namin ngayong araw. Great, panibagong quiz na naman siguro 'to. Feeling, sasabog na ang utak ko ngayong araw.
"You look pale."
Kilala ko kung kaninong boses 'yon, bwiset. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to rito?
"Ano naman ngayon." Pagsusungit ko sa kanya pero humalakhak lang 'to.
Tinalikuran n'ya naman ako matapos nang sinabi ko rito. Mabuti na lang at hindi n'ya ako ininis ngayong araw dahil baka sa kanya ko mabuhos lahat ng init ng ulo ko ngayon.
Pagkatapos ng 3rd subject ko ay breaktime naman. Agad akong tumungo sa cafeteria at snacks na lamang ang binili ko. 15 minutes lang ang binigay sa amin. Pagkatapos kong bumili ay tumungo naman ako sa 3rd floor. s**t! Ang sakit na talaga nang paa ko.
Tiis tiis lang, masasanay ka rin.
Napadaan naman ako sa library. Sandali? Si Red ba 'yon? Sipag naman pala, nag abala pang pumunta sa library para magbasa.
It's already 1:30 Pm, tapos na ang 4 subjects ko. Dalawang subjects na lamang. Habang naglalakad ako, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.
From: Dahlia
Vi, nasaan ka na ba? Nandito na kami ni Veronica. Atsaka may foods ka na rin dito, nilibre tayo nila Vesper. Ang bait pala nila Vi. Don't worry, wala dito yung bebe mong blonde hahaha.
Wow, special mention pa talaga si Red.
Napailing na lamang ako dahil sa text nito. Nakita ko namang kumaway sa 'kin si Dahlia.
Tumungo ako sa kinaroroonan nila at umupo ako sa tabi ni Axis. Nahihiya kasi akong umupo sa tabi ni Vesper.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong sa 'kin ni Dahlia.
"4 subjects ba naman ngayong araw, may dalawa pa mamaya." Sagot ko naman kaya tumango ito.
"Hi, Vivial." Sabay na bati sa akin ni Vesper at Axis kaya naman ngitian ko sila.
"May nahanap ka nang manager for us?" Tanong ni Axis kay Veronica.
Nagsimula na akong kumain habang nakikinig sa pag uusap nila.
"Wala pa." Sagot naman ni Veronica.
"Kahit sino na lang kaya." Si Vesper.
"Hindi ba kayo makakapaglaro kung wala kayong manager?"Tanong ni Dahlia.
"Makakapaglaro naman, kaso kailangan namin nang aasikaso sa amin lalo na 'yung mga ginagamit namin sa laro." Si Axis ang sumagot kay Dahlia.
Nakikinig lang ako sa kanila nang mapansing kong nakatingin sa 'kin si Vesper.
Napakunot ang noo at tumawa naman ito. Anong problema ng isang 'to?
"Why?" Tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo maging manager namin?" Umiling ako sa kanya.
"Ba't hindi si Dahila yayain n'yo. Busy ako 'no." Sagot ko.
"Kahit mga gwapo kayo ayoko 'no, study first." Sagot ni Dahlia kaya naman napahalakhak si Vesper at Axis.
"Pero kung si Vivial o 'di kaya ikaw Dahila ang magiging manager namin. Araw araw kaming inspired." Saad ni Axis kaya napangiwi ako.
Babaero talaga.
"They're not interested to you Axis. Kapal naman ng mukha mo hahaha." Si Veronica.
"Sinasabi ko lang naman, totoo naman e. Magiging inspired tayo. Araw araw tayong makakakita ng maganda kung ganoon diba tol?" Nagkibit balikat na lamang si Vesper dahil sa sinabi ni Axis
"Ang dami n'yong fangirls bakit hindi 'yon ang kuhanin n'yong manager." Sambit ko.
"Ayaw naman ng fan namin, mamaya halayin kami no'n e." Sagot ni Axis kaya naman binatukan s'ya ni Vesper.
"Baka ikaw pa kamo ang manghalay." Sabi ni Vesper rito.
"Lapitin lang talaga ng chicks." Si Axis.
"Oo nga pala, where's Red?" Tanong ni Veronica.
"Nasa Library pa rin, papunta na rin 'yon dito." Sagot ni Vesper.
"Oh, 'yon na pala s'ya e!" Biglang sigaw ni Axis kaya naman napatingin ako.
Kamalas malasan nga naman.
"Tagal natin ah." Si Axis.
Hindi s'ya pinansin ni Red at umupo na 'to sa tabi ni Vesper.
"Hi Red." Bati sa kanya ni Dahlia kaya't tinanguan n'ya 'to.
"Hello." Sagot naman ni Red.
"May nahanap ka na para maging manager natin?" Tanong ni Axis.
"Yeah." Sagot naman ni Red.
"Maganda ba?" Tanong naman ni Axis.
Tumango naman si Red. Mga babaero nga naman, ganda lang talaga ang habol sa aming nga babae.
"Anong name no'n tol?" Tanong naman ni Vesper.
"Mamaya n'yo makikilala, pupunta naman s'yang field." Sagot ni Red at nagsimula na 'tong kumain.
Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.
"Oo nga pala Dahlia, mag kwento ka nga." Utos sa kanya ni Axis.
Wow. Close na sila.
"Anong ke-kwento ko?" Tanong naman ni Dahlia at tumingin sa 'kin.
Anong tinitingin tingin nito.
"Bakit dito kayo nag transfer?" Tanong ulit ni Axis.
"Ahh 'yun ba, si Jeymour nag recommend sa amin nitong school na 'to." Kwento naman ni Dahlia.
"Si Prenger ba 'yan?" Tanong ni Vesper.
"Kilala mo?" Tanong ko. Nakisabat na rin ako sa pag uusap nila.
"Oo naman, kasamahan namin 'yon noon e." Sagot naman ni Axis.
Wtf? Edi hindi nga bakla si Jeymour?
"Si Vivial naman dapat sa Westview 'yan. Pinipilit kasi s'ya ni kuya Volt na do'n na lang para naman magkasama na sila. Pinilit ko lang s'ya na mag aral kami rito sa EMU, ayoko talaga sa Westview e. Ayoko rin naman na maghiwalay kami ni Vivial, lumaki na kasi kaming magkasama. Nung highschool hanggang senior sa America kami nag aral. Napagdesisyunan na lang namin na dito na lang kami sa pinas mag college." Kwento ni Dahlia.
"Westview pala, kapag nanalo kami sa semi finals sila ang makakalaban namin sa finals." Si Axis.
"I see, so kapag tapos n'yo ng college dito? Babalik kayong America?" Tanong ulit ni Axis.
"Hindi. Siguro magtatrabaho na muna kaming dalawa. Baka si Vivial, magpakasal na 'yan kay Zen."
Napaubo naman ako sa sinabi nito. Ako magpapakasal? Wala nga kaming relasyon nung lalaking 'yon. Napaka issue ng babaeng 'to.
"May boyfriend ka na Vivial? Diba sabi mo kanina wala?" Takang tanong ni Veronica.
"Wala akong boyfriend, ano ka ba. Kaibigan ko lang 'yon 'no." Sagot ko.
Napansin ko namang ang tahimik ni Red. Ano kayang nangyari rito?
"Sus, 'wag kang maniwala d'yan kay Vivial. Kahapon nga dumating na si Zen, tapos s'ya lang na miss. Kaibigan din naman ako hahaha. Hindi na ako magtataka baka mabuntis na 'yan kinabukasan, sa kwarto n'ya natulog si Zen. Oh well, ready na rin naman akong maging ninang." Kwento pa ni Dahlia. Pinandilatan ko naman s'ya ng mata pero tumawa lang ito ng malakas.
"Hoy! Hindi ah!" Sigaw ko kaya naman napatawa rin si Axis, Vesper at Veronica.
"Sayang naman." Si Axis.
"Bakit naman sayang?" Si Veronica.
"Kasi akala ko type n'ya si Captain." Sagot ni Axis.
Inismiran ko naman si Axis dahil sa sinabi nito. Napatingin naman ako sa gawin ni Red at ang loko nakangisi na ngayon kaya naman inirapan ko s'ya.
Epal talaga kahit kailan!
Pagkatapos naming mag lunch, nag kanya kanya na kaming punta sa sarili naming building. Sa 3rd floor ulit ako, sa room 101. Dami namang room ng school na 'to kainis!
Nakikinig lang ako kay ma'am Molly. Hindi s'ya masyadong mahigpit sa class pero may iilan ilan din s'yang patakaran. Pagkatapos nung 5th subject ko, last subject naman na. Buti na lang si ma'am Shin ulit ang teacher namin.
I received a text from Dahlia. Hinihintay na pala ako ni Veronica sa field. It's already 3:45.
Agad akong nagtungo sa field at nakita ko s'yang kumakaway sa 'kin.
"Bakit ka nga pala nagpasama rito?" Tanong ko sa kanya.
"Nakiusap kasi sa 'kin si Vesper na ako muna ang maghanda ng makakain nila. Wala pa kasi silang manager, so ako muna ang aasikaso." Sagot niya kaya naman napatango ako.
"Eh diba nakahanap na si Red?" Tanong ko naman kaya tumango rin ito.
"Hmm. Oo nga, pero gusto ko rin naman kasing makilala 'yung bagong manager." Aniya.
Nakita naming nagkukumpulan ang Baseball team kaya naman nagtungo kami roon ni Veronica.
"Nasaan na 'yung bagong manager, Captain?" Dinig kong tanong ni Axis.
"She's here." Sagot naman ni Red.
Sino kaya 'yon? Akala ko ba pihikan si Red sa mga babae?
"Sino kaya 'yon 'no?" Bulong ko kay Veronica.
"Curious din ako." Sagot naman n'ya.
Napansin kong nakatingin sa 'kin si Red. Aba't, ang hilig naman yata nitong tumingin sa 'kin. Napangisi ito kaya naman napakunot ang noo ko.
"She's Vivial Villamero, our new baseball manager."
Kapangalan ko pa talaga ha.
What? Vivial Villamero?
Ako 'yon?!
What the hell is going on here!
-----
Ngayon lang ako nakapag update kasi tinatamad ako mag type hahaha. 'yun lang, have a nice day ahead!
Don't forget to vote and follow me!