CHAPTER 3

2788 Words
"Hoy Vivial, bakit ba nakasimangot ka d'yan?" Tanong sa'kin ni Dahlia habang nagmamaneho. Pauwi na kami ngayon, mabuti na lamang at mabilis natapos ang klase kanina. Maaga pala ang uwian namin dahil 5:30 pm pa lang ngayon. "Wala!" Inis na sigaw ko sa kanya. Bwiset na Red 'yon. Makakatikim talaga sa akin 'yon. "Bakit ba badtrip ka? Hindi lang kita nasamahan kanina sa Cafeteria nag iinarte ka na d'yan." Dagdag pa ni Dahlia kaya naman lalo akong nainis. "Excuse me, may kasama ako kanina. May impakto lang na nang asar sa'kin kanina." Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko. "Sus, sabi na e. Sino 'yan ha? Baka mamaya hindi 'yan gwapo Vivial." Saad n'ya kaya naman inirapan ko s'ya. "Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya pero tinawanan n'ya lamang ako. Naiinis talaga ako sa nangyari kanina. Ang kapal ng mukha ng Red na 'yon. Sinusumpa ko talaga na sana magkabulutong s'ya. Mabilis sana na tumanda ang mukha n'ya at hindi s'ya magka asawa! -Flashback- "Kanina ka pa d'yan?" Tanong ko sa kanya kaya naman tinanguan n'ya ako. "Ano bang ginagawa mo rito ha?" Tanong ko ulit sa kanya kaya naman humalakhak s'ya. Kanina lang inis na inis sa mga kateam mates n'ya tapos ngayon hahalakhak. Parang tanga. "Practice." Tanging sagot n'ya. "O, anong ginawa mo sa tabi ko? Tsupi! Do'n ka nga!" Pagtataboy ko sa kanya kaya naman ngumiti ito at tumambad sa akin ang dimples niya. Shit! May dimples! "What are you doing here?" Tanong n'ya. "Vacant ko e, kaya tumambay muna ako rito. Doon ka nga! 'Wag kang feeling close!" Sigaw ko ulit sa kanya kaya naman napangisi ito. "Hoy Captain ang daya mo naman! Kami nagpa practice tapos ikaw mang chichicks lang! Madaya!" Sigaw ni Axis. "Pakilala mo naman ako Captain!" Sigaw naman nung number 6. "I think it's Vivial!" Sigaw ni Vesper. Medyo malayo kasi sila sa amin kaya kailangan talaga nilang sumigaw. "Required ba na kapag may practice kailangang bumisita ang girlfriend ha!" Sigaw naman nung number 8. What?! Hindi ko naman jowa 'to! "Kaya pala mainit yung ulo e!" Sigaw naman nung number 10. "Naks, gusto pala ni captain ng makikinis." Sigaw naman nung number 9 Inis akong tuminging kay Red at ang loko, ang laki ng ngisi. Ano naman kayang nginingisi nito. "Anong sinasabi ng mga ka team mates mo?" Inis na tanong ko sa kanya. "I don't know." Sagot niya. Maya maya pa ay nagsilapitan na ang mga ka team mates n'ya sa amin. Ano naman kayang sasabihin ng mga 'to sa akin. Bwiset! Kung minamalas nga naman ako ngayong araw. "Ba't ka nandito Vivial?" Tanong ni Vesper. "Vacant k-" "Nagpa picture sa akin. Next time na yung fan sign? Busy pa kami sa practice." Napanganga ako dahil sa sinabi ni Red. Ang lakas naman ng topak ng isang 'to! Anong akala n'ya? Isa ako sa mga fan girls niya? Hell no! Hinding hindi mangyayari 'yon! Over my cute and sexy body! "Hoy ang kapa-" "H'wag ka ng magalit. Don't worry, bukas na bukas may fan sign ka na." Sagot niya ulit. Halata sa mukha niya na nasasayahan s'ya sa nangyayari. "Ang panget pala ng tipo mo sa lalake Miss Hahaha." Si number 16. "Blonde ang nais hahaha." Si Axis. "Strict pala gusto mo." Si number 11. "We have to go. Bye, see you around Miss Villamero. " Ngumiti naman sa akin ang mga ka team mates n'ya at pansin ko ring kanina pa nakangisi si Red. May araw ka rin sa aking bakulaw ka! Hindi na ako nagtagal sa field at pumunta na ako sa next class ko. Badtrip ka Red! Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo 'to! Kainis ka! -End of flashback- "O, bakit may kotse sa tapat ng apartment natin?" Tanong ko sa kanya. "Aba malay ko. Bumaba ka muna, tingnan mo kung kanino 'yon. Park ko lang 'tong sasakyan." Sagot n'ya kaya naman bumaba na ako. Agad naman akong bumaba at nagtungo sa kotseng nakapark sa tapat ng apartment namin. Akmang kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan. "I missed you, Dane." Is that true? Kausap ko lang 'to kanina bakit nandito na s'ya sa harap ko. Talaga bang nandito s'ya sa harap ko. Baka naman guni guni ko lang 'to. Hindi kaya minumulto na ako? Siguro kaya tumawag sa akin si Zen dahil huling pamamaalam n'ya na 'yon pero imposible. Kaya bang mag kotse ng isang multo? "Hoy Vivial! Sino b- Omyghad! Si Zen ba 'yang nakikita ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia. "It's good to be back." Sambit ni Zen at humalakhak s'ya. "Tara Dahlia, hindi naman si Zen 'yan. Iwan na natin 'yan. " Sabi ko kay Dahlia at tinanguan n'ya naman ako. Nakita ko namang napakunot ang noo ni Zen. Bahagya akong napangisi. It's payback time, Haruto Zen Tadashi. "Tama! Si Zen kasi diba nasa Japan pa. Busy siya sa work at class n'ya." Dagdag pa ni Dahlia. "Hey, It's me." Biglang sabat ni Zen. Hindi namin s'ya pinansin at nagtungo na kami sa gate. Napahagikhik naman kami sa ginawa namin. "1,2,3, Go!" Sigaw naming dalawa ni Dahlia at bigla naming niyakap si Zen. "Wahh! Zen, grabe ang laki mo na! Lalo ka naman yatang gumwapo!" Sambit ni Dahlia. Kumalas na kami sa pagkakayakap kay Zen. "Grabe ang pormahan mo ah. Yayamanin talaga." Sabi ko naman kaya naman napatawa kaming dalawa ni Dahlia. "Don't you miss me, Dane?" Tanong naman sa akin ni Zen. "Wow ano 'to? Favoritsm? Hello Zen, nag e-exist din ako 'no!" Sigaw ni Dahlia. Napailing na lang ako sa sinabi ni Dahlia. "Syempre na miss kita, Zen." Sagot ko sa kanya at bigla n'ya akong niyakap. "I missed you, Dane. I really do." Bulong n'ya sa'kin. "So ano? Third party ako ganon? Kanina pa kayong dalawa ah! Mahiya naman kayo! Alam kong namiss n'yo ang isa't-isa pero nandito ako. Kaibigan din ako." Nakasimangot si Dahlia ng sabihin n'ya sa amin 'yon kaya naman ngumiti si Zen at niyakap din siya. "Ofcourse, I missed you too, Myles." Sagot naman ni Zen. "Kadiri ah! Kakarating mo lang dito tapos tatawagin mo pa ako sa second name ko! Umalis ka na nga ulit, bumalik ka na ulit ng Japan tutal wala ka namang ambag sa pilipinas." Napatawa kami ni Zen sa sinabi nito. Pumasok na kami sa apartment at agad kong pinagluto si Zen ng makakain dahil alam kong gutom 'to dahil kakarating n'ya pa lang galing Japan. "Pahinga ka muna kaya. Mukhang pagod ka sa byahe." Sabi ko sa kanya habang hinahain ko ang makakain n'ya. "Later." Sagot n'ya kaya naman tinanguan ko s'ya. "Kumain ka na muna, fried chicken lang 'to ah. 'Wag kang mag inarte d'yan." Sabi ko sa kanya kaya naman tumayo na s'ya at nagtungo sa lamesa. "Where's Myles?" Tanong n'ya. "Nasa taas, mamaya pa 'yon. Marami kasing pinagawa ang prof n'ya kaya mamaya na 'yon kakain." Sagot ko naman. "I see, come on. Let's eat together." Nginitian ko na lang s'ya at nagsandok din ako ng kanin para sa akin. "Dito ka na ba mag stay?" Tanong ko habang kumakain kami. "Hmm. No, I have 1 week vacation." Sagot niya kaya naman napasimangot ako. "Ano ba 'yan. Kailan ka ulit babalik?" Tanong ko ulit. "I don't know. Maybe next year." Sagot n'ya ulit. Nakakalungkot lang na isang linggo lang pala s'ya rito at uuwi na rin s'yang Japan. Binata pa pero kung makapag handle ng business nila akala mo matanda na e. "Hey don't be sad." Ani niya. "Dapat 'di ka na lang umuwi rito e. Bumalik ka na ngang Japan. Nakakainis ka. Nagpapa miss ka naman e." Singhal ko sa kanya at napahalakhak naman s'ya. "Dane." Tawag n'ya sa pangalan ko. S'ya lang ang tumatawag ng Dane sa akin maliban kay Kuya. "Don't talk to me. Talk to my hand." Sabi ko sa kanya. "Fine, aasikasuhin ko lang ang company at babalik din ako." Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. Hindi talaga ako matiis ng bestfriend ko. "Sure na ba 'yan? Walang bawian ah." Tanong ko sa kanya at nakita ko namang napangiti ito Luh, ang gwapoooo! "Yes." Sagot niya. Pagkatapos naming kumain ay pinagpahinga ko muna s'ya sa kwarto ko. Bakas kasi sa mukha n'ya ang pagod. Bahagya naman akong napatingin sa mukha ni Zen. Ang himbing ng pagkakatulog n'ya. Ang laki ng pinagbago n'ya. Mas lalo s'yang gumwapo. Brown messy hair, pointed nose, at kissable lips. Pinagnanasaan ko ba'to? "Staring is rude, Vivial." Napatingin naman ako sa pinto at nakita si Dahlia na nakangisi. Alam ko na kung ano ang iniisip nito. Bago ako lumabas, kinumutan ko muna si Zen. "Sleep tight." Bulong ko rito at lumabas na ako. "Hindi ko alam na may pagtingin ka pala sa hapon na 'yon ah." Nakangisi s'ya habang sinusundot sundot ang tagiliran ko "Gaga, kung ano ano ang iniisip mo. Kumain ka na nga lang d'yan." Sagot ko sa kanya. Umupo ako sa couch at sumunod naman sa akin si Dahlia na may dalang pagkain. "Pero 'di mo ba napapansin, Vivial. Feeling ko talaga may gusto sayo 'yang si Zen." Napatawa naman ako sa sinabi nito. "Ganyan lang 'yang si Zen, sweet lang talaga sa mga kaibigan pero ubod ng sungit naman sa mga hindi kakilala." Sagot ko sa kanya kaya naman inirapan n'ya ako. "Sus, hindi ako naniniwala. Kaibigan din naman ako ni Zen pero hindi n'ya ako ina-approach tulad ng pinapakita n'ya sa iyo. Never ngang naging sweet sa akin 'yon." Dagdag n'ya pa kaya naman pinitik ko ang noo n'ya. "Aray! Bakit ba namimitik ka ng noo ha!" Reklamo n'ya. "Kung ano ano ang pumapasok sa isip mo, nagsasalita ka pa habang may laman 'yang bibig mo." Napakamot naman siya sa ulo n'ya. Kadiri. Nagkamot ng ulo e nakakamay lang naman s'yang kumakain. "Pero ito, kapag ba nagtapat ng pag-ibig sayo si Zen, tatanggapin mo?" Seryosong tanong niya. Napaisip naman ako sa tanong n'ya. Matatanggap ko nga ba? Kaibigan lang naman ang tingin ko rito. Atsaka alam kong hindi naman mag tatapat ng pag-ibig sa akin si Zen. Wala s'yang time sa mga ganoong bagay. "Malabong mangyari 'yon, kaibigan lang ang tingin sa akin ni Zen." Sagot ko kaya naman kinurot niya ako sa pisngi. "Kunwari nga lang!" Sigaw n'ya pa kaya naman inirapan ko s'ya. "Kadiri ka! Yung kamay mo!" Singhal ko sa kanya. "May magkaibigan ba na nag I-I Love you sa isa't-isa. Anong tawag mo do'n ha? Friends with benefits." "Meron, tayong dalawa. Bakit hindi ba ha?" Ngising tanong ko sa kanya. "Gaga, syempre babae naman tayong pareho. Pero kayong dalawa ni Zen, babae ka at lalake siya. Kaya walang pumoporma sayo e. Akala ng iba na si Zen ang boyfriend mo." Sabi n'ya sa akin. Naalala ko naman yung nangyari kanina sa field. Narinig kaya niya lahat ng usapan namin ni Zen? Siguro narinig n'ya hindi naman niya sasabihn sa akin 'yon kung hindi. "Bakit ba si Zen ang topic natin ah? Baka bangungutin yung tao kita mong natutulog." Inis na sagot ko sa kanya. "Sino bang galing Japan? Hindi ba't s'ya? Eh teka nga lang, bakit badtrip ka kanina. Akala mo nakalimutan ko na 'yon ah." Akala ko naman nakalimutan n'ya na 'yon. Ang talas talaga ng memorya ng isang 'to. "Alam mo, ang chismosa mo." Sagot ko sa kanya. "Ito tanong ko, gwapo ba yung nang asar sayo kanina?" Nakangsing tanong niya. "Hindi. Isa s'yang impakto. Kung makikita mo lang 'yung mukha n'ya grabe nakakasuka." Umakto pa ako na nandidiri habang sinasabi ko sa kanya kung ano 'yung itsura ni Red. "Talaga? Akala ko pa naman, blonde, matangkad, captain ng baseball tsaka may dimple." Sabi niya. Napakunot ang noo sa mga sinabi n'ya. Teka? Si Red ba ang tinutukoy nito? "Sandali nga? Si Red ba 'yung tinutukoy mo ha?" Inis na tanong ko pero tinawanan lang ako nito. "Hindi, bakit? S'ya ba agad ang pumasok sa isip mo?" I knew it! Inaasar nga ako ng isang 'to. "Ewan ko sayo! Ikaw mag hugas ng plato, ako na ang nag luto." "Change topic ka kaagad e. Pwera biro, gwapo ba si Red para sayo?" Tanong n'ya pa. "Alam mo ang dami mong tanong. Kanina si Zen, tapos ngayon si Red naman. Baka si Vesper at Axis na ang isunod mo." Tumayo na s'ya at tumawa ng pagkalakas lakas. Hindi ko na s'ya pinansin dahil alam kong huhugasan niya na ang mga pinggan. Pumasok ako sa kwarto ko at nakita kong mahimbing pa ring natutulog si Zen. It's already 7:20 Pm, baka dito na rin s'ya matulog. "Dahlia, sa 7/11 lang ako ah! Bigla akong nag crave sa Ice cream!" Sigaw ko. Nasa kusina kasi s'ya naghuhugas na ng mga pinggan. "Bilhan mo rin ako, strawberry flavor!" Sigaw rin nito kaya naman agad akong lumabas. Malapit lapit lang naman ang 7/11 dito sa amin. Sa kabilang kanto lang. Mabilis akong naglakad. Nakalimutan kong magdala ng payong, mukhang uulan ngayon. Bigla kasing kumulog. Mabuti na lamang at nakarating kaagad ako. Dalawang Ice cookies and cream ang kinuha ko at isang strawberry. Agad akong nagbayad sa counter. Papalabas na sana ako ng makita ko na umuulan na pala. Shit! Wala akong payong! Napagdesisyunan kong magpatila na lang muna. Maya maya pa'y may biglang pumasok na lalaking nakahoodie at kumuha rin ng ice cream. Pagkatapos n'yang bayaran ay bigla itong tumabi sa akin. Hindi ko na lamang s'ya pinansin at tumingin na lamang ako sa labas. Please naman ulan, tumila ka na. Baka malusaw 'tong ice cream. "Here, take this." Napatingin naman ako sa katabi ko at iniabot n'ya sa akin ang payong n'ya. Wait? Bakit n'ya sa akin ibibigay 'to. "Hindi na kuya, sayo 'yan e." Sagot ko sa kanya. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil sa hood na nakalay sa ulo n'ya tapos may mask pa s'yang suot. Hindi n'ya ako pinansin at bigla s'yang tumayo at naglakad palabas. Sandali, iniwan n'ya yung payong? No choice din naman ako, kinuha ko lang 'yung payong na iniwan n'ya. 8:09 pm ako nakarating sa apartment. Mabuti na lamang at hindi masyadong late dahil may curfew sa amin ng 10:00 pm. "Si Zen? Gising na ba?" Tanong ko kay Dahlia. Naabutan ko s'yang nanonood ng anime sa T.V. "Hindi pa, yung Ice cream ko?" Tanong n'ya kaya naman iniabot ko sa kanya yung ice cream na ang flavor ay strawberry. "Thank you, pagpalain ka nawa ni bathala." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito. Dumiretso ako sa kwarto para gisingin si Zen. Nakita ko naman tulog na tulog pa rin s'ya. Gigisingin ko pa ba 'to? "Zen, gising na. May binili akong ice cream." Tinapik ko ang pisngi nito ngunit ang himbing talaga nang pagkakatulog n'ya. "Haruto Zen Tadashi!" Sigaw ko pero wala pa rin, tulog talaga kaya hinayaan ko na lang at ako na lang ang uubos ng ice cream na binili ko para sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto at tumabi ako kay Dahlia. "Alam mo ba." Sabi ko sa kanya habang binubuksan ko ang galon ng Ice cream na binili ko. "Hindi ko pa alam." Pamimilosopo n'ya kaya naman kinurot ko s'ya sa tagiliran at napadaing s'ya. "Ano ba kasing sasabihin mo?" Dagdag n'ya pa habang tutok na tutok sa kanyang pinapanood. "May lalaking nagbigay ng payong sa akin kanina. Nakalimutan ko kasing magdala, siguro naawa 'yon sa akin." Kwento ko sa kanya habang s'ya naman ay patuloy na kumakain ng Ice cream "Gwapo ba?"Tanong n'ya kaya naman umiling ako. "Hindi ko nakita yung mukha n'ya, tapos naka mask pa s'ya." Sagot ko kaya naman tinanguan n'ya ako. "Paniguradong gwapo 'yon." Sabi n'ya pa kaya nagkibit balikat na lang ako. "Unang tanong mo talaga kung gwapo 'no." Sambit ko sa kanya. "Syempre, sayang lahi natin kung hindi rin tayo mapupunta sa kapwa natin magandang lahi." Napatawa naman ako sa sinabi n'ya. Nababaliw na talaga s'ya. Nakinood na rin ako sa pinapanood n'yang anime. Hilig talaga nito sa fantasy e. Hindi man lang mag paawat, pang 35 na episode n'ya na 'to. I guess, fairy tail 'to. Nang maubos ko na ang ice cream na binili ko, itinabi ko na lamang yung isa. Busog na rin kasi ako. "Hoy, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko sa kanya. "Mamaya na, tatapusin ko lang 'to." Sagot n'ya naman. "Tabi na tayo ah." Saad ko sa kanya at tinanguan n'ya naman ako. Dumiretso ako sa kwarto ni Dahlia. Inayos ko yung kama at kumuha ako ng extrang unan para sa'kin. Papikit na sana ako ng maalala kong naiwan ko pala sa labas yung payong. Agad akong bumaba at kinuha ang payong sa labas. Ibabalik ko pa 'to sa may-ari. Napatingin ako sa payong na hawak ko. Napansin kong may pangalan palang nakalagay. Weston
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD