bc

The Rebel Drummer

book_age16+
768
FOLLOW
1.8K
READ
playboy
first love
like
intro-logo
Blurb

Sa pagbabalik ni Nhica bansa, hindi na siya umaasa na magkakabalikan sila ng dating nobyo niya na si Clyde. Tinanggap na niya iyon nang unang beses niyang mabalitaan na ipinagpalit na siya nito sa iba. Ano nga ba naman ang ini-expect niya matapos niya itong iwan? Sa dami ng magagandang babaeng nabalitaan niyang naging karelasyon nito, siguradong limot na siya nito. Wala na siyang aasahan pa.

Pero bakit kahit anong iwas niya rito at pagtataray, palagi pa rin itong may nakahandang magandang ngiti para sa kanya? Bakit pakiramdam niya ay espesyal pa rin ang mga titig nito sa kanya?

And then, he suddenly proposed marriage to her…

Ano ba talagang drama nito ngayon?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: HER SIDE OF PAIN
“MISS Concepcion!” Napahinto si Nhica sa paglalakad at napalingon sa professor niya na nakasungaw sa pintuan ng opisina nito. Ito ang head ng Electrical Engineering Department. “Yes po, Ma’am Santos?” “Can I talk to you for a bit about your internship?” “Of course, Ma’am.” She was a fourth year student of Electrical Engineering and was about to have on-the-job training two months from now. Tahimik na pumasok siya sa opisina nito. Alam niya kung bakit ito nag-aalala sa internship niya. She had an offer for internship in Japan, but she turned it down and chose to apply in a local electric utility company. Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Pagkaupong-pagkaupo niya sa harapan ng desk nito ay agad nitong inungkat ang usaping iyon. “Miss Concepcion, hindi na ba magbabago ang isip mo? May time pa para i-grab mo ang offer sa Japan. You’re the smartest student of your year. It would be a better experience and opportunity for you. Malay mo, magustuhan nila ang performance mo at i-absorb ka nila sa company. It will going to be a big help for you and your family.” Her school knew that her late father was the only one supporting her studies financially. Her father died in a car accident a year ago. Nakakahiya mang malaman ng mga ito iyon ay sadyang mabilis kumalat ang balita. “I understand po, Ma’am. Pero nakapagdesisyon na po ako. I want to stay here for my OJT.” “Why? Ano’ng pumipigil sa `yo na tanggapin ito? Is there something we can help? If the living allowance is your problem, then you don’t have to worry about it. Included ang allowance per month na ibibigay ng kumpanya. Libre rin ang titirhan mo roon,” pangungumbinsi ng guro. “Kinakausap kita ngayon dahil sayang talaga. This is for your growth as an individual and as a student of our university.” Money wasn’t the problem… although their family really had financial problems at this moment. It was something else. Or rather ‘someone else’. Nang banggitin niya sa kasintahang si Clyde ang tungkol sa internship sa Japan ay hindi ito pumayag. Masyado raw malayo. Pwede naman daw siyang mag-intern sa mga kumpanya sa Pilipinas. O kaya ay sa hotel and restaurant business daw siya ng mga ito mag-apply. May electrical department naman daw doon. Hindi niya gustong mag-intern sa negosyo ng pamilya nito kaya pinili na lamang niya ang nauna nitong suhestyon. She had no choice, but to agree. Bagaman may pagdaramdam siyang naramdaman sa puso nang hindi siya nito suportahan sa pangingibang bansa. Mabilis niyang inalis sa puso ang tampo. Hindi tamang makaramdam siya ng ganoon sa nobyo niya na mahal na mahal siya. Alanganing ngumiti siya sa kaharap. “I’m sorry po, Ma’am. Maganda nga po ang internship na ito sa Japan, pero talaga pong hindi ko maa-accept ito.” “Please, think about it. Hindi ko muna ibibigay sa iba ang isang slot. May two months pa naman. Pag-isipan mong mabuti, ha?” Tumango na lamang siya at nagpasalamat sa concern nito. Ilang minuto pa siya nitong c-in-ounsel bago siya pinakawalan. Nang makalabas siya sa opisina ay humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Tulad ng sabi ng head ng college nila ay sayang nga talaga ito. She dreamed of going abroad to study and learn. She wanted to be successful in her chosen career for herself and her family. Pero hindi na lang ang sarili niya ngayon at pamilya niya ang dapat niyang isipin. She had her four-year serious boyfriend now and she loved him so much. Nang maalala ito ay bumigat ang dibdib niya. Clyde was a member of a rock band, The Rebel Slam, that was taking the waves in the entertainment industry today. Wala naman siyang problema kung ang pagbabasehan ay ang pagmamahal at pagiging loyal nito sa kanya. Kahit abala ito sa gigs, tours at shows ng mga ito ay hindi ito nagkukulang ng oras para sa kanya. Lahat ng problema niya ay ito ang sumasalo. Lahat ng desisyon niya ay kailangang kasama itong magdesisyon. Kapag hindi ito pumayag, walang siyang magagawa kung hindi ang sundin ito para walang maging problema sa pagitan nila. Ayaw niyang makadagdag pa siya ng stress sa hectic na trabaho nito. Ibang-iba ang sitwasyon niya ngayon sa nakasanayan niya bago ito dumating sa buhay niya. It had been four years… noong una ay nae-enjoy niya pa ang pagbabago na ito. Iyong mayroong umaalalay sa kanya sa lahat ng oras. Iyong may nag-aalala sa kanya at nagpaparamdam sa kanya na isa siyang babae na nangangailangan ng pampering. Pero ngayon… Nakakasawa na. Natigilan siya sa takbo ng isip. Mabilis na ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganito. Mahal siya nito at iyon ang mahalaga. Nagbago ito mula sa pagiging babaero nito at naging stick-to-one at loyal para sa kanya. He cared about her so much that he was always there to help her. Mahal lang siya nito at hindi nito gugustuhin na mahirapan siya. She sighed. Even with those reasons, it did not erase the heavy weight on her chest. She loved him—she knew that she loved him—and she hated herself for having these doubts. - DIRETSONG tinalunton si Nhica ang sidewalk na iyon. Mabibilis ang hakbang niya at diretso ang tingin niya sa daan. Pansin niyang nagsisilayuan ang mga tao sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil mukha na siyang mangangain ng buhay ngayon. After thirty minutes of walk, she spotted the fancy restaurant she was looking for. Agad na pumasok siya roon. Hindi niya ininda ang namimintig na mga binti dala nang paglalakad ng malayo. Mas lamang ang nagsasapulkang emosyon sa loob ng dibdib niya. She was so angry. Hindi iyon dahil sa nakikita niyang tagpo sa harapan niya ngayon kung saan may kaharutang ibang babae sa isang mesa si Clyde. Nahagip din ng paningin niya ang iba pang miyembro ng The Rebel Slam na may kanya-kanyang ‘date’ sa kani-kanilang mesa. Hindi sinabi ni Clyde ang okasyon na iyon sa kanya. Pero hindi na siya nabigla dahil nadulas ang kapatid niya at nasabi nito na may speed-dating event ang The Rebel Slam ngayon para isang fund-raising. Well, she was not here for that. Kung para iyon sa fund-raising, maiintindihan niya iyon. She knew Clyde’s work and it included entertaining his fans. Maraming mga tao sa paligid, girls to be exact, na tila naghihintay ng turn nila na makausap ang isa sa miyembro ng banda. Sa isang gilid ay nakita niyang nakatayo ang manager ng banda na si Andrei Davies. Nakisiksik siya sa mga babaeng nakalinya roon upang makarating sa manager. Hindi niya pinansin ang mga nagreklamong mga babae at baklita na nakapila. Halatang nabigla ito nang makita siya roon pero nakabawi ito kaagad. Ngumiti ito sa kanya. “Nhica, are you here to support Clyde in the speed-dating? Huwag kang mag-alala, isusunod kita kaagad—” “Can I talk to him, Sir Andrei?” pormal na pakiusap niya. Kahit naman nagpupuyos siya sa galit ngayon, hindi niya pa rin maaatim na mag-eskandalo roon. Kailangan muna niyang magtimpi. Andrei stared at her and see it was an important matter. Sumeryoso ito. “Okay. I’ll fetch Clyde. Hintayin mo na lang siya sa sa backdoor para hindi kayo maistorbo ng mga fans.” “Thanks.” Bago siya tumalikod at maglakad papunta sa itinuro ni Andrei ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang miyembro ng banda. And, of course, Clyde. She ignored all of them and continued walking until she found a door—the backdoor. Itinulak niya iyon at lumabas. May maliit na hardin sa labas at maraming namumulaklak na halaman. Normally, maaaya siyang usisain ang mga iyon. Pero hindi ngayon. She inhaled deeply. However, it did not wipe away the heaviness in her heart. She was angry. Not only with Clyde, but also with herself. Bakit siya nakakaramdam ng ganito? Bakit pakiramdam niya ay hindi siya makahinga? Binibigyan niya ng rason sa isip niya kung bakit iyon nagawa ni Clyde…. na mahal siya nito at ayaw nitong nahihirapan siya… pero hindi iyon sapat para payapain ang dibdib niya. She heard the door opened and closed behind her. Hindi siya lumingon doon. Hindi niya alam kung paano ito haharapin nang hindi ito nasisigawan o namumura. “Nhica Marae…” She felt a Clyde’s arms wrapped around her from behind and hugged her tightly. His warm, hard chest on her back. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya bago malambing na nagsalita. “Sorry. Hindi ko nasabi sa ‘yo ang tungkol dito. Nitong mga nakaraang araw kasi ay masama ang mood mo. I’m just worried that this will lead into a fight. Ayokong magtalo tayo.” “Why did you pay for my OJT tuition and Jace’s admission fee?” pigil ang galit at walang ligoy na tanong niya. “Para hindi na kayo mamroblema pa. Lalo na ikaw. I don’t want you to worry about it.” “I didn’t ask for it!” may diing sabi niya sa mataas na tinig. Kumawala siya sa yakap nito at dumistansya bago ito hinarap. Nakita niyang nakakunot ang noo nito. “Bakit ka nagdesisyon nang hindi mo man lang ako tinatanong kung gusto ko rin ba iyon?” “I’m sorry. But I see nothing wrong in what I did. Hinihintay kitang magsabi… ang humingi ng tulong sa akin about your financial needs. Pero hindi ka nagsasabi. Ilang beses na rin akong nag-offer, pero palagi mong tinatanggihan. Kaya hindi na ako nagpaalam sa iyo dahil alam kong tatanggihan mo.” “I don’t need it! Masyado na ba akong mahirap sa paningin mo para pakialaman mo ang pinansyal na pangangailangan namin?” “You know, I don’t mean it that way—” “Palagi na lang ganito, Clyde! Palagi na lang ang gusto mo ang nasusunod. Nakakasawa na!” Nhica gripped her hand tightly into a fist. Ramdam niya ang panginginig niya sa galit. “Ito na nga lang ang pinanghahawakan ko para masabi na hindi ako fully dependent sa ‘yo. Para maramdaman ko na pagmamay-ari ko pa ang sarili ko. Hayaan mo naman akong solusyunan ang problema ng pamilya ko sa sarili kong paraan! Hinayaan na nga kitang magdesisyon para sa buhay ko, eh—na hindi ko pala dapat hinayaan dahil nasasakal lang ako ngayon!” “Nhica Marae, calmed down. Let’s talk this out.” Tinangka nitong hawakan ang mga kamay niya, pero umiwas siya rito. “Sanay ako nang ako ang nasusunod sa buhay ko noon. Nang dumating ka, hinayaan kitang manipulahin ako dahil mahal kita. Pero sobra na, eh. Pakiramdam ko, manika mo lang ako na kailangan, lahat ng gusto mo, sundin ko. Iyon ang ini-expect ng mga nakapaligid sa atin dahil, sabi nila, para sa kapakanan ko iyon. Pero hindi, eh. Paano naman iyong gusto ko? Ang mga sarili kong pasya? Pakiramdam ko tuloy ngayon, hindi na ako makakagawa ng mga bagay na gusto ko nang walang go signal mo. Kailangan palagi kitang iniintindi. Na maging masaya ka lang, masaya na rin ako. Wala na akong karapatang maghangad ng iba… Hindi pa tayo mag-asawa. Bata pa ko at marami akong gustong marating sa buhay ko. Pero dahil sa ‘yo, sa mga ginawa mo, nawalan na ako ng confidence na magagawa ko ang lahat ng iyon.” Namalayan na lang niya na umiiyak na siya. Marahas na pinahid niya ang luha sa mga mata. “Nhica Marae…” “Ayoko na, Clyde. Gusto kong hanapin ulit ang sarili ko at ang mga pangarap ko. I want to do things for myself and as myself.” She was crying and she couldn’t deny the pain that was torturing her heart… but her decision was made. “Let’s break up.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook