NANG makarating si Nhica sa restaurant ay hindi niya pa rin makita ni anino ni Clyde. Hindi naman sa hinahanap niya ito. It was just that, nang umalis ito sa kwarto kanina ay para bang magmamadali kaagad ito na bumalik sa kanya. She was a little disappointed. A little. Mas maganda nga na hindi niya ito makasama ngayon para naman makahinga siya ng maayos kahit sandali lang. Tuwing kasama niya kasi ito, lalo na nitong nakaraang mga araw, ay palaging magulo ang kabog ng puso niya. Huminga siya ng malalim at itinaboy ang isiping iyon sa likod ng isipan niya. Pagkatapos ay tumuloy na sa pagpasok sa restaurant. She saw familiar faces in one of the tables. Nang makita siya ni Aser ay agad na lumiwanag ang mukha nito at kinawayan siya. Kasama nito sa mesa ang mga kabanda nitong sina Grendle,

