HALATANG nabigla ang dalawa sa sinabi ni Nhica. Nagkatinginan ang mga ito bago muling bumaling sa kanya. “Clyde told you that?” tanong ni Donita. Tumango siya. Tapos ay nagkibit-balikat at ipinakita sa mga ito na wala siyang pakialam. Seriously, gumagaling na siya sa pag-arte. “Though, it doesn’t bother me. I also felt bad for not fulfilling dad’s wishes about us before he passed away. Pero hindi naman tamang magpakasal kami nang hindi na namin mahal ang isa’t-isa, hindi ba?” While saying those, she suddenly remembered him calling her their past endearment. Mahal. He had the nerve to call her that without feeling that way towards her! Kahit siya ay muntik nang umasa doon. Ngayong hindi man lang siya nito mai-text ng smiley o isang letter man lang, bigla siyang nawalan ng pag-asa sa

