Mabilis siyang nagtago kung saan hindi siya makikita ni daniel. Kinuha niya din ang sanggol sa loob ng malaking bag pagkatapos ay kinuha niya ang baby bag carrier at isinukbit iyon sa katawan niya para mailagay doon ng isang anak na mahimbing na natutulog. habang ang isa ay binuhat niya at hinele dahil alam niyang kapag nagumpisang umiyak iyon ay tiyak na mapapansin siya ni daniel "shhh..." Saglit siyang sumilip sa gilid at nakita doon si daniel na bumama sa kotsye nito. Kinuha pa nito ang cellphone at may tinawagan. Parang biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya kamuntikan pa sya nitong makita dahil bigla itong lumingon sa gawi niya. Mabuti nalang talaga ay muli siyang nakapagtago at napaupo nalang sa kalsada .. Napatingin siya sa anak na bitbit. Pasaglit na dinampian ang nuo ng sa

