"kathryn, konti nalang ha? Tiisin mo pa ng kaunti malapit na tayo" hinawakan ni daniel ang kamay ni kathryn na namimilipit ng sakit sa tabi niya habang hindi siya magkamayaw sa pagpapatakbo ng sasakyan maidala lang si kathryn sa hospital. Nagaalala siya dito dahil 3 linggo pa bago ang due date ng asawa, hindi lang yon dahil imbis na panubigan nito ay dugo ang umaagos sa binti nito Pinisil niya ang kamay ni kathryn para kahit papaano ay maiparating niya dito ang labis na pagaalala pero inalis iyon ni kathryn at iniwas ang kamay niya. Hinayaan niya nalang ito at Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan. Ganoon pa man hindi pa din niya maiwasan ang mapalingon ng marinig uli ang mga daing nito "love.... Kapit lang--konti nalang" Hindi siya nito sinagot bagkus sundo sunod ang daing nito

