Biglang nag iba ang atmosphere dahil sa sagot ng anak ko. Hindi ako makatingin ng diritso sa tatlong tao na nasa harapan ko. Sinuklian ko ng keming ngiti si nanay ng lingunin niya ako. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at awa sa kanyang apo. Masakit. Kasi ganyan rin ako noon kapag tinatanong nila ako tungkol sa tatay ko. Ang palagi kong sagot;wala akong tatay. Kinain ko lang rin ang mga sinabi ko noon na hindi ko hahayaan na magaya sa akin ang anak ko. Pero ano ngayon ang kalagayan niya, inulit ko lang sa kanya na lumaki siya na hindi nakilala ang ama. Lumaki siya na matalinong bata. Siguro nang magka isip niya naintindihan na niya kaagad kung bakit hindi namin kasama ang tatay niya. Ni minsan hindi siya nag tanong sa akin kung sino ang tatay niya, kung ano ang pangalan niya, kung

