What the f**k is he saying? Inignora ko ang sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at sapilitang binaklas ang braso ko na hawak niya. Laglag ang kanyang balikat sa ginawa ko. Puno ng emosyon ang kanyang mukha, nagmamaka-awa ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa akin. Pinatili kong maging kalmado, huwag magpakita ng kahit anong emosyon kahit pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kinatayuan ko. He tried to reach my hand pero umiwas ako. A strong emotion crossed his eyes. Agad na tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng banyo. Ini-lock ko kaagad iyon nang makapasok ako. Nanghihina na dumausdos ang katawan ko sa likod ng pinto. Impit akong napahikbi sa samo’t saring emosyon. Masaya, nasasaktan, nalilito ngunit lamang ang takot sa puso ko. Natatakot sa lahat na mangyari pagkatapos nito. It

