Ang tanga ko… Ang laki kong tanga at nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Gumaganti ako sa halik niya, pinapalunod ang puso sa sandaling saya. I have Zaylon now. Sa kanya lang dapat umiikot ang mundo ko, sa kanya lang sana ako pero ano itong katangahan na ginagawa ko sa buhay ko? Nagmulat ako ng mata. Nakapikit ang mga mata niya, hinahalikan ako ng mapusok. . . Halik na may pananabik at ayaw iyon tigilan. Gusto kong itanong kung sino ang iniisip niya habang nakapikit ang mata na hinahalikan ako. Kung ako ba o ang girlfirend niya. Hindi ako naniniwala na wala siyang girlfriend, siguro ganito siya sa akin dahil wala ang tunay na pagmamay-ari niya. Nang maramdaman ko ang paglakbay ng palad niya sa likod ko, buong lakas ko siyang tinulak. Hindi ko siya hinayaan na makapagsali

