CAROLINE POINT OF VIEW “Sasamahan mo ba ako sa perya mamaya?” tanong ni Owen habang nakasandal sa counter ng kusina. Naka-cross arms siya at may malikot na ngiti sa labi. Napataas ang kilay ko. “Ha? Perya?” Tumango siya. “Oo, may malapit daw dito. Sayang naman kung hindi natin mapuntahan.” Napaisip ako. Matagal-tagal na rin mula noong huling nakapunta ako sa perya. Noong bata pa ako, gustong-gusto ko ‘yung rides, lalo na ‘yung Ferris wheel. Pero ngayon? Hindi ko alam kung may thrill pa ‘yun para sa akin. “Sige na, Coraline! Sagot ko na lahat,” pangungulit niya. Napangiwi ako. “May gana ka pang sagutin lahat, e dati mo pa akong hindi binabayaran sa mga utang mo sa pagkain.” Natawa siya. “Gusto mong singilin na kita?” Umirap ako. “Sige na nga.” Nag-thumbs up siya. “

