bc

His Maniac Maid

book_age18+
1.2K
FOLLOW
12.1K
READ
billionaire
dark
love-triangle
family
HE
fated
second chance
powerful
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
lighthearted
serious
office/work place
musclebear
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

"Ang manyak mong babae ka!" singhal ni Lysander Orion Montgomery, nanlilisik ang mga mata habang tinitigan ang babaeng walang hiya niyang personal maid.

Ngunit sa halip na mapahiya o matakot, ngumiti lang si Caroline Winterbourne, ang babaeng laging nagpapainit ng kanyang ulo—at kung minsan, pati na rin ng kanyang katawan. Dahan-dahan siyang lumapit, may mapanuksong ngiti sa mga labi.

"At least sayo lang, Boss," sagot niya, sabay kindat.

Napakuyom ang kamao ni Lysander. Diyos ko, wala na ba talagang kahihiyan ang babaeng ito? Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakatagpo ng isang babae na hindi niya kayang kontrolin—isang babae na kayang laruin siya gamit lang ang matatamis na salita at mapanuksong kilos.

"Caroline," aniya, malalim ang boses at halatang pigil ang galit. "Alam mo bang kung ibang lalaki ang pinaglaruan mo ng ganyan, matagal ka nang nasampal?"

Ngumisi ang babae, tinagilid pa ang ulo na parang hindi tinakot ng kanyang banta. "Eh pero ikaw 'yung boss ko, hindi sila. At saka, hindi mo naman ako masasampal, Lysander."

Napatikom ang bibig niya. Alam niyang tama ito. Hindi niya kailanman magagawang saktan si Caroline. Hindi sa takot siya rito—kung tutuusin, siya ang kinatatakutan ng lahat. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, sa tuwing tinitingnan niya ang malalalim nitong mata at sinasalubong ang mapanuksong ngiti nito, hindi niya magawang lumayo.

Si Caroline Winterbourne. Ang babaeng alam kung paano siya paikutin.

At ang mas nakakainis? Pumapayag siya.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Habang nakaupo si Lysander sa harap ng kanyang desk, binabasa ang ilang documents, naramdaman niyang may sumasagi sa balikat niya. Napakunot ang noo niya. Paglingon niya, si Caroline ay nakayuko, masyadong malapit na ang mukha sa tenga niya. “Sir Lysander,” pabulong na sabi ni Caroline, habang dahan-dahang pinupunasan ang lamesa niya kahit wala namang dumi. “Gusto mo bang punasan ko rin ang... likod mo?” Napangiwi si Lysander. “No need. I'm working.” Ngunit imbes na lumayo, lalo pang yumuko si Caroline, at sinadya pang mas sumandal, halos sumayad na ang kanyang dibdib sa balikat ni Lysander. “Grabe ka naman, Sir. Ang stiff mo. Baka kailangan mo lang ng... kaunting relaxation?” Pilyang ngumiti si Caroline. Napatingin si Lysander sa kontratang nasa desk. Thirty days bago siya makapagsante ng maid. Thirty days! Tumayo si Lysander, umiwas palayo kay Caroline na parang natapakan ang ekor ng isang tigre. “Caroline, just... focus on cleaning.” “Pero malinis na ang kwarto mo, Sir. Baka ikaw naman ang kailangan kong... ayusin?” Bumaba ang tingin ni Caroline sa buttons ng polo ni Lysander. “Wala akong sira.” “Hmm... Hindi mo pa kasi ako sinusubukan.” Nagpipigil ng tawa si Caroline habang nag-pupunas ng hindi na kailangang punasan. Napakamot si Lysander. “You’re not supposed to flirt with your boss.” Nagkibit-balikat si Caroline. “Eh di i-fire mo ako kung ayaw mo.” Lalong sumama ang tingin ni Lysander. “You know I can’t.” Ngumiti si Caroline, mas lalong lumapit. “Then I guess I’ll stay for thirty days, Sir. Let’s make it... interesting.” Napabuntong-hininga si Lysander habang iniisip kung bakit ba siya pumirma sa kontratang ito. Tunayo at naglakad si Lysander papunta sa gilid ng opisina para uminom ng tubig, sinundan siya ng tingin ni Caroline, nakangiti pero pigil na pigil ang tawa. Alam niyang inis na inis na ang kanyang boss pero pilit pa rin nitong pinapairal ang professionalism. Kinuha ni Lysander ang baso at nagsalin ng tubig, halatang nagpipigil ng emosyon. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sinasadya ni Caroline na guluhin siya. Siya pa naman ang tipo ng tao na mahigpit sa trabaho at walang pasensya sa mga walang saysay na bagay. Pagharap niya, naroon na ulit si Caroline, nakasandal sa counter at nag-aabang. Naka-cross pa ang arms at nag-angat ng isang kilay. “Sir, parang stressed ka yata. Siguro kailangan mong umupo at magpahinga. Baka gusto mo akong tabihan sa sofa?” Ngumiti si Caroline, pero sa likod ng maamong ngiti niya, nagpipigil siyang matawa. “I'm fine standing,” sagot ni Lysander na may diin, sabay inom ng tubig. “Wow. Ang tigas talaga ng paninindigan mo, Sir.” Pinagmasdan ni Caroline kung paano mahulog ang ilang patak ng tubig mula sa labi ni Lysander. “Sayang, Sir. Kung ako siguro yan, huhugasan ko pa.” Napakabilis na ibinaba ni Lysander ang baso at dumistansya na parang ang tubig ang may kasalanan. “Enough. Just... do your job.” Lumapit si Caroline at sinadyang hawakan ang braso ni Lysander, mahina pero sapat para maramdaman niya. “But Sir... I am doing my job. Sinisigurado ko lang na maayos ka. Ayoko naman ng boss na laging stressed.” Napatitig si Lysander sa kamay ni Caroline na nasa braso niya. Hindi niya alam kung magagalit o tatawa. Pero pinili niyang mag-inhale ng malalim. “Caroline, if you keep this up... I might reconsider that contract.” Napapikit si Caroline at napailing, kunwaring disappointed. “Tsk, tsk. Ang seryoso mo talaga, Sir. Kaya siguro walang girlfriend.” “Paano mo—” “Sabi nila sa mga tao sa baba.” Humagikhik si Caroline. “Ang sabi nila, ikaw daw yung tipong paborito ng matatandang chairman pero takot sa mga babaeng katulad ko.” Napataas ang kilay ni Lysander. “I am not—” Lumapit ulit si Caroline, halos magdikit na ulit ang katawan nila. “Takot ka nga.” Napailing si Lysander, bumalik sa lamesa at tumingin sa kontrata. Twenty-nine days to go. Samantalang si Caroline, abala sa pagpupunas ulit sa paligid, pero sa loob-loob niya, tuwang-tuwa siya. Alam niyang enjoy siya sa larong ito—teasing the untouchable CEO.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook