His Maniac MaidUpdated at Mar 28, 2025, 17:38
"Ang manyak mong babae ka!" singhal ni Lysander Orion Montgomery, nanlilisik ang mga mata habang tinitigan ang babaeng walang hiya niyang personal maid.
Ngunit sa halip na mapahiya o matakot, ngumiti lang si Caroline Winterbourne, ang babaeng laging nagpapainit ng kanyang ulo—at kung minsan, pati na rin ng kanyang katawan. Dahan-dahan siyang lumapit, may mapanuksong ngiti sa mga labi.
"At least sayo lang, Boss," sagot niya, sabay kindat.
Napakuyom ang kamao ni Lysander. Diyos ko, wala na ba talagang kahihiyan ang babaeng ito? Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakatagpo ng isang babae na hindi niya kayang kontrolin—isang babae na kayang laruin siya gamit lang ang matatamis na salita at mapanuksong kilos.
"Caroline," aniya, malalim ang boses at halatang pigil ang galit. "Alam mo bang kung ibang lalaki ang pinaglaruan mo ng ganyan, matagal ka nang nasampal?"
Ngumisi ang babae, tinagilid pa ang ulo na parang hindi tinakot ng kanyang banta. "Eh pero ikaw 'yung boss ko, hindi sila. At saka, hindi mo naman ako masasampal, Lysander."
Napatikom ang bibig niya. Alam niyang tama ito. Hindi niya kailanman magagawang saktan si Caroline. Hindi sa takot siya rito—kung tutuusin, siya ang kinatatakutan ng lahat. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, sa tuwing tinitingnan niya ang malalalim nitong mata at sinasalubong ang mapanuksong ngiti nito, hindi niya magawang lumayo.
Si Caroline Winterbourne. Ang babaeng alam kung paano siya paikutin.
At ang mas nakakainis? Pumapayag siya.