KABANATA 1
NOSGEL SEDRUOL POINT OF VIEW
First day ko sa trabaho. Fresh. Glowing. Full of hope. Para akong contestant sa reality show na hindi pa nadudurog ng sistema. Naka-cream blouse ako na may pa-puff sleeve, slacks na pinlantsa ko ng tatlong beses, at heels na tinabi ko sa loob ng dalawang taon. Sa elevator pa lang, sinasabi ko na sa sarili ko: This is it. Big girl era na ako.
Monteclaro Group. Pangarap ng maraming tao. Multinational. May pantry na may free coffee. May HR na hindi multo. At higit sa lahat—may sahod na hindi masakit sa pride.
Pero habang tumataas ang elevator, may gumagapang na kaba sa batok ko. Para akong inaatake ng espiritu ng mga taong burned out. Relax, Nosgel. First day lang ‘to. Smile. Be charming. Wag mong ipakita na natutunaw ka sa kaba.
Paglabas ko ng elevator, diretso ako sa reception. “Hi, I’m Nosgel Sedruol. First day po,” sabi ko with my best friendly voice. Pero parang hindi ako narinig ng receptionist. Busy siya sa pagta-type. Walang tingin. Walang ngiti. Tinuro lang niya ang HR office gamit ang pinky finger. Pinky finger, bes. Okay, noted. Culture.
Pagdating sa HR, sinalubong ako ni Miss Jilly—na mas mukhang t****k content creator kesa HR. “Nosgeeeel! You’re finally here! Omaygad, I stalked your LinkedIn! Your Canva résumé was cute! Gusto ko ng ganun!”
Napangiti ako kahit awkward. “Thank you po.”
“‘Wag ka na mag-po. Kaloka ka. Dito, follow me! Room tour ka muna, then ipapakilala kita sa boss natin.”
Boss. Napalunok ako. Aethan Monteclaro. CEO. Legend. Kilala sa buong industriya. Genius daw. Strategic. Cutthroat. Hot. As in tipong ginawan ng thread sa Twitter ng mga HR interns: “10 Times Aethan Monteclaro Looked Like He’ll Ruin Your Life Professionally and Romantically.”
Pero sabi nila, masungit. Hindi tumatawa. At may third eye daw. Isa raw siya sa dahilan kung bakit may dumedemonyo sa mga tao sa office pag may deadline.
Habang nagro-room tour si Jilly, nakikinig lang ako pero half-present. Ang totoo, busy ako mentally mag-practice ng facial expression na neutral but not dead. Interested but not desperate. Friendly but not flirty. Kailangan ko ng steady na trabaho. I can’t screw this up.
Pagbukas namin ng huling pinto, napahinto si Jilly. “Ay, wait. Wait. WAIT. Nandito siya. Be very professional. And holy. And productive-looking.”
Bago pa ako makatanong kung sino ang “siya,” binuksan na ni Jilly ang pinto.
At doon ko siya unang nakita.
Aethan Virell Monteclaro. Nakaupo sa dulo ng long mahogany table, naka-dark navy suit, sleeves rolled up, one hand holding a pen, the other fixing his watch. May hawig siya kay Lucifer—yung nasa Netflix, hindi yung sa Biblia. Pero mas intense. Mas… mapanganib.
Nagtaas siya ng tingin.
At literal na napatigil ang mundo ko.
“New hire?” tanong niya, malamig ang boses na parang AC na nakaset sa 16 degrees.
“Yes po, CEO sir,” sagot ni Jilly, sabay tulak sa likod ko as if I’m a sacrificial lamb.
Tumayo siya. Tumayo rin ang self-doubt ko. Ang height niya mga 6’2, built like he does stress workouts for fun. Lumingon siya sa akin at lumapit.
Ako? Nakatayo lang. Smile pa rin, pero naninigas ang batok. Wag kang kumurap, Nosgel. This is just intimidation. You are a queen. You are capable. Hindi ka iiyak on day one.
He stopped one foot away from me. Tumingin sa name tag ko. “Sedruol.”
“Yes, sir.”
“Resume mo, impressive. Ang dami mong extracurriculars. Debater, org president, volunteer sa shelter… Bakit ka andito?”
Napakagat ako ng labi. That’s a good question, sir. Kasi wala akong pera. Kasi kailangan ko ng health card. Kasi kapag hindi ako nagtrabaho ngayon, baka tuluyan na akong maging professional tambay.
Pero syempre, iba ang sinabi ko. “Because I believe Monteclaro Group will challenge and help me grow.”
“Generic,” sabi niya, sabay balik sa upuan. “Let’s see how long you’ll last.”
Tumawa si Jilly nervously. “She will, sir! Matibay ‘yan. Like cockroach levels!”
Hindi ako sure kung insulto ba ‘yun o compliment, pero I nodded anyway.
“Okay,” sabi ni Aethan habang bumabalik sa paperwork niya. “Welcome to hell.”
At ‘yun. ‘Yun ang welcome speech ko. Walang balloons. Walang “we’re so excited to have you.” Wala. Just Welcome to hell.
Paglabas ko ng office niya, tulala ako. Parang sinuntok ako ng aura niya. Hindi ko alam kung anong mas matindi—yung tingin niyang parang scanner o yung boses niyang parang puwedeng gamitin sa exorcism.
“Girl,” sabi ni Jilly, hinihila ako papunta sa pantry. “Don’t take it personally. Ganyan talaga siya. Even sa board of directors. Ice king ‘yan. But don’t worry, sa loob ng tatlong buwan, masasanay ka rin sa fear.”
Sa pantry, binigyan niya ako ng kape. “First day mo pa lang, I’m giving you the survival tips. Rule one: never breathe too loud around him. Rule two: pag pinatawag ka niya, always bring a pen and your dignity. Rule three: ‘wag kang umiyak sa CR, maraming CCTV.”
Tumawa ako kahit gusto kong umuwi na. Tangina. First day pa lang, gusto ko nang mag-resign.
Pero siyempre, hindi puwede. Kailangan kong magtagal. Gusto ko ‘to. Pinangarap ko ‘to. Besides, hindi naman ako madali ma-intimidate.
“Okay lang ako,” sabi ko habang iniinom ang kape. “Challenge accepted.”
Kinabukasan, alas-otso pa lang, may email na galing kay CEO Devil.
Subject: 42 Tasks Before Lunch.
Oh wow, sabi ng utak ko. Level-up version of 12 Labors of Hercules.
Pero hindi ako nagpatalo. Ginawa ko lahat. Pinasa ko before 11:30. Nagbubunyi ang kaluluwa ko. I can do this. I am powerful.
Alas-dose kinse, may bago na namang email.
Subject: Why Is This Font Size 11?
Tangina talaga.
Sa tatlong araw pa lang ng trabaho, alam ko na: Aethan Monteclaro is not a man. He is an omen. A walking HR violation in a suit. Pero kahit gano’n, there’s something weird about him. Yung tipong gusto mong suntukin, pero curious ka kung anong trauma niya.
Kaya habang nakatingin ako sa monitor, pinagmamasdan ang inbox ko na punong-puno ng "URGENT" subject lines, isang thought lang ang tumatakbo sa isip ko.
Kung mabangga kaya siya ng truck, may mangyayari?
Hindi ko alam na 'yun ang magiging simula ng lahat.