LYSANDER POINT OF VIEW Walang kaabog-abog kong sinarado ang pinto ng opisina ko nang makarating ako rito. Napahawak ako sa sintido ko, pilit hinahapunan ng sagot ang sarili kong nararamdaman. Hindi ko alam kung galit ako, inis, o may ibang emosyon akong hindi pa kayang pangalanan. Bakit ko ba pinakikialaman si Caroline? Bakit ba ako naiinis kapag nakikita ko siyang nakikipag-usap kay Owen? Hindi naman sa— Napatigil ako sa iniisip ko nang marinig ko ang tawanan mula sa kabilang pader. Napatingala ako. Alam kong malapit lang dito ang opisina ni Owen, pero hindi ko inakalang magiging ganito kalakas ang boses nila. “You’re so annoying, Owen! Huwag mo akong ginaganyan!” narinig kong sabi ni Caroline, kasunod ang malakas niyang halakhak. “Oh, come on, Coraline. You love my jokes,” sagot n

