HAZEL POINT OF VIEW Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yon. Nakatayo ako sa gilid ng isang pader sa hallway ng MontCorp, nagmamasid habang ang mga empleyado ay abala sa kani-kanilang gawain. Ngunit hindi sila ang tunay na pakay ko. Ang babaeng ‘yon. Si Coraline. Sa kabila ng pagiging personal maid lang ni Lysander, bigla na lang siyang naging sentro ng atensyon ng mga tao sa paligid. Palaging nasa opisina ng boss, laging malapit sa kanya, at ngayon, pati si Owen—ang matagal nang secretary ni Lysander—ay mukhang naaaliw na rin sa kanya. Hindi ko matatanggap ‘to. Alam kong matagal na akong walang pag-asa kay Lysander, pero hindi ibig sabihin na basta ko na lang hahayaang may babaeng umangat nang ganito kabilis—lalo na kung ang gamit niya ay ang itsura lang niya. Naglakad ako papu

