Prologue
Prologue
-Mercy-
“Kung alam ko lang na sa una palang ay ganito na ang dadanasin ko sayo, hindi ko na sana inasam na magkita pa tayong dalawa at sabihing magkakaanak na tayo, dahil isang kang demonyo? Wala kang awa na saktan ako kahit pa alam mong buntis ako? Ikaw ang demonyong nakilala ko dito sa lupa, sagad hanggang buto ang kasamaan mo, Enzo?” May diin at galit kong sambit sa lalakeng nasa aking harapan ngayon at kakatapos lang din nitong magpaaros sa aking katawan na kahit hindi ko gusto ay wala naman ako magagawa dahil sa pag-aari na daw ako nito. Kitang-kita nito ang hahubaran ko at marami rin ang pasa ko sa aking katawan na hindi ko na rin maramdaman dahil sa lamog na rin naman ang bawat parte nito. Wala na rin ako maipagmamalaki pa sa lalakeng ito na walang sawang inangkit ang buo kong pagkatao at maging alipin nito hangga’t kaylan nito gusto.
“Dapat inisip mo yan noon, nang sag anon wala ka ngayon sa poder ko, babae? At saka hindi pa naman ako sigurdo kung anak ko nga yang nasa sinapupunan mo? Kaya dapat din ay simulan mo ng manalangin, dahil kapag napatunayan kong hindi sa akin ang batang yan sabay kayo ng anak mo na mamatay sa harapan ko at walang magagawa yang iyak mo, kahit pa lumuha ka ng dugo ay hindi ko magagawang maawa sa isang tulad mong madumi sa paningin ko.” Madilim at nakakatakot nitong sambit sa akin at saka nito hinawakan ng mahigpit ang baba ko na ikinadugo na rin ng ngipin ko dahil sa sobrang gigil nito sa akin. Matalim ang naging tingin ko dito habang nalalasahan ko ang dugo na nang gagaling sa mismong bibig ko. Ngayon ko lang talaga napatunayan na walang puso ang h*yop na ‘to dahil kaya nitong manakit ng inosenteng tao na tulad ko at ng aking anak.
“Alam mo rin bang nasa loob ng bakuran ko ang lahat ng babaeng pinatay ko dahil sa kanilang mga kasinungalingan ng sabihin nilang anak ko ang kanilang nasa tiyan, hindi ako mangingiling na tanggalan ng buhay ang lahat ng taong lolokohin at kakalabanin ko. At kahit ayokong mangyari sayo iyon ay wala akong magagawa dahil batas ko lang ang pwdeng masunod sa buong lugar na’to. Ako lang ang boss at walang sino man ang gustong sumuway sa utos ko sa akin, dahil maaga nilang makikila ang tunay kong kademonyohan oras na gawin nila yon.” Salita nito at saka naman ako pabalyang binitiwan, tumulo pa ang dugo sa sahig at ikinadaing ko pa ang pagsabunot nito sa akin ngayon na pilit ko naman pinipigilan. Hindi ko na rin makilala ang aking sarili dahil nababalot na rin ako ng takot at matingding kalungkutan dahil sa mga pinagdaraan ko sa kamay ng isang Enzo De Lana.
“Pwde ba, pakawalan mo na lang ako? Gusto ko pang mabuhay… kaming mag-ina at kung ayaw mo sa anak ko ay hindi na ako maghahabol pa sayo pakiusap Enzo. Hayaan mo kaming maranasan ang mabuhay ng tahimik?” Aniko dito at saka tuluyang tumulo ang aking luha at iniiwasan ko ring tumingin dito dahil alam kong mas magagalit lang ito sa aking sinabi. Hindi ko na rin alam kung paano pa ako hihinga sa harapan nito ng bigla naman nitong kagatin at sipsipin ang balat ko sa leeg na ikinangiwi ko dahil sa ramdam ko ang ngipin nitong bumabaon don.
“Tulad ng sabi ko babae, ako lang ang batas dito at utos ko lang ang masusunod. Wala akong pakialam sa kung mamatay ka man ngayon dito, dapat kasi inalam mo muna ang tungkol sa akin bago ka bumuo ng desisyon na makita ako? Ako ang tipo ng taong hindi pinakakawalan ang isang tao lalo na kung may pakinabang pa ito sa akin, at alam mo bang nag-eenjoy pa ako sayo kahit pa alam kong labag yan sa kalooban mo, babae. Pero wala akong pakialam don dahil akin ka lang at walang sino man ang makakapagpabago noon, maging ang gusto kong palagi kang nakukuha ay walang makakapigil sa akin, tandaan mo yan.” Sambit nito at saka ako napadapa sa sahig ng bigla nitong binitiwan ang buhok ko at saka naman ako tinignan ng masama at tuluyan na rin ako nito iniwan sa loob ng kuwarto na yon, kung saan ay naging kulungan ko na rin naman ng ilang araw na pananaliti ko sa mansion nito.
Wala naman ako nagawa kung di ang yakapin ang aking sarili at magdasal habang patuloy sa pagluha. Alam kong wala rin naman dapat sisihin kung di ang aking sarili dahil sa pagmamatigas kong makita at makilala ito. Nagawa kong puntahan ito sa mismong lugar kung saan ito naglalagi at para sabihin dito na magkakaanak na rin kami. Nguni’t iyon na yata ang maling desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko dahil sa nakilala ko ang kamag-anak ni Lucifer sa lupa at ito at si Enzo De Lana. Isang mafia boss na sukdulan ang kasamaan, sagal hanggang buto ang kaitiman ng ugali nito at mukhang matagal din ang magiging buhay ng b*liw na yon dahil sa malakas ito kay Satanas.
Malamig ang buong paligid at dama ko iyon dahil sa walang kahit na anong saplot ang aking katawan kung di ang isang puting kumot na may dugo na rin dahil sa bawat pang-angkin nito sa akin at nasasaktan din ako nito na pilit ko lang din tinitiis dahil sa gusto ko pa rin naman mabuhay kahit na papaano. Napahimas pa ako sa maliit na umbok ng aking tiyan at dinama ko ang pagpintig nito kahit pa mahina iyon.
“Anak, lalaban si Mama para sa’yo. Kahit anong paghihirap ang gawin ng ama mo para sa akin ay titiisin ko basta mabuhay ka lang. Kahit na hindi ako tanggapin ng ama mo ay ayos lang din naman sa akin ang mahalaga ay kaya ka n’yang bigyan ng pangalan na karapat dapat sayo, Anak. Mahal na mahal kita alam kong hindi mo pa ako naririnig o nauunawaan, pero gusto pa rin sabihin sayo na masayang-masaya ako dahil alam dumating ka sa buhay ko.” Tinig na nagmumula sa aking isipan hanggang sa dalawin na rin ako ng antok at wala akong lakas ng loob para magbihis pa kaya naman binalot ko na lang muna ang aking katawan ng kumot ng sa ganoon at kahit papaano ay maitago ko ang aking kahubaran at pagdurusa.
Ilang beses pang tumulo ang aking luha hanggang sa nilamon na rin ako ng antok at pagod na aking nararamdaman ngayon. Mali man ang lahat ngayon ay alam kong darating ang araw na magiging tama rin ito at sa tamang panahon.