-Mercy- “Sir?” Patanong kong tawag sa ama ni Enzo na naktalikod sa akin at nakaharap sa malaking binatan ngayon dito sa may sala. Binaba ko rin si Miracle sa crib nito na andito sa may sala at ng makausap ko ng maayos ang aming bisita. Lumingon ito at makahulugan akong tinignan na animoy kinikilala ang buo kong pagaktao at inaalam ang lahat ng tungkol sa akin. “Tulad ng sabi ko sayo kanina, h’wag kang matakot dahil hindi ako magiging kaaway dito.” Darecho nitong sabi sa akin at naupo ng parang hari sa isang bangko na nakapaharap sa akin. “Ang alam ko nagkita na tayong dalawa dati noong pumunta sa mismong hide out ko at lakas loob sabihin na nabuntis ka ng anak kong si Enzo? Pero ngayon para hind imo naman ako nakikilala?” Tanong nito at saka sumulyap kay Miracle na naglalaro naman sa k

