-Enzo- Nang mga lumipas na araw ay naging maayos naman ang lahat sa pamumuno ko at kahit na anong gawin kong kalimot sa aking napaginipan ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga pangitain na yon. Subalit alam kong kaya ko naman silang lahat pangalagaan dahil sa mga tauhan kong maaasahan sa lahat ng oras, sa lawak ng aming pamilya alam kong walang sino man ang manghahangas na sumuway sa aking utos. “Boss, naiayos na po namin ang lahat at may isang bagay po pala kayong dapat na malaman.” Salita ni Dave sa akin habang ito naman ay napapalinga sa paligid. Kumunot naman ang aking noo dahil sa kinikilos nitong hindi ko nagugustuhan. “Sabihin muna at ayokong nakikita na mukha kang asong hindi makapanganak yan.” Inis at pagalit ko na ring sagot dito. “Nais po kayong makita ng kaibigan n

