-Mercy- “Anak, pwde ba kitang makakausap may nais lang akong malaman sayo kung ayos lang?” Panimula ko dito na ikinalingon naman nito sa akin. “Opo, Nanay ano po iyon?” Magalang nitong tanong sa akin at saka ito tumingin ng may pagtataka. “Pwde ko pang malaman kung bakit hindi mo sinabi sa akin na kailangan mong pumunta sa school ay masusuot ng magandang damit at isa pa kailangan kitang samahan ngayon? Alam kong may dahilan ka at iyon ang gusto kong malaman ngayon, anak?” Paliwanag kong tanong dito na ikinatahimik naman nito sandali. “Hindi ko po sinabi dahil ayokong pumta tayo doon, Nanay. Wala rin naman po ako matututunan dahil puro lang yon kasiyahan na hindi ko gusto. Ang paraalan para sa akin ay isang lugar kung saan pwde akong matuto sa maraming bagay at hindi para sa makihalubil

