-Enzo- “Dude, kanina pa tayo dito pero hindi ka naman umiinom? Hindi ka rin kumukuha ng babae para landiin? Ano ba talaga ng problema at mukhang nagbabago na ang kaibigan kong ipinaglihi sa kama.?” Natatawang tanong sa akin ni Dante na isa ring businessman at matinik din sa babae. “Ewan ko para nawala ung lahat ng gana ko sa babae at sa alak simula ng makita kong lumalaki si Miracle.” Seryoso kong sagot dito na ikinatingin naman nito sa akin ng malalim. “Wait, Miracle that’s you daughter, right?” Turan nito sa akin na ikinatango ko naman dito. “Si Yvette kasi sinabing maaaring magmana sa akin ang magiging anak ko kung hindi ako titigil sa pagiging malupit ko sa ina nito.” Paliwanag ko na ikinatawa naman nito ng malakas. “G*go ka dude…. Talagang sayo magmamana ang anak mo dahil ikaw an

