CHAPTER FOUR

3070 Words
BAHAGYA nang nananakit ang dalawang braso ni Carlene habang papalabas siya ng mall. Sa dami ba naman ng paper bags na nakasabit doon at talagang mananakit iyon. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi siya nagsama ng kasambahay o kahit driver man lang para naman may nagbibitbit ng mga pinamili niya. Wala naman siyang choice kundi bitbitin ang mga iyon dahil mag-isa lang siya. Pero kahit nahihirapan na siya ay hindi pa rin dapat siya nawawalan ng poise. Taas-noo pa rin siyang naglalakad na akala mo ay isa siyang modelo. Well, isa naman talaga siyang modelo noon. Bago pa dumating sa buhay niya si Samuel. Nabuntis siya nito at dahil sa conservative ang pamilya nila ay nagpakasal sila. Mahal na mahal na niya noon pa man si Samuel. Hanggang sa ika-limang buwan ng kanyang pagdadalantao niya ay nakunan siya. Ayon sa doctor ay stressed daw siya. Ang alam ng pamilya nila ni Samuel ay stressed siya dahil sa first time niyang mabuntis. Lingid sa kaalaman ng mga ito, na-stressed siya ng sobra dahil nahuli niya mismo sa kanilang bahay na nakikipag-s*x si Samuel sa isang babae. Umiyak siya nang umiyak noon. Hindi niya akalain na magagawa sa kanya ni Samuel ang ganoong bagay dahil hindi naman ganoon ang pagkakakilala niya dito. Nasundan pa ang pambabae ni Samuel at hindi na niya mabilang kung ilang ulit siya nitong niloko. Ilang beses din itong nangako na hindi na uulit pero hindi rin naman nito tinutupad. Kung noong una ay umiiyak lang siya ngayon ay hindi na. Nagbago na siya. Binago siya ng ilang beses na panloloko ng kanyang asawa. Natuto siyang lumaban lalo na sa mga kabit ni Samuel. Hanggang sa malaman ng tatay niya ang gawain ng kanyang asawa. Kung gusto daw niya ay patayin na lang nito si Samuel. Ngunit dahil mahal na mahal niya ito at hindi siya makakapayag na mawala ito sa kanya, naisip niya na ang kabit na lang nito ang patayin ng tatay niya. Sa pag-oo lang niya, kinabukasan ay natagpuan nang patay ang kabit ni Samuel ng mga panahon na iyon. Ipinag-utos lang ng tatay niya ang lahat dahil marami itong koneksyon. Nag-aral na rin siyang gumamit ng baril bilang panindak sa kabit ni Samuel. Na naging epektibo naman dahil kapag tinututukan lang niya ng baril ang nagiging kabit nito ay natatakot at tumitiklop agad. Sa lahat ng naging kabit ni Samuel ay sa isa lang talaga siya nahirapan. Kay Mariza. Naramdaman niya kasi na mahal talaga ito ng asawa niya. Natakot lang si Samuel dahil nagbanta siya na kapag nalaman niyang may kabit na naman ito ay papatayin na niya mismo ang babaeng iyon. Hindi alam ni Samuel ng panahon na iyon na alam na niya ang tungkol kay Mariza at nang hindi na siya makapagpigil ay isiniwalat na niya ang lahat. Pinapili niya si Samuel kung buhay ng kabit niya o hihiwalayan nito iyon. Pinili ni Samuel na hiwalayan si Mariza. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatay niya si Mariza. Ang krimen na nagawa niya ay napagtakpa ng tatay niya dahil sa koneksyon at kapangyarihan nito sa batas. Ang pangyayari rin na iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na kapag may naging kabit pa si Samuel ay siya na mismo talaga ang papatay! Ngayon pa ba niya isusuko si Samuel kung kailan ang dami na niyang pinagdaanan dahil dito? Hindi na uso sa kanya iyong legal wife na umiiyak-iyak lang kapag may kabit ang asawa nito. Lumalaban siya, pumapalag at pumapatay! Nakalabas na rin si Carlene ng mall sa wakas. Kailangan pa niyang maglakad ulit sa parking lot. Gusto na niyang makauwi para ma-check nang maayos ang pinamili niya. Ang pagsho-shopping kasi ang isa sa stress reliever niya. Stressed na naman kasi siya dahil malakas ang pakiramdam niya na may kabit na naman ang asawa niya. Iyon nga lang, hindi pa niya kilala kung sino. Sigurado naman na sooner or later ay makikilala rin niya ang bago nitong babae. Siya pa ba? Hindi na niya kailangan ng investigator na palaging nakasunod sa asawa niya. May sarili siyang paraan. Isa pa, iba pa rin sa pakiramdam niya na siya mismo ang nakakaalam kung sino ang kabit nito. May hinala na naman siya kung sino ang kabit ni Samuel ngayon. Iyong babae sa perfume store. Ngunit hindi pa siya sigurado. Saka na siya kikilos kapag one hundred percent sure na siya. “Finally!” bulalas niya nang marating na niya ang kanyang kotse. Pagkapasok niya doon ay agad niyang binuksan ang aircon dahil medyo maalinsangan ang hangin. Pagkabuhay niya ng makina ng sasakyan ay tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kanyang mamahaling shoulder bag. Isang e-mail ang kanyang natanggap. “Surprise…” Mahinang basa niya sa subject ng e-mail. Mula iyon sa isang e-mail address na ngayon lang niya nakita. In-open niya ang e-mail at isang video attachment lang ang laman niyon. Di-nownload pa niya iyon para lang mapanood. Sigurado naman siya na hindi iyon spam or virus dahil may spam and virus protection ang kanyang e-mail. Matapos ma-download ang video ay agad iyong pinanood ni Carlene. Pakiramdam niya ay paulit-ulit na pinagsasaksak ng matatalim na kutsilyo ang kanyang dibdib dahil sa video na iyon. Sa video kasi ay nakikipagtalik si Samuel sa isang babae. Kitang-kita niya ang mukha ni Samuel. Pero iyong babae ay nakatalikod kaya hindi niya makita ang mukha nito. Tila sinadya na hindi makita iyong babae. Halata rin na in-edit ang video dahil may mga nag-i-skip na galaw. Ibinalik niya sa kanyang shoulder bag ang cellphone dahil baka doon pa niya maibaling ang galit na lumulukob sa kanya ng sandaling iyon. Mahigpit siyang napahawak sa manibela. Ngayon ay sigurado na siya na may kabit na naman ang asawa niya! “Malas mo lang na kabit ka!” gigil na turan niya. Iba ang galit niya dahil malakas ang kutob niya na ang nag-send ng video na iyon ay ang babae ng asawa niya. Imposibleng si Samuel ang gumawa niyon. Hindi nito ikakanulo ang sarili nito. “Kung mapapatunayan ko na ikaw na kabit ka ang mismong nag-send ng video, humanda ka sa akin!” Isang matalim na tingin ang pinakawalan niya habang nakatiningin sa kanyang reflection sa side mirror. -----ooo----- MALAKI ang ngiti ni Samuel habang paakyat siya sa kwarto nila ni Carlene. Kakauwi lang niya sa bahay nila. Matapos ang kanyang trabaho sa kanilang opisina ay pinuntahan niya si Tisay sa bahay na ibinigay niya dito. Personal niyang iniabot dito ang perang hinihingi nito. Nasa office siya nang tumawag ito para humingi ng panggastos nito. Anito, wala na raw itong pera. Wala lang naman sa kanya ang bigyan ng pera si Tisay. Napapasaya naman siya nito at napapaligaya ng sobra-sobra sa kama. Iyong mga bagay na hindi nagagawa ni Carlene bilang asawa niya ay si Tisay ang gumagawa. Kakaiba talaga si Tisay sa lahat ng naging kabit niya. Minasahe pa siya ni Tisay kanina kaya naman masaya siyang umuwi. Pagpasok niya ng kwarto nila ni Carlene ay nagulat siya nang maabutan niya na nakatayo ito sa glass wall at nakatanaw sa labas. May hawak itong kopita na may laman na alak. Nakapatong sa side table ng kama ang bote ng alak na halos kalahati na lang ang laman. Ibig sabihin ay marami na itong nainom. Ano naman kaya ang problema nito at nagpapakalasing ito? Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya alam na nito ang tungkol kay Tisay? Paano nito nalaman? Sigurado siya na doble-ingat ang ginagawa niya para lang hindi malaman ni Carlene ang tungkol kay Tisay. Ilang beses nang pinapatay nito ang kabit at isang beses na ito mismo ang pumatay. Hindi malayong mangyari rin iyon kay Tisay kapag nagkataon! Mas kailangan niyang hindi ipahalata dito na may kabit siya. Nilapitan niya si Carlene at mula sa likuran nito ay niyakap niya ito. Hinawi niya ang buhok nito at nang ma-expose ang batok nito ay binigyan niya iyon ng maliliit na halik. “I’m home… Bakit naman nag-iinom ka? Are you celebrating something?” aniya. Naiiritang inalis ni Carlene ang kamay niya dito at humarap sa kanya. Hahalikan sana niya ito pero iniiwas nito ang mukha. “Don’t you dare! 'Wag na 'wag mo akong hahalikan using that lips!” Dinuro pa siya nito. “Bakit na naman? You’re drunk. Tama na iyan, Carlene.” Aagawin niya sana ang hawak nitong kopita nang ibato nito iyon sa sahig. Nabasag iyon at kumalat ang bubog. “Carlene! Ano na naman ba?!” sigaw niya dito. “Ano na naman? Ano na naman?!” sigaw din nito sa kanya. Kitang-kita ang galit sa maganda nitong mukha. “Ikaw na naman, Samuel! May kabit ka na naman!” “Kabit? Saan mo naman nasagap ang kasinungalingan na iyan?” Tumalikod siya dito dahil baka mabasa nito sa kanyang mukha na guilty siya. Lumipat si Carlene sa harapan niya. Iniiwas niya ang kanyang mata sa mata nito nang tingnan siya nito. “Kasinungalingan ba ito?!” Inilabas nito ang cellphone nito at isang video ang ipinakita sa kanya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mapanood niya ang kanyang sarili doon habang nakikipagtalik kay Tisay. Alam niyang si Tisay iyon dahil sa kwarto sa bahay nito kinunan ang video. Kahit hindi niya nakikita ang kanyang sarili ay alam niyang sobrang putla na niya. Paano pa niya itatanggi ang bagay na iyon kung halatang-halata na siya ang lalaki sa video? Ang ipinagtataka lang niya ay kung paano iyon nakunan at sino ang kumuha? “Ano, Samuel? Hindi ka na nakapagsalita! Hindi na ba gumagana ang utak mo para makabuo ng palusot?!” Ibinato ni Carlene ang cellphone sa ibaba ng kama. “Hayop ka talaga! Hayop ka! Baboy!” Pagwawala nito habang binabayo ng paulit-ulit ang kanyang dibdib. Inawat niya ito. Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay. “Tama na! Kanino mo nakuha ang video na 'yon?” tanong pa niya. “Hindi na importante kung sino! Ang importante ay alam kong niloloko mo na naman ako!” Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito sa kanyang pisngi. “Ilang beses na kitang pinagbibigyan, Samuel! Puro ka pangako na lahat naman ay napako!” Napatiim-bagang si Samuel. “Maghiwalay na lang tayo…” aniya habang nakayuko. Malakas na tumawa si Carlene. “Sa tingin mo ba ay papayag ako na makipaghiwalay ka sa akin?! Hell no! Para ano? Para maging malaya kayo ng kabit mo?! Hindi, Samule! You’re mine! Even if you’re a f*****g cheater, you are mine! At humanda sa akin ang kabit mong 'yan. Oras na makilala ko kung sino 'yan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!” May halong pagbabanta nito. Pagkasabi niyon ni Carlene ay malalaki ang hakbang na lumabas ito ng silid na iyon. Parang tinakasan ng lakas na napaupo na lang sa gilid ng kama si Samuel nang wala na si Carlene. Napabuga siya ng hangin sa sobrang tensiyon na kanyang nararamdaman. Iniisip niya pa rin kung sino ang nagvideo niyon. Baka naman may inupahang tao si Carlene at iyon ang nag-video. Pero kung ganoon, bakit hindi pa nito alam na si Tisay ang kabit niya? Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok nang wala siyang makuhang kasagutan. “Ang importante ay hindi pa rin alam ni Carlene na si Tisay ang kabit ko. At kailangang hindi niya malaman iyon…” bulong niya habang nakatingin sa kawalan. Gagawin niya ang lahat para hindi malaman ni Carlene na si Tisay ang bago niyang babae. Mukhang kailangan na rin niyang kausapin si Tisay. -----ooo----- “WOW! Seryoso? Binigyan ka ni Samuel ng one hundred thousand pesos?!” Napatawa si Tisay sa reaksyon ni Mikka nang sabihin niya dito kung magkano ang ibinigay sa kanya ni Samuel nitong huli. Nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala. Kasalukuyan silang nasa coffee shop sa loob ng isang mall. Sabado ng araw na iyon at kapwa sila walang pasok kaya nakalabas sila ng magkasama. “True! Bukod pa doon iyong sinabi ko na pang-shopping ko. Saka ano bang nakakagulat doon? Mayaman naman siya, 'no. Sobrang yaman! Barya na lang sa kanya iyon. At 'eto pa, bibigyan pa niya ako ng credit card para daw kapag may gusto akong bilhin at wala siya ay mabibili ko. Ang taray, 'di ba?” “Ang taray mo talaga! Saan ba ako makakahanap ng katulad ni Samuel? Baka naman may kilala ka pa, ipakilala mo naman ako, Tisay!” biro nito sa kanya. “Pero, hindi ba kalabisan na 'yong pati credit card ay bigyan ka niya?” “Ano ka ba? Kulang pa 'yon. Kulang na kulang pa,” aniya sabay inom ng kape. “Anong ibig mong sabihin na kulang pa?” “Wala! Tapusin na nga natin itong pagkakape natin para makapapag-shopping na tayo.” “Oo nga pala. Nag-promise ka sa akin na ipag-sho-shopping mo ako kapalit no’ng pagkuha ko ng video niyo ni Samuel.” “Ano ka ba? 'Wag ka ngang maingay at baka may makarinig sa iyo!” Pasimpleng iginala ni Tisay ang mata niya sa paligid. Mahirap na at baka may kakilala doon si Samuel. “Kaya nga bilisan na natin dito.” Agad na tinapos nila ni Mikka ang pagkakape. Nagpahinga lang sila ng kaunting minuto at nilisan na nila ang coffee shop. Una nilang pinuntahan ang mga tindahan ng sapatos. Bumili sila ng tig-dalawang pares. Isang sneakers at isang may mataas na takong. Ang sunod nilang pinuntahan ay ang mga damit. Doon ay marami-rami silang nabili. Lahat ng nagustuhan nila ay binili nila nang hindi na tinitingnan kung magkano iyon. “Grabe ka talaga, Tisay! Mabuti na lang talaga at naging kaibigan kita. Ang galante mo pala kapag may pera ka,” palatak nito. “Alam ko naman na totoong kaibigan ka, e. Saka hindi ko naman pera itong ginagastos natin. Kung sa akin ito, asa ka pa na ilibre kita!” Natatawa niyang sabi. “Sa mga bags naman tayo. Gusto kong bumili ng pangmalakasan na bag.” “Tama ka diyan. Dapat ang bilhin mong bag ay iyong pwedeng pang-self defense.” “Ha? Bakit naman?” “Aba, para kapag sinugod ka ng asawa ni Samuel, may maganda kang panghampas sa mukha!” anito sabay tawa. Pabiro siyang umirap kay Mikka. “Kaya kong lumaban kahit walang armas. Ito lang ang katapat niya!” Ikinuyom niya ang isang kamao at ipinakita iyon sa kaibigan. Hinila na ni Tisay si Mikka sa isang store ng bag na mamahalin. Pagkapasok na pagkapasok niya dito ay may nagustuhan agad siyang handbag. Kulay pula iyon at kumikinang-kinang pa. Agad niya iyong nilapitan at tiningnan ang presyo. “Twenty five thousand nine hundred ninety-nine? Kayang-kaya!” aniya. Kukunin na sana niya ang handbag nang may isang kamay na humawak din doon. Nagulat siya nang makilala ang humawak sa bag na nagustuhan niya. Si Carlene. Wala nang iba! Ang nangyari tuloy ay parehas silang nakahawak sa hawakan ng handbag at tila nag-aagawa. Nagtama ang mga mata nila. Tumaas ang isang kilay ni Carlene habang siya ay kalmado lang. “Akin na ito. Bibilhin ko na.” Isang pekeng ngiti ang isinunod niya sa kanyang sinabi. “Actually, nauna ako sa bag na ito. Bibilhin ko na rin ito kaya lang I just check something.” Walang kangiti-ngiti ang mukha ni Carlene. Tila nais nitong makipagtarayan sa kanya. “'Ayon naman pala. Iniwan mo. Pinabayaan mo kaya nakuha ko… itong bag. And besides, hindi porket ikaw ang nauna ay sa iyo na. Pwedeng maagaw sa iyo.” “Bakit? Isa ka ba sa mga mang-aagaw, ha?” “Hindi ko intensyon na agawin. Akala ko kasi walang may-ari.” “Let go of my bag, miss!” Mariing turan ni Carlene. “Hindi mo pa nababayaran kaya wala pang may-ari ng bag na ito.” Hanggang sa isang saleslady ang tinawag ni Carlene na agad naman na nilapitan sila. “Miss, pakisabi nga sa babaeng iyan na ako na ang nauna sa bag na ito.” Sa kanya nakatingin si Carlene. Talagang hindi bumababa ang isa nitong kilay. “Iniwan niya, nauna ako. Kaya ako na ang bibili, miss.” Ayaw talagang bitiwan ni Tisay ang bag. Hindi siya magpapatalo sa legal wife ni Samuel. “This is mine!” Kinabig ni Carlene ang bag. “No! Akin ito!” Medyo tumataas na ang boses niya. “Ikaw 'yong sales lady sa perfume store, right? I’m wondering kung paano ka nakaka-afford ng ganitong luxurious bag. Gusto mong ipasilip kita sa BIR?” anito sabay hila sa bag. “'Wag mong minamaliit ang trabaho ko. Isa pa, marami akong sidelines!” Siya naman ang humila. “Oh, really? Alam mo, ipambili mo na lang ng bag sa Greenhills 'yang pera mo para naman malaki ang matipid mo!” At naghilahan na nga silang dalawa sa bag na iyon. Hindi na tuloy malaman ng saleslady ang gagawin nito. Nalilito na ito at natataranta. Hanggang sa mapatid ang hawakan ng bag dahil sa pag-aagawan nila ni Carlene. “Look what have you done!” sigaw nito sa kanya. Doon na hindi nakapagpigil ang saleslady at histerikal na itong nagsisigaw. “Ano ba kayong dalawa?! Bakit ba kayo nag-aagawan sa iisang bag na iyan, e, marami kaming stock niyan!” Kulang na lang ay maglupasay ito sa sahig. Binitiwan ni Tisay ang bag kaya si Carlene na lang ang nakahawak doon. “Oops… sorry! Sa iyo na pala iyan. Iba na lang ang gusto ko. Sira na, e! Bye!” Kumindat pa siya dito para asarin ito. Nilapitan na niya si Mikka at lumabas na sila ng store na iyon. “Iyon 'yong asawa ni Samuel, 'di ba? Grabe! Pati sa bag nag-aagawa kayo, ha!” anito habang naglalakad-lakad na sila para maghanap ng pwede pang bilhin. “Nakita mo na pala, hindi mo pa ako binack-up-an!” “Alam ko naman na kayang-kaya mo 'yon mag-isa.” “Sabagay, you are right. Kaya ko ang Carlene na iyon ng mag-isa. Isa pa, alam ko naman na mainit ang ulo ng babaeng iyon kaya ganoon. Akala mo ay dragon kanina! For sure, napanood na niya iyong video namin ni Samuel!” “So, tama nga ang hinala ko. You are my husband’s mistress!” Natigilan sila ni Mikka nang may bigla na lang magsalita sa kanilang likuran. Paglingon nila ay nakita nila si Carlene. Mukhang kanina pa ito nakasunod sa kanila at hindi nila iyon namalayan. Humakbang pa ito ng dalawa para mas maging malapit sa kanila. “O, bakit hindi ka nakapagsalita diyan? Kanina lang ang tapang mo sa store! Kaya naman pala ganoon na lang ang mga hugot mo sa bag kasi alam mong ako ang legal wife ni Samuel!” Pinagdiinan talaga nito ang salitang legal wife. “At ang tigas din talaga ng mukha mo, ano? Ikaw pa talaga ang nagpadala ng video na iyon sa akin? Sa lahat naman ng naging kabit ng asawa ko, ikaw itong pinaka makapal ang mukha! And nasagot na rin ang tanong ko kung bakit ka nakakabili ng ganoong bag… Ang asawa ko ang sideline mong makati ka!” Isinantabi ni Tisay ang pagkagulat. Hindi naman kasi niya inaasahan na ganito kaaga malalaman ni Carlene ang lahat. Inipon muna niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya bago sumagot dito. “Tama ka, Carlene. So, napanood mo na pala iyong video. Nagustuhan mo ba? I-rate mo naman ang performance ko from one to ten!” Pang-aasar pa niya. Si Mikka naman ay nanginginig na sa takot sa tabi niya. Mas natatakot pa ito kesa sa kanya. “Ten!” Mabilis na sagot ni Carlene. “Oh, thank you!” “No. Ten. I’ll slap you ten times on your f*****g ugly face!” At walang babala nitong pinakawalan ang unang sampal. Sapol siya sa kanyang kaliwang pisngi!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD