Chapter 28

2014 Words

DWIGHT: NAPABUGA ako ng hangin na muling napasimsim sa alak na dala ko. Nasa balcony ako ngayon na nagpapahangin. Nahihimbing naman si Ana at baby Delta kaya lumabas na muna ako para makalanghap ng hangin. Napatuwid ako ng tayo na maramdamang nag-vibrate ang cellphone kong nakasukbit sa baywang ko. Inubos ko na muna ang alak na laman ng baso ko bago sinagot ang tawag na mabasang si Manang Lucy ang caller. "Manang, kumusta kayo d'yan?" pagsagot ko na napapasulyap sa gawi ng kama. Salamin kasi ang dingding dito sa tapat ng balcony kaya kita ko dito sa labas mula sa loob ang asawa kong nahihimbing dahil sinadya kong hinawi ang kurtina. "Sir Dwight, kailan po ulit kayo makakadalaw dito? Hinahanap kayo ni Ma'am Charlene eh." Pagbibigay alam nito na ikinapikit kong napahilot sa sentido.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD