ANASTASIA: TAHIMIK akong umiiyak na nakatalikod sa mag-ama ko. Kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko na nauna ang batang iyon na dumating sa buhay ni Dwight bago kami ni Delta ay parang dinudurog pa rin ako sa puso. Gusto kong sumigaw, magwala, magalit. Pero paano? Pakiramdam ko ay wala naman akong karapatan na manumbat sa kanya. Dahil hindi naman siya nagtaksil sa pagsasama namin. Inilihim niya lang sa akin na may anak siya sa pagkabinata na nasa ibang bansa. Napahinga ito ng malalim na naramdaman kong lumundo ang kama sa likuran ko. Maya pa'y yumapos ang braso nito sa tyan ko na mahigpit akong niyakap at panay ang halik sa batok at ulo ko. "I'm sorry, wife. I know I was wrong na itinago ko ang tungkol kay Charlene sa'yo. Please, hwag ka ng umiyak, Ana. Nadudurog din ako na nakikita ka

