Chapter 30

1620 Words

ANASTASIA: NAGING mas maasikaso pa nga si Dwight sa aming mag-iina niya sa paglipas ng mga araw. Bumalik na rin kami ng bansa matapos ang ilang linggo naming pananatili sa France kasama si Charlene. Gusto ko nga sanang dalhin ito dito sa bansa pero mas gusto niyang doon manirahan at mag-aral kaya hindi ko na lamang pinilit. Nangako naman kami ni Dwight na dadalaw-dalawin namin ito bago ito iniwang muli. Napahaplos ako sa maliit na umbok ng tyan ko. Mabuti na lang at hindi maselan ang pagdadalangtao ko ngayon lalo na't nakaalalay sa akin ang asawa ko. Hindi katulad noong si baby Delta ang dinadala ko. Hindi naman nito pinapabayaan ang pagpapatakbo sa kumpanya. Pumapasok pa rin siya sa opisina at nagtatrabaho pero dito sa mansion. Kasama niya kami doon ni baby Delta hanggang matapos nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD