DWIGHT: "HEY, dude. What's bothering you?" Napabalik ang ulirat ko na tapikin ako ng kaibigan kong si Collins Montereal. Nandidito kami ngayon sa Bar ng hotel na tinuluyan namin sa Bohol. Dito kasi kami nag-meeting ng mga investors namin mula abroad. Mabuti na lang at nagkataon na may meeting din ang kaibigan ko dito kaya nagkita kami. Napahinga ako ng malalim na inisang lagok ang shot ko sabay iling. Nakamata lang naman ito sa akin na hinihintay akong sumagot. "I don't know, dude. Parang. . . parang bigla kong namis ang mag-iina ko. Gusto ko na ngang umuwi na eh." Wika ko. Mahina naman itong natawa na tinapik ako sa balikat bago muling pinagsalin ng alak sa kopita ko. Bukas pa kami makakauwi at gabi na rin. Kaya napagdesisyunan naming bukas na lang at dito na magpalipas ng gabi sa

