ANASTASIA: PARA akong tuluyang nakawala na walang pag-alinlangan akong tinanggap ng mga anak ko, taliwas sa inaasahan kong matatakot sila sa akin at pandidirihan ako. Napahagulhol akong niyakap ang mga itong napahagulhol din sa magkabilaang balikat ko habang magkakayakap kaming mag-iina. "Mommy, hwag ka na ulit mawawala ha? Laging nag-iinom po ang Daddy eh. Umiiyak din po," humihikbing wika ni Delta na ikinangiti kong hinagkan ang mga ito sa ulo. "Hindi na, anak. Hindi na kayo mawawalay muli kay Mommy. Magdo-double ingat na ang Mommy para hindi na muling mawala sa inyo," sagot ko na kumalas sa mga ito at pinahid ang kanilang luha. Ngumiti akong hinaplos sila sa pisngi nilang namumula na kaagad sa kanilang pag-iyak. "Pwede bang humalik ang Mommy?" pamamaalam kong ikinangiti nilang

