ANASTASIA: PARA akong nabunutan ng tinik sa dibdib na nakahingang maluwag na tinanggap kami ni Dwight at nakilala niya pa rin ako. Bagay na pinagdarasal ko magmula nang makaalala na ako. Na sana ay tanggapin pa rin ako ng asawa ko sa kabila ng nangyari sa mukha ko. Sa dami ng hirap na pinagdaanan ko dahil kay Adeline, napakabuti pa rin sa akin ng Diyos. Dahil ginabayan niya ako at hindi kami pinabayaan ng anak ko. Isang himala na makaligtas pa ako sa nangyaring pagsabog ng bangkang sinasakyan namin noon nila Mommy Janaeya. Nagkalayo man kami at nabura siya pansamantala sa isipan ko? Ang mahalaga ay nakabalik kami ng ligtas ng anak ko sa piling ng asawa ko at mga kapatid pa nito. Naglahong parang bula ang bigat sa dibdib ko. Na ngayon ay panatag na ang isip at puso kong nakabalik na ak

