ANASTASIA: LIHIM akong napangiti na paggising ko ay unang bumungad sa nanlalabong paningin ko ang pigura ni Dwight na nakatagilid ng higa paharap sa akin. Nakayapos din ang braso nito sa baywang ko na himbing na himbing at bakas ang pagod sa mukha nito. Nangunotnoo ako na hindi ito nakadikit sa akin na ikinalunok kong tuluyang nagising ang diwa na mabungarang. . . nasa gitna namin ang anak naming katulad ni Dwight ay nahihimbing! Tumulo ang luha kong palipat-lipat ng tingin sa mag-ama kong nasa tabi ko. Ito kasi ang inaasahan kong makagisnan dati pa kapag nagsilang na ako. Ang silang mag-ama ang bubungad sa paningin ko. At ngayo'y heto na sila. Nangyari na. Nandidito na sila sa tabi kong nahihimbing. Nagpahid ako ng luha na napangiti. Kahit hinang-hina pa ako at dama ang kirot ng tahi k

