bc

The Congressman First Love

book_age18+
1.1K
FOLLOW
18.1K
READ
billionaire
forbidden
HE
powerful
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Forbidden love.Sebastian Lopez and Eliana Roxas.

Sebastian: determined, passionate, and willing to risk everything for Eliana

Eliana: vulnerable, sensitive, and torn between her love for Sebastian and her family's expectations.

chap-preview
Free preview
Chapter-1
"Ellie, anak, idaan mo ito sa penthouse. Dinagdagan ko ang niluto kong ulam para mabigyan si Sebastian. Alam mo naman, wala siyang oras magluto dahil sobrang busy niya," saad ng Mommy niya nang makapasok siya sa kusina para mag-almusal bago pumasok sa school. Siya nga pala, si Eliana, pero Ellie ang tawag sa kanya ng lahat. Seventeen years old siya, pero dalawang linggo na lang, debut na niya. Eighteen na siya noon at legal age na. Grade 12 siya, Senior High. Ngayon pa lang, pinag-iisipan na niya kung anong kurso ang kukunin niya sa college. Hindi siya matalino, pero malakas ang loob niya at, syempre, maganda siya. Nakatira siya sa bahay ng bagong asawa ng Mommy niya. Ikatlong asawa na ito ng Mommy niya. Anak siya ng ina niya sa pagkadalaga, at hindi niya kilala kung sino ang Daddy niya. Hindi naman kasi sinasabi ng Mommy niya kung sino ito. Tuwing nagtatanong siya, ang sagot lang palagi ay huwag na niyang hanapin ang patay na. Ang unang asawa ng Mommy niya ay isang binata, isang artista na medyo sikat. Kaya kahit papano, gumanda ang buhay nilang mag-ina. Kaso tatlong taon lang silang nagsama. Naghiwalay sila dahil babaero ang unang asawa nito. Ang sumunod na asawa ng Mommy niya ay isang mayamang politiko sa bayan ng San Juan. May isang anak itong lalaki, si Sebastian Lopez. Ang Tito Severino Lopez niya ang masasabi niyang naging mabuting ama sa kanya. Tinuring siya nitong tunay na anak, habang ang tunay nitong anak ay nasa America, nag-aaral kasama ang Mama nito na may sarili nang pamilya noon. Tumagal ng limang taon ang pagsasama ng Mommy niya at ni Tito Severino, na tumayong ama sa kanya. Pero nagkasakit si Tito Severino at kalaunan ay binawian ng buhay. Kaya humanap ulit ng bagong asawa ang Mommy niya. Ang ikatlong asawa ng Mommy niya ay isang director sa pelikula. May dalawa itong anak na babae na hindi nalalayo sa edad niya. Si Angelica ang panganay, twenty years old at nasa college na. Ang bunso naman, si Angeline, eighteen years old at nasa college na rin. Ang dalawa niyang stepsisters, hindi niya kasundo. Para sa kanya, maarte sila at akala mo kung sino kung umasta—porke may pera ang Daddy nila. Minsan nga inaapi pa siya ng mga ito, pero hindi siya nagpapatalo. Lumalaban siya. Kaso siya pa rin ang kinagagalitan ng Mommy niya, kahit hindi naman niya kasalanan. Madalas sabihin ng Mommy niya na makisama siya sa dalawa niyang stepsisters dahil sila lang daw ang nakikitira sa bahay ng mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit wala nang ginawa ang Mommy niya kundi mag-asawa nang mag-asawa. Siya tuloy ang laging nag-a-adjust tuwing nagpapalit ito ng asawa. Thirty-six years old pa lang ang Mommy niya. Bata pa at maganda, kaya madali lang itong makahanap ng bagong asawa tuwing nawawala ang asawa nito. Hindi niya alam kung minamahal ba talaga ng Mommy niya ang mga nagiging asawa nito, o pineperahan lang niya ang mga ito. Wala kasi itong trabaho at sariling pera. Kung hindi ito mag-aasawa, tiyak na sa kalsada sila pupulutin, mag-ina. "Mommy, bakit kailangan niyo pa po siyang dalhan ng pagkain? Panigurado naman na marami siyang pambili," saad niya sa ina bago naupo para kumain. Nakaupo na ang dalawa niyang stepsisters at kumakain na. Napasulyap siya kay Angeline, agad siyang tinaasan ng kilay. Kaya ibinalik niya ang atensyon sa ina. "Huwag ka nang magreklamo, Ellie. Sumunod ka na lang. Para rin naman sa'yo ito," saad ng Mommy niya at inilapag sa harapan niya ang paper bag na dadalhin niya sa penthouse ni Sebastian Lopez. Isa na palang Congressman si Sebastian ngayon. Pinasok din niya ang pulitika, katulad ng Papa niya na isang Congressman bago ito nagkasakit at namatay. Noong bata siya at mag-asawa pa ang Mommy niya at ang Papa ni Sebastian, nagkasama naman sila sa bahay ng Papa nito nang magbakasyon ito sa Pilipinas. Mabait naman sa kanya si Sebastian, para Kuya na rin niya ito. Kaso hindi nagtagal ang pagsasama nila dahil kinailangan nitong umalis ng Pilipinas para mag-aral sa America. Ang sumunod na pagkikita nila ay noong may sakit na ang Papa nito, at hindi nagtagal, namatay rin ito. Fifteen years old siya noon, at twenty-two si Sebastian. Graduate na ito kaya hindi na ito umalis ng Pilipinas. Siya na ang nagpatakbo ng hotel na pagmamay-ari ng Papa niya—ang Lopez Luxury Hotel, ang nag-iisang malaking hotel sa bayan ng San Juan. Kahit may bago nang asawa ang Mommy niya, nanatili pa ring close ito kay Sebastian. Paminsan-minsan, nagkikita pa rin sila kahit Congressman na ito ngayon. Naging mabuti kasi ang Mommy niya noon sa Papa ni Sebastian, kaya wala rin itong maireklamo. "Paano naging para sa akin, Mommy?" tanong niya at akmang kukunin ang itlog sa plato nang unahan siya ni Angeline. Ngumisi pa ito sa kanya, halatang nang-aasar. Madalas magsimula ng gulo ang dalawang magkapatid. Iniinis siya, at pag pumatol siya, sasabihing siya ang mali at siya ang sisisihin ng Mommy niya. "Kumain ka na, Ellie, para makaalis ka na," saad ng ina at tumalikod na. Naiwan siya sa hapag-kainan kasama ang dalawang malditang magkapatid. "Kawawang Ellie, walang magawa sa utos ng Mommy niya," pang-aasar sa kanya ni Angeline. Si Angeline talaga ang madalas mang-asar sa kanya, marahil dahil kaedaran niya ito. Alam din niyang may lihim na inggit sa kanya ang dalawang magkapatid. Paano, mayaman lang kasi sila at wala namang ganda. Hindi makinis at maputi ang balat nila kahit mayaman pa. Namana niya ang ganda at kakinisan ng Mommy niya, kaya kahit 36 years old na ito, marami pa ring nagkakagusto at nagpapakasal dito. Kaya hindi na siya nagtataka—unang araw pa lang niya sa bahay ng mga ito, maldita na ang dalawa sa kanya dahil sa ganda niya. "Angeline, huwag mo nang asarin. Alam mo namang kawawa, aasarin mo pa," pang-iinis pa sa kanya ni Angelica. Pinagtaasan niya ng kilay ang magkapatid at inikot ang mata. Tapos binalik ang atensyon sa pagkain. Hangga't kaya niyang tiisin ang pang-aasar ng dalawang negra, titiisin niya para sa Mommy niya. Siya dapat ang makisama, dahil sila ang nakikitira—iyan ang laging sinasabi ng Mommy niya tuwing may gulo sila. Bitbit ang paper bag na dadalhin niya sa Lopez Luxury Hotel sa kabilang bayan, lumabas siya ng gate ng malaking bahay ng bagong asawa ng Mommy niya, si Tito Robert, isang magaling na director sa pelikula. Wala siyang sariling sasakyan at hindi pa marunong mag-drive. Hindi tulad nina Angeline at Angelica na kanya-kanya nang may sasakyan. Habang nakatayo siya sa labas at hinihintay ang taxi na pinatawag niya sa security, magkasunod na dumaan sa harapan niya ang magkapatid. Sadya pang nakabukas ang bintana para yabangan at painggitan siya. Pero hindi siya nainggit. Naawa pa nga siya. Kahit gaano kamahal ang suot nila mula ulo hanggang paa, pati mamahaling sasakyan, wala pa ring ganda ang mga ito. Pasalamat na lang talaga ang mga ito at may pera ang Daddy nila, kaya may posibilidad pang magka-jowa. Pag-sakay niya ng taxi, sinabi niyang dalhin siya sa Lopez Luxury Hotel. Ilang beses na rin siyang naghatid ng pagkain sa penthouse ni Sebastian, kaya sanay na siya. Sa penthouse nakatira si Sebastian ngayon. Ayon sa Mommy niya, nagpapatayo na rin ito ng sariling bahay sa De la Cerna Estate sa San Juan. Nabanggit pa ng Mommy niya na baka nagbabalak na itong mag-asawa kaya nagpapatayo na ng bahay. Kung hindi siya nagkakamali, twenty-five na si Sebastian ngayon. Para sa lalaki, bata pa ang 25 para mag-asawa. Hindi katulad ng babae. Bumaba siya ng taxi bitbit ang paper bag nang makarating sa Lopez Luxury Hotel. Napakalaki at taas ng hotel—halatang bilyonaryo ang may-ari. Nang mamatay ang Papa ni Sebastian, lahat ng ari-arian nito napunta sa kanya. Wala naman kasing ibang anak si Tito Severino. May natanggap naman ang Mommy niya na pera, bahay, at lupa. Kaso naubos at naibenta rin lahat dahil wala itong trabaho. Kailangan nilang mabuhay, kumain, at bayaran ang tuition niya sa isang exclusive na paaralan sa Sta. Lucia. Hanggang sa makapag-asawa ulit ang Mommy niya at may bago na naman itong kakapitan para mabuhay silang mag-ina at masunod pa rin ang luho nito. Hindi niya masisisi ang ina kung mas magiliw ito sa dalawang anak ng asawa nito. Kailangan kasi niyang gawin iyon para tumagal ang pagsasama nila. Humugot siya ng malalim na hininga nang bumukas ang elevator. Tinutumbok niya na ang penthouse ni Sebastian. Huminto siya sa tapat ng pintuan at pinindot ang doorbell. Medyo matagal siyang naghintay sa labas dahil hindi agad binuksan ni Sebastian. Sa pagkakaalam niya, walang kasama si Sebastian sa bahay. May staff lang sa hotel na naglilinis ng penthouse nito. "Eliana?" kunot-noong bungad sa kanya ni Sebastian nang makita siya sa labas. Bukod-tangi si Sebastian ang tumatawag sa kanya ng Eliana. Ellie kasi ang tawag ng lahat. "Hi, Sebastian. Good morning," nakangiti niyang bati, sabay taas ng paper bag. "Good morning," bati nito at agad siyang pinapasok. Pansin niyang nakasuot ito ng puting roba. Mukhang bagong ligo—nasamyo niya ang mabangong sabon, at basa pa ang buhok. Gwapo, matangkad, malakas ang s*x appeal ni Sebastian. Kung hindi lang ito naging stepbrother niya noon, baka magka-crush pa siya rito. Kaso tiyak na hindi siya papansinin. Bukod sa bata pa siya, parang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Congressman na ito, malayo na sa isang Grade 12 na Senior High lang. "Wait lang, Eliana. Magbibihis lang ako saglit," saad nito. "Huwag na, Sebastian. Hindi naman ako magtatagal. Pinabibigay lang ito ni Mommy. Pagkain. Alam mo naman si Mommy, para ka pa rin niyang anak," nakangiti niyang sagot. "Oh," tanging sagot nito at tinanggap ang paper bag. "Thanks. Pakisabi kay Tita, salamat." "Sure," tugon niya, sabay tango. "Hindi na ako magtatagal. May pasok pa kasi ako." "Ihahatid na kita. Magbibihis lang ako saglit," sabi ni Sebastian. "Ah, huwag na. Nakakahiya. Baka maistorbo pa kita," nahihiya niyang sagot. "Eliana, hindi ka na iba sa akin. Maupo ka muna, feel at home. Magbibihis lang ako saglit," sabi ni Sebastian.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook