Pagbalik niya sa hotel sinalubong siya agad ni Lira sa may lobby pa lang siya. Galit na galit ang mukha nito. Ngayon pa lang niya talaga nakikita ang tunay na pag-uugali ni Lira at hindi niya ito nagugustuhan. "Mag usap tayo Troy!" Mariing saad ni Lira sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Tama lang din na mag usap na sila at ng mapagsabihan na niya ito na tigilan na si Tessa. "Gusto rin kitang makausap, Lira," tugon niya rito. Nagtaas ito ng mukha at humakbang patungo sa may elevator, marahil akala nito nais nitong makausap niya ito sa loob ng opisina niya. "Sa labas na lang tayo mag-usap, Lira," saad niya..Napahinto naman sa paglalakad si Lira at sinulyapan siya. Kumilo naman siya patungo sa exit ng hotel. Hindi na niya nais pang makausap si Lira privately. Hindi na siya si

