PART 3

2350 Words
         " Good morning sir, reporting for duty sir! " Bungad ko kay hepe pagpasok ko sa opisina nya.           " Carry on, you may sit down!" Nagrelax muna sya ng upo, habang nakatingin sakin.           " Umpisahan na yan sir ng makarami tayo!" Biro ko sa kanya pagkaupong-pagkaupo ko sa silya na nasa harapan ng kanyang table.          " Excited ka masyado, baka kapag naiexplain ko syo ano magiging duty mo, umurong ka." Diretsa nya sa'kin.         " Basta ba kakayanin sir, why not? Sa ngalan ng trabaho!" Sabay ngiti ko sa kanya.        Yan talaga ang name tag ko sa profession kong ito, basta kakayanin ko kahit ano pa yan gagawin ko! Mas gusto ko pa nga yun mga komplikado, dyan ako tumitibay.       " So ano nga ba boss? "ulit kong tanong. Huminga muna sya at umiwas ng tingin sakin, sabay sabing....        " Alam mo ba yun night club na nandyan sa gawing Buendia?" Seryoso ang mukha nya, maybe nakikiramdam muna sya bago nya sabihin, pero yun palang huli ko na agad ano nanaman papel ko.         " Hays, sabi ko na nga ba? So dakilang G.R.O naman labas ko sir ganun ba?" Pati ako seryoso na din, biro mo G.R.O saklap naman, kahapon lang sakit ulo ko sa itsura ko plus that f*****g mokong man...hays, Jhin kaya mo yan!         " Kaya ba, sabihin mo ng maaga ng makahanap ako kung di mo magagawa!" Halong tampo kunware si hepe. If I know alam naman nya talagang hindi ako hihindi, lalo na't challenging role nanaman 'to.          " Kakayanin!" diretso pero buo kong sagot sa kanya.           " Okey, you may start as soon as possible. Matagal na naka survillance spot na yan, bukod kasi sa may mga sicret room sila gumagalaw pa bato sa loob!" Paliwanag ni hepe.           " Sino ba may ari nyan sir?" tanong ko kay Chief!            " Ayon sa tao natin sa loob, isang hapong nagngangalang Aaroon Kaginawa." Dagdag nyang paliwanag.           " Naglipana na talaga mga pusakal na dayuhan sa pinas! Pano yun sir, papasok na ba ko agad o mag survey pa ko?" Kabado man ako feeling excited pa din, dahil isang expirience nanaman 'to para sa akin.            " Alam ko naman kaya mo, pero tama na yun isang araw na G.R.O ka." Sinabayan pa nya mga nakakalokong ngisi.            " Sige lang sir, mang-asar pa! Basta wag lang haharang yun mokong na yun ngayon, kundi babaliktad na sya talaga!" Ngitngit ako lalo maalala ko nanaman lalaking yun na lalo nagpasira nang gabi ko ng araw na yun.         Nagtaka naman si hepe, sa pinagsasabi ko.         " Sino bang mokong na yun?" Biglang tanong nya.          " Ah wala sir, just forget it!" At iniwas ko na ng tingin mata ko sa kanya.          " O sya sige, dating gawi alam mo na gagawin mo!" Paalala nya sakin.           " Yes sir, dating gawi." ulit ko sa sinabi nya.           " Isa pa palang sasabihin, bawasan ang pagiging hot headed Jhin." Seryoso at puno ng awtorisasyon ang boses nya.           Eto na, nakarating na sa kanya, sino naman kaya matabil na dila nag sutsot dito. Wag sabihing....           " At sino naman nag tsismis syo nyan sir?" Kunot noo kong tanong.           " Its not important iha, baka kasi makapikon ka patulan ka! Kung kailangan lambingin gawin, hindi yun dadaanin mo sa katigrehan!" Basbas nya sakin. Malaman ko lang sino tsismoso na yun, yare sya akin.          " Sir, di naman kailangan gawin yun, isa pa tama lang yun ng hindi sila na sspoiled, lalo na sa mga taong di naman dapat galangin!" Seryoso kong sagot ksy hepe.           " Tingnan mo 'to, babae ka baka nakakalimutan mo?" dagdag nya.           " Basta alam kong nasa tama ako sir, di ako papasukol sa kanila hanggat kaya ko lumaban gagawin ko makakaya ko." Alam ni sir ano pananaw ko sa buhay lalo na sa profession kong ito. Kaya minsan takot din syang ilagay ako sa assignment.           " Tsk.. tsk... kaya bilib na ko sayo bata ka. Just keep up the good work hija, and always take care." Muling paalala nya sakin.            " Thanks sir! Pano po, tutuloy na ko!" Pagpapalam ko.            " O sige, basta wag mo kalimutan ipaalam sa mga kasama mong nasa loob ka baka di ka nila makilala!" Dagdag nyang paalala.             " Ako na bahala dun sir, sige sir mauuna na ko!" Sumaludo ako ulit at tumuloy ng lumabas ng opisina. Tiningnan ko wrist watch ko, may time pa para makapamili. Dumaan ako sa grocery bago umuwi, pasakay na sana ko sa saksakyan ng maalala ko.           Ayy, ano kaya susuotin ko sa assignment na yun? Anak ng tinapa, kahapon matronang bakla susunod naman G.R.O hay naku, kapag pinagpapala ka nga naman o! Hhhmmm, baka may mahiram ako kay Basha, kesa gagastos pa ko. Makauwi na nga.          Dumating ako sa apartment saradong sarado yun, alam ko na!             Tok.. tok.. tok..          " Basha, nandyan ka na ba?" Sigaw ko, di ako nagkamali at malamang ginawa nanaman motel bahay ko, jusko sobrang tipid lang! Yare ka sakin bakla ka.          " AH, bakla saglit lang!" Sagot nya.      Hahaha, saglit ha ako pa paghihintayin mo.         " Basha ano ba, dalian mo naiihi na ko!" Sabay tawa ko sa labas ng bahay!         " Oo na... oo na, taklesang manang ka talaga! Istorbo ka alam mo ba yun." Inis nyang sagot.         " Ah, ganun ako pa pala istorbo, o baka naman gusto nyong lumipad pareho nyang jowa mo?" Naggalit-galitan na ko, pinilit ko iparamdam yun kahit halos masamid na ko kakatawa sa kanya pag-aapura ko. Sabay bukas ng pinto.        " Ikaw naman bakla di ka na mabiro." Bungad nyang ng buksam ang pintuan. Nakalukipkip ako at taad kilay sa kanila ng kasama nyang lalaki na mukhang kagigising o ano, malay ko ba.          " Si Jeff nga pala ateng!" Pagpapa kilala nya dito. Palitan ang tingin ko da kanila.         " San mo napulot yan, baka may sabit yan ikaw isasabit ko sa poste ng Meralco, Basha!" Diresto kong sabi, kahit nakaharap ang lalaki.          " HHHMMM, don't worry goodboy yan ateng!" Sinabayan pa nito ng lambing sakin dahil ramdam nyang irita ako.      Pa cute naman konti ang unggoy!      " Hi, Im Jeff!" Sabay abot ng kamay nya sa'kin pero imbis na abutin ko yun tiningnan ko lang.       " Jhin." Maikling kong sagot ko.       " Okey, goodboy pala kunin nyo yun pinamili ko don!" At tumuloy ako sa paglakad.        " Ganda sana, mataray naman!" Bulong nito. Malinaw naman pandinig ko kaya narinig ko sinabi nya. Bumalibg ako ulit sa kanila.       " Anong sabi mo?" Asik kong tingin sa kanilang dalawa! Bigla hinawi ito ni Basha.        " Ah, bakla palabiro talaga yan wag mo nalang pansinin." Halatang nakaramdam ng takot si Basha dahil kilala nya ko, kapag di ko feel ang isang lalaki paparamdam ko talaga.         " Basha, turuan mo yan nandito sya sa teritoryo ko!" Pikon kong paalala sa kanya.          " Joke lang nga yun, siniryoso mo naman!" Pilit nyang kinukurot ang lalaki gusto nyang sabihin dito na magsorry sa akin.          " Mabuti na yun malinaw, sige maiwan ko na kayo may duty pa ko!" Paalam ko nalang kesa masira araw ko.          " Aba may raket ka nanaman, ikaw talaga payaman!" Pag-iiba nya sa usapan namin.          " Ako pa ba!" Kumindat na ko sa kanya, baka maihi pa 'to sa takot.          " Naku, mukhang challenging nanaman yan excited ka eh, ano ba yan?" Iniwan nya si Jeff at sumunof sakin sa kwarto.           " Naku bakla, baka mamatay ka kakatawa kapag nalaman mo ano nanaman 'tong papasukin ko! Basta stay put ka lang dyan, judge mo nalang later!"          " O sya sige, iwan na muna kita at kakainin ko lang tong fafa ko tuloy namin yun binitin mo!" Halatang excited ang loka baklang to sa kung ano man gagawin nila.          " Letse ka, pang ilan na ba yan?" Pambubuska ko.          " Ingay mo ateng!" Sutsot nya na halos ayaw iparinig sa lalaki. Kumain muna ko bago gumayak, ng makayari hinanap ko muna mga gagamitin pati na yun heels na suot ko the other night naalala ko may natatago nga pala kong dress na sexy, hays, eto nanaman po ako jusko guide o lord. Yun dalawa ayun, naglapangan nga di ko na pinakialaman bahala sila sa buhay nila. Nagsara ko ng pinto ng kwarto, para mas feel ko mag-ayos mag-isa. At last after 35 munites sa harap ng salamin matatapos na. tok.. tok... tok... Ayun nakayare na impaktang baklita na 'to.       "  Bakla, tapos ka na ba naka alis na at lahat jowa ko di ka pa din nayayare!" Pang-iistorbo nya.       " Malapit na, maghintay ka lang." Sagot ko.        " O sige kakain lang ako, ikaw kumain na ba? Hay naku, naubos energy ko sa lokong yun kapagod!" Reklamo nya.        " Nag-enjoy ka naman di magdusa ka! Yan gusto mo sa buhay tapos ngayon magrereklamo ka, baka gusto mo takungin kita sa noo?" Inis ko sagot sa kanya.         " Ay nahigh blood, joke lang naman, pero gutom talaga ko. Ano di kapa ba tapos!" Binawi nya, alam naman nya kasi kakastiguhin ko nanaman sya.         " Konti nalang, retouch nalang 'to." Ilang saglit lang lumabas ako, at nagpose sa pinto ng kwarto paharap kay Basha na kumakain.          " Pppssstt! " Paswit ko sa kanya sabay giling!          " Ha, okey naman itsura mo kaso parang mali, mukha ka yatang G.R.O?" Puna nya! Pumitik ako sa hangin.          " Exactly, yan papel ko ngayon! Ano okey ba itsura ko?" Sabay landi ko sa kanya.          " Ano ba Jhin, kinikilabutan ako sayo! Ano-ano pinapasok mo babae ka." Pag-aalala nya. Aaaahhhh, bestfriend ko talaga kahit lagi ko minamurder to she always love me talaga! I love you, Basha.         " Carry naman bakla, you know me! " Ngiti ko s akanya.          " Yes I know you much, pero baka naman sunod nyan model na ng kabaong raket mo!" Natawa pa sya sa sinabi nya.         " Gaga, pagtapos nito pera na! Eh ikaw, pagtapos mo butas na bulsa laspag ka pa!" Pang-aasar ko.         " Hay naku ateng, oo na maligaya naman ako. Wala namsn katumbas na pera yu." Napikon ko yata at nagsalita ng ganun sakin. Sa isang banda she's right, samantalang ako eto, zero ang lovelife. Haaayyyss!!           " Aray ko, at ako di maligaya ganun ba? Magkaiba lang tayo ng pananaw!" Biglang may lungkot ako naramdaman, tinamaan talaga ko. Napansin naman yun ni Basha.           " Amen! Pero ganda mo this night sa totoo lang!" Pag-iiba nya sa usapan.            " Kailangan bakla, naglipana mga pokemon mang hahunting lang ako." Sakay ko sa kanya.             " Goodluck." sabay kindat nya.            " O pano, aalis na ko. Ikaw wala ka ba raket ngyon?" Tanong ko sa kanya bago ko binitbit ang shoulder bag na kasama sa props ko this night.            " Dito lang ako ateng." Nginisihan pa nya ko. At dahil dun, bumaling ako ulit da kanya at tinaasan sya ng kilay.            " O baka naman gusto mo maglinis kahit pano, mukha na kasi babuyan tong bahay!" Utos ko da kanya.          " Try ko later, kapag sinipag ang engkantadang bakla!" At isinalo pa nya ang dalawang kamay sa baba, at nag pa cute.           " Eh mad madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw yang sipag mo eh!" Galit ko ng sabi sa kanya.           " Opo, sige na gagawin na po madam!" Pang-iinis pa nya sakin.           " Bernardo!" sigaw ko.            " Oo, sige na dyos ko naman babae 'to, umo-oo na nga." Bawi nya.           " Yan, damay mo na din kwarto ko Bernardo ha." Bilin ko.          " Ateng pakibilan naman ako balot maya pag-uwi mo, pampalakas ng tuhod!" Lambing ng mahaderang baklang to.          " Gaga, ambisyosa sarap mo ilibing ng buhay!" Inirapan ko pa sya, habang inaayos ko buhok ko. Bakla nga naman na 'to, daming ambisyon sa buhay! At san ka daig pa nya ko, ultimate dream ng gaga magkalan daw matres nya, hahhaha kaloka sige make your dream come true BERNARDO!! N/A: pin vote po, my sss PAGE like it po, salamat..  https://w**************m/mharjhin22/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD