PART TWO

2127 Words
       Walanghiya kang Mokong ka, eto sa'yo.     " Good job Markiel! Magkakilala na pala kayo?" Kinamayan sya ng team commander nila.      Pakiramdam ko naman umuusok ilong ko, nagngangalit ipin ko sa galit sa lalaking manyak na to.        " Sir, kasama nyo ba 'to?" Taas kilay kong tanong.         " Ah, oo isa sya sa team namin!"         Tingin-tingin naman ang mokong na manyakis, na parang takang taka.         " Pasalamat ka, nandito tayo pareho sa duty, kung nagkataon kanina ka pa bumaligtad dyan sa kinatatayuan mo!" Kung nakakalusaw lang tingin ko, malamang walang natira sa lalaking yan, ultimo anino nya.        Letse!!        " Bakit ano bang nangyare?" Takang tanong ng Team Commander nila.         " Sir, pagsabihan nyo yang tao nyo!" Kulang nalang hubarin ko takong ko at ipukpok sa noo nya sa sobra inis.         " Aba miss malay ko bang babae ka!" Pagtatanggol nya sa kanyang sarili.         " Ang sabihin mo manyakis ka talaga!" Ayan nagsimula na armalite kong bibig.          " Miss, magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi ka ba nanalamin, tingnan mo nga itsura mo?" Natatawa pa sya habang umiiling.         Lalo nag-init ang dugo ko, naku konting konti nalang.         " Hoy, kung marunong kang rumespeto kahit bakla pa o mukhang kabayo igagalang mo!" Ngitngit ko sa kanya.          " Miss pareho tayo nasa duty, sabi mo nga, so I do anything to make my job well at lahat ng yun is part ng trabaho ko." Pagpapaliwanag nya na may halong, nakakalokong tawa.            " Hahahaha.... part ng job? Eh kung nahubaran mo pala ko wala lang yun ganun ba?" Nang-gagalaiti kong sigaw sa kanya.           " Miss, iba na yang pananalita mo ah? Anong malay kong....." Seryoso na din itsura nyang sabi sa kin.          Tumayo ako ng matuwid at namaywang sa harapan nya.          " Sir, kung gusto mo respetohin ka matutong kang rumespeto sa iba!" Duldol ko sa pagmumukha ng....ewan police ba sya o ano...malay ko...basta mokong sya di ko sya uurungan.         Langya ka, di tulad mo mag-papatiklo sa'kin.         " Miss, pumapatol ako sa babae!" Galit na din nyang sagot sakin.        Palitan nalang ng tingin samin ang Team Commander nya, nalilito sino pakikinggan nya dahil di nya alam ang puno't dulo.        " Wow sir, look ganito ba pinagmamalaki mong agent nyo, manyakis na, arogante pa! Pasensya ka na sir, maiwan ko na kayo!" Paalam ko nalang sa pinaka mataas nila dahil baka di na ako maka pagpigil, ano pa magawa ko.         Gigil mo ko Mokong ka, wag na sana mag krus landas natin!       Sa sobra inis ko, iniwan ko na sila! Yabang ng lalaking yon, agent pang naturingan..sunod nalang ng tingin sakin Team Commander nila n napapailing.        Pagdating ko ng bahay di pa din maalis ang badtrip ko, napansin ni Basha na naloloka ako sa asar.       " O bakla, mukhang windang ang mundo mo nyare? Byernesanto mukha mo ah!" Natatawang tanong nya sa'kin.        " Badtrip lang ako bakla, lugi ako araw na 'to!" sabay balibag ko  ng hinubad na sandals.        " At bakit nanaman aber? Sino nanaman dahilan?" Pangungulit nya sa'kin.        " Yong Mokong na agent na yon, nakakainis! Hhhhiiiihhh!" Inis kong inaltak ang nakalagay sa buhok ko.         " Ay, gumaganun! Pagpabukas mo na nga yang galit mo, baka mahigh blood ka pa dyan!"         " Magkikita pa kami, tandaan nya!" Halos maiyak na ko sa sobrang galit.       Letse, sino ba di maiimbyerna, certifide virgin 'to, minanyak ng lang damuhong yun! Naku, pasalamat sya talaga!          " Ano ba kasi nangyare, at yanig ang mundo mo babae ka?" Tanong nya ulit sakin.          " Mokong na yun manyakis, sukat ba naman dakmain harapan at pwet ko!" Gigil kong paliwanag kay Basha.          " Ay Bakla, baka naman di nya akalain na bebot ka kaya ganun?" Sabay hagalpak nya ng tawa.         " Kahit pa, di ba sya marunong rumespeto ng kapwa nya!" Napasinghot ako sa inis!         " Hay naku, ang Maria Clara ng taon nag-emote nenemen! Eeyyy!!!" Tawa pa ng tawa bakla na to kaya lalo lang ako naiinis         " Sira na nga itsura ko sa itsurq ko, dumagdag pa Mokong na manyak na yun! Bwusit talaga!" Napasuntok nalang ako sa sofa na inuupuan ko.          " Dyos ko lord, pag relaxin mo po kaibigan ko nagiging amazona nanaman!" Sabay taas pa ng kamay ni Basha sa langit na parang nanalangin.          " Letse, kung bakit naman kasi sa dami ng pwedeng makaharap tulad pa ng lalaking yun, pwede naman sana nakipag suntukan nalang ako!" Sira sira talaga gabi ko ng araw na to, hays makatulog sana ko!       " Tama na nga yan bakla, pasasaan ba makakalimutan mo di  yan! Ang beauty baka pumangit ka lalo ka na di magka boyfriend!" Sabay tawa ng lintyak na bakla na to.         " Basha sige dagdagan mo pa inis ko, akala mo ganun lang makalimutan yun letse sya, ipanalangin nga nya makalimutan ko!" Ngitngit kong inis.         " Hay naku bakla, mabuti pa maghilos ka na matulog na, madaling araw na o!" Hinila nya ko patayo para kumilos na ko!       She really know me, kapag badtrip ako di ako titigil ng kakadada!        " Di mo muna ba ako papakainin?" Sa totoo lang nagugutom na ko, wala man lang ako napala sa ginawa ko ngayon, pagod lang!         " Ay, malay ko ba di ka pa kumakain! May dala ko siomai pagtyagaan mo na muna yun!" Sabay tulak nya sakin.         Pumasok na ko sa banyo para maghilamos, nag apura na ko dahil talagang napagod ako....napagod sa pagbunganga sa manyak na lalaking yun.       Nagtimpla muna ko ng kape partner ng siomai ko pang tawid gutom.        Nasan na kaya baklang 'to? Ayun, natulog na! Matutulog na din ako. ********        " Sir, sino ba taklesang bakla na yun? Bakla nga ba o babae, ewan ko di ko maintindihan sa itsura, akala mo naman kagandahan malay ko bang babae yun!" Sinabayan pa nya ng nakakalokong tawa.          " Abay malay ko, kaya nga tinatanong kita kanina kung kakilala mo sya!" Pagdedeny naman ng Team Commander nila.         " Eh, dapat pala sir sinama nating hinuli para nabawasan pagka taratitat? Yabang, para nahipuan lang konti!" Dahil sa sinabi naya natawa kumander nya!         " Oh eh, baka naman sadya mo! Loko ka, may hokage move ka din ha!" Kantyaw nito sa kanya.         " Naku sir, kung alam ko lang na babae yun baka pinatigil sa pagtaktak ang bibig nun sa halik ko, saka ke babaeng tao anong ginagawa sa ganung klaseng lugar?" Hindi malaman kung maiinis ba sya o tatawa.         " Kiel, kalimutan mo na nga bakla...este bebot na yun!"         " Di ko lang matanggap sir, na isang tulad nyang bakla...ewan ba hindi mo matanto kasarian...babae ba o ano, tulad lang nya ang magbunganga sakin, mag five years nako sa bureau ngayon palang!" gigil din nyang sabi.          " Kasalanan mo din, sukat ba naman kasing dakmain mo, eh kahit sino magrereact naman!" Napakamot pa ng batok ang kumander habang natatawa kay Kiel.            " Sir, di ko naman talaga sadya, saka nagkakagulo na nun, pasensya na din!" Pagtatanggol ng binata sa sarili.            " O sya hindi na kung hindi." Pagtatapos nalang ng kumander sa usapan nila.           " Pasensya na ulit sir, eh sino po ba makakasama kong nakatoka sa sunod na assignment?"          " Ah, teka check ko muna!" Sagot naman nito.          " Okey sige sir,  uuwi na muna ko. Kung sakali ma-late ako pwedeng tumawag ka sa'kin? " Pakiusap ng binata sa kanyang kumander dahil alam nyang mapapasarap sya ng tulog ngayon!           " Aba, at ano naman ang maaaring maging dahila mo para malate? " Sinabayan pa nito ng halukipkip.           " Sir naman,  mag-alas dos na ng madaling araw! Inaantok na nga ako." At napakamot pa sya ng ulo.          " O sya, pagbibigyan kita hanggang alas dyes ng umaga, dapat nandito ka. Military time tayo Mharkiel hindi Pilipino Time. " Paalala naman nito sa kanya.          " Oo naman sir, alam ko yun!  Umuwi na din kayo baka naghihintay di Misis?" Sabay tawa nyang nakakaloko.            " Loko ka tigasin 'to oy!" Tinaas pa nito ang braso at sabay pakita ng muscle nya.             " Sabi mo eh, kaya idol kita!" Nginisihan nya pa ito sabay talikod. JHIN'S POV KKKRRRIIINNNNGGGG.....        Tunog ng cellphone ko! Pikit pa yata isang mata ko sinilip ko kung sino ang salarin na nagigising sa akin ng ganung oras.              Natapatirik nalang ako ng mata ng makikilala ko kung sino yon!             Ano ba boss, ke aga-aga mong istorbo palibhasa nandyan ka lang paupo-upo at nagmamando!" Inis kong bulong sa sarili.            As if naman makaka reklamo ko, trabaho ko yun kaya kailangan  bumangon at sumunod ano man utos nito.             Sinagot ko nalang para mslaman ano nanaman gusto nya.           " Sir,  good morning po!" Bati ko sa kabilang linya.           " Good morning din! Magreport ka ngayon, may bago ka assigntlment!" Utos nito sa akin.           " Pasensya kana Sir,  may nauna sa'kin kagabi. " Paghingi ko ng sorry.           " Jhin, wag mo intindihin yun atleast nagawa mo ano trabaho mo! Basta magreport ka maya for your new assignment!" Ulit nito pero sa tono nito parang huli ko na ano nanaman papagawa nito.            " Salamat sir." Pagpapasalamat ko sa kanya.            " O sya sige, just come here para maexplain ko ano susunod mong assignment." Kulit nito talaga kapag gusto nitong ako ang ilagay sa trabaho na yun,  di sya titigilan hanggang di nya ko napapa oo.            " Saan nanaman ba sunod sir?" Patay malisya kong tanong.            " Kaya nga pinagrereport kita para magkausap tayo ng maayos." Galit-galitan nitong tugon sa akin.             " Naku sir, eh parang alam ko na ano nanaman yan!" See tama nanaman ako.             " Kilala kita Jhin, wala ka inuuralungan pagdating sa trabaho mo kaya alam kong chicken lang syo 'to! " Matandang 'to talaga, dadaanin pa ko sa pang-uuto mapa oo lang ako.               " Sabi ko na, pero kailangan pa talaga mang-uto ah!" Pagdating talaga sa profession ko gagawin ko lahat ng aking makakaya para lang magampanan ito.               " Ikaw talaga bata ka, di naman sa ganun!" Bawi nya sakin.              " Naku sir, di na ko bago dyan!" Napapailing nalang ako kapag nasa ganitong situation kami.              " O sya sige,  magkita nalang tayo mamaya!" Paalam na nito.              " Sige sir!" Sagot ko nalang para wag na humaba pa pang-uuto nya.             Tagal ko nakahiga naalala ko nanaman mokong na yon. Wag na sana magkrus landas namin dahil kung hindi, matutuluyan sya sa'kin.            Ilang minuto pa, nagpasya na akong bumangon nagkape, at naligo. Makapag report na ako maka-uwi ng maaga, mamili tuloy ako gamit dito sa apartment at makapaglinis na tuloy.           Naku kung ang baklang ito ang hinihintayin ko aamagin lahat ng dumi dito sa bahay ko pero di nya malilinis.         Jus miyong Basha 'to talaga. N/A: Hhhmmm, abangan nyo po ang amazona. tnx for READING po, sana nagustuhan nyo!  PLS. LIKE MY PAGE PO more stories I have.                https://w**************m/mharjhin22/                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD