"Eeeeewww, ano bakla, nawala yata pagka bebot ko." Reklamo ko kay Basha matapos nya akong ayusan, at tumingin ako sa salamin!
Ito nanaman ako, duty....hayyyss,
but Im enjoy what Im doing!
" Gaga, 'to para mo na din sinabing di ako bebot!" Asar na sabi sa'kin ng best kong bakla.
Sya si Basha, ang bestfriend kong lalakero! Daig pa ko ng pisting baklang 'to kabi- kabila mga boyfriend nya samantalang ako, NBSB...maganda naman sana ko, sexy, matalino...yun nga lang daw 'brusko' nagkapalit yata kami ng katawan ng baklang 'to.tsk..tsk..
" Look, magkamukha nga tayo!" Napapose pa sya sa tabi ko. Aba elosyonadang 'to kelan pa ko naging bakla! Bakyaain ko kaya bunbunan nito.
" Kamukha ka dyan, mangarap ka!" Inirapan ko sya, naman kahit ganito ko di naman ako papayag may kahati sa beauty ko, sariling ganda kaya 'to. hhahaha...
" Yang ganda mong yan, ineng ayaw mo pa tanggapin! Eh sinong magsasabing si Jhinieva Montez yan! Kaya mo yan, ikaw pa." Tinaas pa bagya ang baba ko, at ipinaling paling ng masipat nya ang ' CREATION' nya kuno!
" Hay naku, bakla kakayanin alam mo naman kung di kailangan di ko gagawin 'to." Reklamo ko, pero ako 'to eh, basta para sa trabaho ko gagawin ko para saan pang pinasok ko profession na to susukuan ko din.
" Ineng yan ang gusto mo eh, di magtiis ka!"
" Di mo ba ko sasamahan?" sinabayan ko pa ng paawa effect sa kanya.
" Pasensya ka na bakla, may lakad din ako. Kanya-kanya muna tayo ng destinasyon, alam mo na!" Kinindatan nya ako at medyo kinilig.
" Hhhmmm, at sino nanaman kinalolokohan mo aber?" Namaywang ako sa harapan nya pinahalata kong inis nanaman sa kanya.
Ganyan kasi baklang 'to, lagi nalang nagpapaka bobo sa mga lalaki, hays akala mo mauubusan ng lalaki sa mundo.
" Mameet mo din sya bakla!" sabay pilipit na akala mo kinikiliti.
" Bruhang to at kinikilig pa talaga! Naku wala akong balak pang kilalanin yan, hays parang di kita kilala bukas makalawa iba nanaman yan." Sabay irap ko sa kanya.
" Grabe ka ha, palibhasa matandang dalaga, hhhmmm!" Asar nya sakin.
" Gaga, focus lang ako sa trabaho at dream ko. Palibhasa wala ka pangarap, kung di macho at poging boyfriend, tse!" bawi ko sa kanya.
" Nagsalita ang Maria Clara ng taon. Kapag ikaw nakaranas ng kiligin ewan lang sayo babae ka, baka maihi ka dyan sa panty mo." Sinabayan pa nya ng nakakalokong tawa.
" Malabo yan Basha! Di pa naipapanganak ang lalaking magpapatibok nito!" Napa pouti lips pa ako at sabay gawa ng hugis puso ng kamay ko sa tapat ng aking dibdib.
" Hays, lalim....bahala ka nga yan paniniwala mo eh, di go on Manang!" Pang- aasar pa nya.
" Loka, babaeng walang balakang!" Bawi ko.
" Yummy naman!" sagot nya ulit sakin.
" Eewww, san banda grabe ka makabuhat ng sariling bangko.
O sya, babaeng walang balakang tara na sabay na tayo. Teka nasaan na yon heels na isusuot ko?" Hinahanap ko ang high heels na pinapahiram nya sakin, and yes, high heels juskolored, makalakad sana ko for the first time in my life magsuot ako nito.
" Nakita ko kanina nasa ilalim ng table mo sa room! Uuwi ka din ba agad?" Tanong nya sakin.
Pumasok muna ko sa loob ng room bago ako sumagot sa kanya.
" Bahala na, kapag maaga natapos! Alam mo naman!" Sinuot ko na ang heels at piraktis kong ilakad.
Tuwang tuwa naman si Basha dahil ang galing daw nya, oo nga naman itsura ko ngayon mukha ako talagang bakla. Nasabi lang may shape katawan ko at may boobs. Ikaw ba naman ayusan ng baklang to na walang alam sa buhay kung di mag kutikot ng mukha.
Lumabas na kami, at diretso ako sa venue king saan ang assignment ko.
Pagdating sa venue, medyo marami ng tao I was feeling nervous and once again sinipat ko itsura sa mirror ng sasakyan.
" Lets go Jhin, here we go!
Diretso ako pumasok.
" Boss, nagsisimula na ba? VIP ako, may tao na ba don?" Lapit ko sa isang bouncer na malaking katawan! Hahaha, oo nga naman lahat nga pala ng bouncer kailangang built in para sa mga pasaway na costumer.
Bago sya sumagot sinipat pa ko ng loko, mula ulo hanggang paa.
" Wala pa naman mga 15 munites pa siguro, sakto lang dating mo!" Sagot nya sakin.
Mukha yatang nakakaamoy mokong na to, napapangiti pa! tsk.
" Ganun ba, o sige! Teka pala pogi saan ba banda ang VIP, baka pwede mo ko samahan." Pilantik ang daliri kong lumapit sa kanya sabay medyo haplos ng balikat nya!
Pumasok kami sa loob, sakto igagaya ako ng bouncer kung saan ng VIP room, kinawayan ako ng isang bakla.
Hays Jhin, panindigan mo yan!
" Ay ateng, halika dito!" Tawag ng isang bading sa akin!
Napalingon naman ako, aba save by the bell may makakadikit ako habang nandito, di ako masyado mahirapan kumilos.
Di ko na tinanggihan alok nya, sa isip ko nalang galingan mo Jhin baka maamoy ka nyan, sure palpak assignment mo kapag nagkataon.
" Bago ka no?" Tanong nya sakin.
" Na spot lang ng amiga ko place na 'to so, try ko!" Sagot ko naman kahit halos palipit na dila ko halos sa ilong na nga nanggagaling boses ko para mag boses talagang duding.
" Timing ka bakla, mga bago daw mga Fafa ngayon, balita ko sila opening ngayon!" Halatang kilig na kilig ang walanghiyang bakla.
Napangiti naman ako, good news yan sakin di masasayang pagod ko ngayon.
" Wow, ganun ba swerte ko naman pala!" Pa amazed ako konti para mag shoot ang acting ko.
I was seat beside her, sakto table nya malapit sa stage.
" Madalas ka dito noh?" Asking her with a landi voice!
" Ay oo ateng, lalo na kapag may bago!" Mukhang excited pa sya, now palang Im sorry my dear baka madamay ka!
" Madalas ba mga parokyano dito?" Sakay ko na din sa pagkakilig nya.
" Ay oo, at wag ka di sila basta basta. Oo nga pala, saan mo pinagawa yan?" Sinundot pa nya boobs ko para ma feel nya yata kung totoo o fake. Halos magningning pa mga mata nya mafeel nyang natural.
" Abroad bakla!" sabay sapo ko at inalog kaunti! Pisting buhay to, kasama ba talaga to? Gggrrrrr!""
" Wow, sosyal!"
" Di naman ateng katas lang din ng pinaghirapan, kaya ayan medyo bongga!" Sabay tawa ko nalang.
Naputol usapan namin biglang tumugtog ang music!
This is it!!!
" Mag- start na bakla." Kilig na ng baklang kausap ko.
When the music start, lumabas na din ang isang lalaking naka-boxer short lang. Macho, may looks and wow may six pocket ateng! Pero di yun ang pinunta ko dito, Sige lang giling pa!
Yak, grabe pala sa place na'to kung di lang kailangan di ako pupunta sa dito. Letse, kadiri!!
" Ayan na bakla, ang gwapo nya!" sabay hiyaw nya ulit.
Ako naman kahit kinikilabutan na sa nkikita pinipilit ko sakyan ang mga nangyayare!
" Oo nga!" kunwari kilig ko din.
" Naku, bakla iuuwi ko sya kanin nalang ulam na!" kulang nalang talaga magpuso mata nya sa sobrang kilig sa sa damuhong lalaking 'to na nang aakit sa taas ng stage.
" Ay bakla, makalaglag panty...hhhmm., swerte naman makapag uwi sa Fafa na yan!" Sabay tayo ko, pafeel excited kunwari.
" Ateng, nakatingin sa'yo! Mukhang type ka!" Kilig ng mahadera.
ggggrrrtrr, letseng to ako pa yata pagpaparausan ng lintik.
" Wag ako mokong ka, makakatikim ka ng di mo pa natitikman!" Gigil kong bulong, naktingin pa din sya sakin.
" Anong sabi mo?" Langyang baklang 'to talas ng pandinig narinig pa sinabi ko.
" Ah- ah wala, sabi ko mukhang ang sarap nya sapakin este, papakin!" Nadulas na ko sa inis. Sorry sya damay na din sya, sa assignment ko na'to.
Trabaho lang walang personalan!
Bumaba ang lalaki mula sa stage at papunta sa table namin.
Kinilig laolo baklang malarit na katabi ko.
" Hi." lapit nya sakin
" Hello." Landing sagot ko.
" Whats your name?" Sabay himas nya pisngi ko!
Wag ka magkakamali ng kilos kung di baliktad ka dyan.
" Im Nieva and yours?" Sabay papungay ko ng mata.
" Kiel!" Sabay giling nya harapan ko.
Eeeeeeww as in eeewww, sasapakin ko na yata 'to.
" Can I have you tonight?" Walang tigil pa din ang kendeng nya na halos nakadikit na sya balat ko.
Promise maliligo ako ng alcohol pag-uwi!! Di ko na uulitin 'to.
" Sure, your place or my place?" Sakay ko sa kalandian nya.
Sabay dakma nya sa pwet ko, walang hiyang mokong na to, sa dami ng pwedeng pagtripan ako pa nakita. Pasalamat sya nasa duty ako kung hindi kanina pa sya bumaligtad sa kinatatayuan nya. Sarap dagukan.
" Ay Fafa, baka pwede maghintay ka para dyan!" Iwas ko sa kanya.
" I can't wait for it darling!"Halos yakapin na nya ko, naku maya ka sakin makita mo.
" Be patience, Fafa you can get it in a munite just relax okey!" Di ko na alam pano ako lalayo sa kanya!
" Bago ka lang dito noh?"
sige lang sya si giling, napipika na ko!
Tiis pa konti Jhin!
" Yes Fafa." irita kong sagot.
" Can you wait for me?" Panglalandi pa nya! Konti nalang bebenggahin ko na 'to.
Di pa ko nakakasagot sa kanya umugong ang police car, buong akala ko naman tropa namin yon kaya di man lang ako natinag sa kinatatayuan ko katabi manyakis na 'to.
Nagulat nalang ako bigla nya ko niyakap at sa pagkakagulo ng mga tao nadakma nya boobs ko. At doon lalo nagliyab ang galit ko, sinampal ko sya sabay naman dating ng pinaka mataas sa team na ng nag-raid.
Thanks for reading
po, don't forget to vote!
Enjoy lang po, sorry sa mga nabitin.