Pagod na binagsak ni DJ ang katawan sa sopa. Kagagaling lang niya sa site inspection ng tinatayong bagong branch ng La Amelia’s. Hilot-hilot niya ang kanyang batok na pumasok siya sa kanilang silid. Nadatnan niya si Sahara na mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ang asawa at masuyong hinagkan sa noo. Inayos niya ang kumot nito bago siya tumuloy sa banyo. Nang makalabas siya ay gising na si Sahara at nakaupo sa gilid ng kama. “Nagising ba kita?” nakangiting saad niya. “Hindi naman, kumain ka na ba?” tanong nito sa kanya. “Yes, nagpadeliver ng dinner si Eros,” umupo siya sa tabi nito at kinabig niya ang asawa, “How about you?” “Wala akong gana,” mahinang sagot nito. “But you need to eat. Baka magutom si baby,” sabi niya. “Kumain naman ako ng crackers and milk,” tugon nito sa kanya

