Nanlalatang bumalik si Sahara sa harapan ng salamin. Nasa dressing room siya at hinihintay niya na magsimula ang pictorial. Pinagpapasalamat niya na mag-isa lang siya. Nakailang ulit na siyang pabalik-balik sa banyo upang sumuka. Dahil kailangang itago niya ang kanyang kalagayan sa lahat, nakiusap siyang mapag-isa. Kahit tutol si DJ ay nagpumilit siya na ituloy ang pictorial. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa asawa. Magiging masaya pa ba siya dahil hiniwalayan na nito si Natasha? Dumako ang palad niya sa kanyang impis na tiyan. Ilang buwan na lang ay mahahalata na ang umbok nito. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang pagbubuntis. Paano niya haharapin ang lahat? Lalo na ang kanyang Tiyang Amanda. Sa makalawa ay luluwas na ito kasama ang Ninang Vivian niya a

