Pupungas-pungas na bumangon si Sahara, mag-isa na lang siya sa silid. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Mabuti ang kanyang pakiramdam na bibihara nitong mga nagdaan na linggo. Matapos makapag-ayos ay lumabas siya ng silid. Tinungo niya ang kusina, napangiti siya nang mabungaran niya si DJ na walang pang-itaas. Naka-sweat pants ang asawa at nakasuot ng apron. Hindi niya maitago ang pigil na hagikgik niya. Napalingon ang asawa sa kanya. “Buenas dias, misis,” nakangiting bati nito sa kanya. “Buenas dias,” nagpipigil pa rin siya ng tawa. Pinatay nito ang kalan at lumapit sa kanya, hinubad nito ang apron. Namumula ang mukhang iniwas niya ang tingin sa katawan ng asawa. Hinapit siya ni DJ sa beywang niya at hinagkan siya sa noo. “Why are you grinning?” nagtatakang tanong niya sa asawa. “

