Masuyong hinahaplos ni DJ ang buhok ni Sahara. Mahimbing ang tulog ng asawa niya, ayaw niyang gambalain ito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdamam niya. Pakiramdam ni DJ ay may bahagi ng sarili niya ang nabuo. Dumako ang tingin niya sa tiyan nito. Itinaas niya ang laylaan ng pantulog ni Sahara at hinagkan niya ito. Napaangat ang tingin niya nang maramdaman niya ang paghaplos ni Sahara sa kanyang ulo. “Good morning, misis,” nakangiting sabi niya. “Morning,” mahinang usal nito. “How do you feel?” nag-aalalang tanong niya sa asawa. “Nagugutom ako,” nakangiting sabi ni Sahara. Tumabi siya sa asawa at kinabig ito payakap. Hinagkan niya sa noo at sa labi si Sahara. “Anong gusto mo, ipagluluto kita?” saad niya. “Kahit ano?” nakatingalang tanong nito. Tumango siya sa asawa, “Ba

