“Ano bang problema mo?” natatawang tanong ni Sahara kay DJ. Nakailang balik na ito sa walk-in closet para magpalit ng damit. Makikipagkita sila sa Tiyang Amanda niya. Pinasundo ito ng kanyang asawa sa dati niyang apartment. Pati na rin si Tonyo at ang Ninang Vivian niya, para sa Haven Hotel na manatili. “Do you think she will like me?” pang sampung beses na rin yata ito tinanong sa kanya ni DJ. Tumayo siya at inayos ang kwelyo ng long sleeves na suot nito. “Mister, magugustuhan ka ni Tiyang, panigurado iyon,” natatawang sagot niya. “Misis, stop making fun of me. I’m feeling more nervous,” naiiling na sabi nito sa kanya. “Why? Mabait si Tiyang, saka hindi mo kailangang kabahan,” saad niya. Hinapit siya nito sa beywang, “Do you feel better?” nag-aalalang tanong nito. Marahang siyang

