Makailang-ulit na napasulyap si Sahara kay DJ. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa asawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya makuha kung anong pumasok sa isip nito. “What do you think?” nakangiting tanong nito sa kanya. “Mister, sigurado ka ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?” Inakbayan siya nito at nakangising tumango ito sa kanya, “This is what I want, misis!” “Ikaw ang bahala,” saad niya kay DJ. “Oh, basta kung may problema, tawagan lang ninyo ako,” wika ni Tonyo kina DJ at Sahara. “Salamat, brod!” nakangiting sabi ng asawa niya kay Tonyo. “Maiwan ko na kayo, hintayin namin kayo sa bahay bukas,” dagdag na sabi nito. “Salamat, Tonyo,” wika niya. Nang makalayo ito ay binalingan niya ang asawang malawak ang pagkakangiti. Naiiling na tinignan niya i

