“Anong ginagawa mo?” Nagtatakang nilapitan ni Sahara si DJ. Nasa likuran ito ng kubo, walang pang-itaas na damit ang asawa. Tagaktak ito ng pawis at may hawak itong palakol. Nagsisibak ng kahoy ang kanyang asawa. “Okay ba?” nakangising tanong nito. Sinundan niya ng tingin ang itinuro nitong mga sinibak na panggatong. Isinisilid naman sa sako ng pamangkin ng Ninang Vivian niya ang mga natapos ni DJ. “Bakit ang dami niyan? Saka saan ba ninyo dadalhin ang mga iyan?” tukoy niya sa mga nakahelirang sako. Inaabot niya sa asawa ang towel pero umiling ito at ngumiti ng napakatamis. Sinamaan niya ng tingin si DJ pero di niya matiis kaya lumapit siya sa asawa at siya na ang nagpunas ng pawis nito. Todo ngisi ang magaling niyang asawa na lalong kinainis niya. “Anong nginingisi-ngisi mo diya

