“How do you feel now?” tanong kay Sahara ni Mrs. Amelie De Silva-Sanderstorm, ang ina nina Race at Nico. “I’m feeling better, Tita Amelie. Thznk you,” nakangiting saad niya. Naka-video call sila. Gaya ng kasunduan nila ni Nico ay nakipagkita siya sa Mama nito habang nasa New York siya. Bago ang fashion week ay ito mismo ang dumalaw sa kanya. Malaki ang naitulong ng pakikipag-usap niya sa ginang. Sa katunayan ay naipagtapat na niya ang lahat dito. Maliban ang relasyon niya sa pamangkin nito. “I’m so worried about you,” wika nito sa kanya. “Tita, don’t worry. Sinusunod ko po ang payo ninyo,” nakangiting sabi niya. Tumango ito sa kanya, “Don’t push it too hard, hija,” paalala nito. “Opo, Tita Amelie.” “May pabor sana akong hihingin sa iyo hija kung hindi ka busy,” nakangiting saad ni

