“Let’s divorce, Mr. De Silva! I’m giving back your freedom.” Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga katagang binitawan ni Sahara. Muling sinaid niya ang alak na iniinom. Nakabalik na sila sa condo unit. Walang salitang namutawi sa kanyang asawa matapos nitong sabihin na maghiwalay na sila. Magdamag na nanatili ito sa hospital. Kinabukasan rin ay nagbiyahe sila pauwi. Mariing pinikit niya ang kanyang mga mata at sumandal sa sopa. Nasa silid si Sahara. Abot kamay niya lamang ito pero parang milya-milya na ang layo ng asawa sa kanya. Nasasaktan siya sa kaalamang may ibang naging lalaki sa buhay nito. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. Matinding selos ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon. Napaangat siya ng tingin nang lumabas si Sahara. Nagsalub

