Nanggagalaiti sa galit si Natasha, panay ang dial niya sa number ni DJ. “Sh*t!” nagpapadyak na sigaw niya. Nasa tinutuluyang hotel siya, nasa kasunod na room lang ang kanyang mga magulang. Kung hindi lang niya kasama ang mga ito kanina ay di siya papayag na balewalain ni DJ. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa lalaki. “Ano ka ba naman, Ate Natasha?” sita sa kanya ni Yannie. Nakatakip ang mga kamay nito sa magkabilang tenga. “He is not answering my call!” singhal niya sa pinsan. “Bakit naman kasi hindi ka pa tumigil sa kabaliwan mong iyan! My god! You’re married, Ate Natasha,” sagot nito sa kanya. “Wala kang alam!” asik niya kay Yannie. “Hindi ka ba naaawa sa mag-ama mo?” natigilan siya sa tanong nito. Ito ang unang beses na kinontra siya ni Yannie. “Oh, please... Y

