KABANATA 23

1256 Words
"May pa-cake, aba naman." Kantyaw ni Amanda ng makita nito si Abby. Matapos na mapirmahan ang receiver's signiture ay nakangiting nilingon ni Abby ang kaibigan at saka itinaas ang kahon ng cake na mula sa The Sweet Side, ang shop na pinagdalhan sa kanya ni Glenn. " Balak ka yatang patabain ng manliligaw mo Abby." Halos araw-araw kase, kung hindi cake, ay chocolates o pagkain mula sa ibang fast food o restaurant ang dumadating sa kanila kaya nakakalibre sila sa pagkain. "Tinawagan ko na nga si Glenn, ang sabi ko'y hindi naman na niya kailangang mag-rasyon sa atin. Nakakahiya." "Ano naman ang nakakahiya doon? Pinilit mo ba siya? Kusang loob iyan my friend, at ang grasya..dapat ay buong kalooban na tinatanggap." Nakangising ani Amanda sabay abot sa bitbit niya. "Minsan ka na nga lang makatikim ng ligaw via delivery hindi mo pa samantalahin." Tumatawa pang dagdag nito. Naiiling na sinundan na lang niya si Amanda patungong kusina. Sa kanilang dalawa ay tiyak niyang mas maaapektuhan si Amanda sa timbang o paglaki ng katawan dahil di hamak na ito ang mas nakikinabang sa mga ipinapadala ni Glenn. Bukod sa hindi naman kase siya masyadong mahilig sa matamis. "Oo nga pala Abby, ano ba ang status ni Mr. Seaman sa iyo? Bakit hindi mo nalang sagutin para may maipakilala ka na sa nanay at popsie mo?" "Dapat ba ay sagutin ko na agad?" Nagtataka niyang tanong dito. Tikwas ang kilay na hinarap siya ng kaibigan matapos makapag-hiwa ng cake. "Hindi ba't ikaw itong naghahabol sa oras? Kung ako ang tatanungin, okay naman si Glenn, maloko at mukhang palikero lang, pero mukha namang sinsero. Plus, gwapo. Ganda ng magiging lahi ninyo friend." "H-hindi naman sa..naghahabol ng oras," Malamyang anas niya kaya napahinto sa tangkang pagsubo ang kaharap. Ibinaba nito ang tinidor, hinila ang upuan habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya ay na-upo doon. "May gusto kang iba.." Hindi iyon tanong, o akusasyon. Ang pahayag ni Amanda ay iyong tipo na para bang inaarok pa ang katotohanan doon kahit na ba sa bibig nito mismo iyon nanggaling. Nang hindi sumagot si Abby ay lalong na-intriga si Amanda. Wala itong alam na lalaking pinag-uukulan nito ng pagtingin. At bukod kay Glenn na siyang tanging naglakas loob, o ang tanging lalakingay kumpyansa na magpakita ng pagkagusto kay Abby ay wala na siyang alam na iba pa. Ay meron pa pala! Tili ng boses na iyon sa isip ng dalaga. "Hitad ka! May gusto ka talaga kay Rony?" Hindi makapaniwalang bulaslas nito. "H-hindi ko naman sina-sadya, at isa pa, napipigilan ba iyon?" Tila batang na-corner na depensa ni Abby. Lumingon-lingon pa siya sa paligid sa takot na baka naroon lang din si Joey. "Wala si Joey. Maagang umalis, may project yata siya." Bigla ay sabi ni Amanda na bahagyang ikinapanatag ng dibdib niya. "Ang akala ko ay crush mo lang si Rony. Nang ikwento mo sa akin ang nangyari sa iyo sa Pangasinan ay hindi ko naman binigyan ng iba pang kahulugan ang kilig mo dahil kung sa akin mang-yayari iyon baka hanggang ngayon ay mabaliw-baliw pa ako. But you seriously fall for him? Abegail..may girlfriend na si Rony at ang balita ko pa, long time girlfriend niya iyon. " May bahid ng pag-aalalang ani Amanda. " Alam ko. At alam ko din na wala namang patutunguhan ang nararamdaman ko. In the first place, sino ba naman ako hindi ba? Kapag nalaman ni Rony ang tungkol dito, baka pagtawanan pa ako n'un. Imaginin mo nga naman, isang sikat na modelo at manganganta siya, tapos ako-" "Abegail!" May diin sa boses na pag-tawag ni Amanda sa kanya. "Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na maganda ka, at kahit na sino pang lalake ay maswerte sa iyo. Hindi ka man sikat, o mayaman o pang-Hollywood sa ka-seksihan, hindi iyon dahilan para manliit ka sa sarili mo. Wala ka pa rin bang tiwala sa taglay mo'ng ganda? " Ramdam ni Amanda ang bigat sa bawat salita ng kaibigan. Seryoso siya nang sabihin niyang maganda ito, na totoo naman talaga, kulang na kulang lang talaga sa confidence si Abby. Sa katunayan ay patunay ang kalalakihan na ilang ulit itong nililingon ngunit walang lakas ng loob upang lumapit. Taglay kase nito ang aura na para bang walang pakialam sa paligid o hind interesado sa kahit na ano o sino, kaya hindi na siya nagtataka kung bakit wala ni isa man ang nanligaw dito hanggang sa sumapit nga ito sa edad na trenta y uno, na isa din sa dahilan kung bakit tila ba napaka-baba ng self steem nito sa sarili. Isa si Glenn sa natatanging lalake na binaliwala ang awkward na aura'ng iyon ni Abegail, at sa tingin niya ay ganoon din si Rony. Pero may kasintahan na ang huli, at kahit na natutuwa si Amanda na sa wakas ay tao na ang kaibigan niya at nakaka-experience na ng *love* at maligawan ay ayaw naman niya itong masaktan. Alam niya kung gaano ka-espesyal na makaranas ng unang pag-ibig, pero katumbas din niyon ang ibayong sakit kapag nasaktan at hanggat maaari ay ayaw niyang maranasan iyon ni Abegail. Sa ngayon, batid niya na nasasaktan na ito, pero maliit na bahagi pa lamang iyon. "Nakita ko na ang girlfriend niya." "Huh?" Tila nawala pa sariling bigkas ni Amanda. "Kailan?" "Noong isinama tayo ni Joey sa photo shoot. Na-meet ko siya sa comfort room, pero hindi ko pa alam that time na girlfriend siya ni Ron. Nalaman ko lang nang makita namin sila ni Glenn sa cake shop." Gusto pa sanang idagdag ni Abby ang kakaibang ikinilos o ini-akto ni Rony sa kanya. Pero knowing Amanda ay baka mabigyan na naman nito iyon ng mas malalim na interpretasyon. "Talaga? Anong itsura?" Bigla ay tanong nito. "Maganda syempre." Kagat labing sagot niya. "Pero bukod doon ay halata naman mabait. They..uhm, they look perfect together. Parang match made in heaven ganun." "Ganoon?" Diskumpyadong gagad nito sa kanya. "Binubuhay mo ang kuryosidad ko. Parang gusto ko tuloy makita." Ani Amanda bago ipinagpatuloy ang pagkain sa cake kaya doon na lang din niya itunuon ang atensyon. Masarap pa rin naman ang pagkain lalo na kung libre. Matapos magpaka-busog ni Abby at Amanda ay inaya naman siya nitong maglibot-libot muna habang wala pa si Joey na siyang dapat ay tour guide nila sa paglalakwatsa, kaya matapos magkapag-palit ng damit at makapag-ayos ay lumabas na sila. Wala naman silang ibang nagawa kung hindi ang mag-ikot sa mall, at sa huli ay mapunta sa school supplies upang mamili ng ilang visuals para sa pagtuturo nila. Pa-gabi na nang makalabas sa mall sila Abby kaya nagkagulatan pa silang dalawa. Hindi kase nila namalayan ang oras sa loob, at kung hindi pa sila tawagan ni Joey ay wala pa sa balak ang umuwi. Pagka- dating sa bahay may sasakyan pang nakaparada sa tapat niyon. "Anong tagal ninyo!" Bungad sa kanila ni Joey. "Bakit may curfew ba? Wala pa namang 10pm ah!" Ganting singhal dito ni Amanda. "Sorry Joey, may binili lang kami." Nangingiti namang sabi ni Abby habang binabagtas ang sala patungo sa silid nila. Bago pa man niya mabuksan ang pintuan ng silid ay muli siyang napalingon, halos mapilipit pa nga ang leeg niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita doon ang apat na lalaking naka-upo at nag-iinuman, tatlong babae, na ang isa ay hot pink ang kulay ng buhok, habang ang isa ay malaki ang tiyan, at ang isa naman ay may natatandaan niyang nakita niya sa cake shop. May kandong itong cute na cute na batang lalake na may hawak na bottled milk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD