KABANATA 24

1240 Words
"Anong ginagawa niya dito?" Tanong sa sarili ni Abby habang nakasandal sa nakapinid na pintuan ng silid. Dinig niya doon ang tawanan mula sa sala. Hindi niya inaasahan na mayroon palang bisita si Joey. Higit na hindi niya inaasahan na isa sa mga bisita na iyon ay si Rony. Kung pagbabasehan niya ang reaksyon nito nang mag tama ang mga mata nila ay nasisiguro niyang hindi rin niyo inaasahan na makikita siya doon. Sunod-sunod na katok ang nagpatalon kay Abby sa gulat. Bahagya pang nanginig ang kamay niya nang buksan iyon, kung saan patalon din namang pumasok kaagad si Amanda. Sinambilat nito ang mga kamay niya na mukhang excited pa sa nakita. "Juiceko lawd Abby, it's raining men! Nakita mo ba ang mga bisita ni Joey sa labas?" "Nakita ko, pero nakita mo rin naman siguro na may kasamang mga babae diba? Taken na ang mga iyon." Buhat sa sinabi ay mabilis na nalukot ang mukha ni Amanda at saka siya iningusan. "Kailangan talagang barahin mo ang katuwaan ko? Minsan lang ako makakita ng mga ganoong nilalang friend. Sa atin sa Cavite, kundi tambay ay lasinggero, sugalero o babaero ang makakasalubong mo. " Exaggerated na sabi nito sabay pihit paharap sa salamin na nakasabit sa pader. " My gosh, ang oily ng fezlak ko friend. Parang bagong hango sa kawali. " Litanya nito. Isa-isang inilagak ni Abby ang mga pinamili sa loob ng dresser tsaka siya naghanap ng damit pamalit. Hindian niya tingnan ang sarili sa salamin ay tiyak din niya na nagungulintab ang mukha niya sa pawis. *** " May mga bago ka palang boarders?" Ani Erick matapos sundan ng tingin si Abby at Amanda. Pasimple niyang nilingon si Rony na noon ay hindi rin kaagad nakahuma sa kabiglaan bago lumipad ang mga mata kay Sarah habang nilalaro ang pamangkin nito. "Ah, ako ang nag-invite sa kanila na magbakasyon muna dito sa Manila, bago umuwi sa Cavite." Sagot niya habang bitbit ang case ng beer papasok. "Bakit wala bang bakasyunan sa Cavite?" Gagad naman ni Joseph matapos makapag-bukas ng isang bote ng beer. "Taga Cavite nga sila diba? Syempre sa ibang lugar naman nila gustong maglibot." Nanlalaki ang matang ani Bianca sa asawa na nginisihan lang ng huli. "Are they your friends?" Tanong naman ni Gibson na hindi rin maalis ang mga mata sa asawa nitong si Christina na noon ay halos kabuwanan na ang tiyan. "Well..yeah. Pero si Amanda ang matagal ko na talagang kilala. We have a..love and hate kind of friendship." Tumatawang ani Joey. Nang lumabas si Amanda at Abby sa silid ay doon napako ang atensyon nila dahil na rin sa katapat lang halos ng sala ang kwarto at ilang hakbang lang ang layo mula doon. Bukod kay Amanda na tila ba may spring sa paa, at animo matagal na nitong kakilala ang mga bisita ay kumaway-kaway pa ito habang humahagikhik na parang nabuang na. Hindi tuloy malaman ni Joey kung teacher ba talaga ang kaibigan o pakawala sa mental. Ngumiti si Abby, hindi partikular kung para kanino, pero ang mga mata niya ay naroon kay Rony habang pa lapit sa mga ito. Tinanguan lang siya nito bilang ganti at pagkatapos ay tumungga na sa hawak nitong bote. Hindi niya tuloy maiwasan ang manamlay. Halata ang pagbabago ng mood nito sa tuwing nasa paligid siya. Hindi siya manhid upang hindi iyon mapansin. "Anong okasyon Joey?" Tanong ni Amanda na nakipag-gitgitan na dito sa upuan matapos makipag-beso-beso kila Bianca, Sarah at Christina. "Walang okasyon. Gusto lang namin uminom," Nakangiwing sagot naman nito. Nagtungo naman si Abby sa kusina upang kunin ang monobloc chair doon. Palibhasa ay nakasalansan lang  ang mga iyon sa isang sulok ay nahihirapan pa siyang kalasin isa-isa dahil bukod sa halos kasing taas niya ang pagkakapatong-patong ay tila naka-dikit pa iyon. Marahil sa matagal nang pagkaka-stock doon. "You should have called for help." Anang boses mula sa kanyang likuran. Nagtaasan ang balahibo niya sa batok ng maramdaman ang init nito mula sa kanyang likod. Gustuhin man niyang lumingon ay hindi niya magawa. Nagsasalimbayan ang biglaang pagragasa ng kaba, tuwa, at hindi niya mapangalanang pakiramdam sa kanyang dibdib at sikmura. Habang tumatagal ay tila mas nagiging sensitibo at alerto siya sa tuwing nasa paligid ito. "K-kaya ko naman." Hindi lumilingon na sagot niya. May kung anong pumitik sa puso niya nang marinig ang mahinang pagtawa nito. "Parang kabaligtaran ang nakita ko." Anas nito sabay abot sa upuan mula sa kanyang likuran. Marahas ang naging paghugot niya ng hininga. Bahagyang dumikit kase ang katawan nito sa kanya, literal na nakulong siya sa pagitan ng mga bisig nito habang kinakalas ang pagkakapatong ng silya. Lima ang inalis na monobloc chair ni Rony, pero hindi nito iyon kaagad inihiwalay, sa halip muli din nitong ibinalik sa pagkapatong bago pa man tuluyang maiangat. Nanatiling nakaharang ang mga braso kay Abby. Malakas na malakas ang kabog sa dibdib ng dalaga habang pinakikiramdaman ito. Nang manatiling tahimik at hindi gumagalaw ang binata ay lakas loob na umikot paharap si Abby at patingalang nilingon si Rony. Pakiramdam niya ay puputok na ang baga niya sa pagpigil na huminga. Paano siyang makakahinga nang maayos kung halos magdikit na ang mga ilong nila sa pagkakayuko nito. Paano titibok sa normal ang puso niya sa tiim ng mga titig nito sa kanyang mukha? Paano niya mai-aahon ang sarili sa pagkakahulog dito kung ganito ito kalapit at mas lalo pa siyang itinutulak upang tuluyan nang hindi makaahon sa damdamin niyang walang laban sa simula palang. "R-Ron.." Halos magbuhol-buhol ang hiningang bulong niya sa pangalan nito. Amoy na amoy niya ang beer at orange sa hininga ni Rony sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Lalo siyang naliyo nang mas bumaba ang mukha nito, at halos tila ba ga-sinulid na lang ang pagitan ng mga labi nila. Sa natutulirong isip ni Abby ay ipinikit niya ang mga mata habang mahigpit na naka-kapit ang mga kamay sa laylayan ng suot na shirt. She bites her inner cheek as her trembling lips waiting for a kiss. But the kiss didn't happen. Rather, Rony grabs her shoulders and hurriedly pushes her to the side. She stood there frozen, and speechless with a face burning with embarrassment. "I-I'm sorry Abegail. I can't." Hinging paumanhin nito sa kanya at saka buong pwersang hinugot ang limang silya sa pagkakapatong-patong. Hindi na ito muling lumingon pa nang iwanan siya doon. Nanlambot ang mga tuhod niya at halos bumigay iyon sa sobrang panghihina. Sa mga sandaling iyon ay hindi lang ang sakit ng kalooban ang nangibabaw sa kanya, kundi ang kahihiyang inabot niya sa harapan nito. Hindi niya lubos maisip kung bakit hinintay pa nitong maging ganoon ka-kompromiso ang kalagayan nila bago siya nito harap-harapang paasahin. Pinaasa nga ba siya? O sarili niya lang ang pinaasa niya? Tinapik-tapik niya ang dibdib nang makaramdam ng kakaibang sakit doon. Gusto niyang umiyak pero para bang maging ang luha niya ng mga oras na iyon ay ayaw siyang pag-bigyan. Natatawa sa sariling kagagahang pahinamad siyang tumayo at dumiretso siya sa lababo upang naghilamos. Sinampal-sampal niya ang mga pisngi upang kahit papaano ay maibalik ang tila namanhid niyang pakiramdam, bago humugot ng malalim na hininga at nag-plaster ng ngiti sa labi. It's okay Abegail..smile. She virtually patted her own back. And before she faces them, she makes sure that there's no hint of pained Abegail in front of them. Specifically in front of Rony. "Who wants cake!" Malawak ang ngiting bungad niya sa mga ito dala ang blueberry cheesecake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD